“Si Clarise ba ‘yon?” nagtatakang tanong niya nang matanaw si Clarise sa tapat ng coffee shop nila. “Oo, siya nga. Bakit ang aga niya? Closing siya, ‘di ba?” Kibit-balikat ang isinagot niya sa tanong ng kapatid dahil pareho naman silang walang alam. “Ibaba mo na muna ako bago ka mag-park,” utos niya sa kapatid para malapitan niya agad si Clarise. Itinigil naman ng kapatid niya ang sasakyan sa tabi at bumaba siya. Nilapitan niya agad si Clarise. “Bakit ang aga mo?” “Nakipagpalit ng shift si Kristy, may emergency daw sa kanila kaya tumawag kagabi,” sagot nito. “Ah, gano’n ba?” “Oo, pabor na rin sa akin kasi maaga ako makakauwe mamaya,” anito na humarap sa kanya at pinakatitigan siya. “Kumusta kayo ni Clint?” Sinulyapan niya muna ito bago sinagot ang tanong nito. “Susubukan ko ulit. B

