Chapter 62

1184 Words

Mabigat na mabigat ang mga paa ni Clint wari bang hirap na hirap siyang ihakbang ang mga iyon palapit sa kabaong na nasa harapan ng chapel kung saan nakaburol ang bangkay ni Mina. Walang humpay ang pag-iyak niya, mukhang hindi na yata siya nauubusan ng luha dahil sa kakaiyak mula nang mamatay si Mina sa hospital. “Kuya, ito na si Baby Maurice,” nilingon niya si Mela na hawak-hawak nito ang anak nila ni Mina na siyang dahilan ng pagkawala nito. Mula nang isilang ito ay hindi pa niya hinahawakan ang anak nila dahil pakiramdam niya ay ito ang dahilan kung bakit nawala ang babaeng pinakamamahal niya. Alam niyang walang kasalanan ang bata pero hindi niya mapilit ang sarili na mahawakan man lang ito. Pero unti-unti, habang kinakausap siya ng mga pinsan at mga magulang ni Mina na kailangan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD