Ngunit ganoon na lang ang pagkalito sa mukha niya nang paglabas niya ay makita niya sina Mina at Clint na nakatayo na waring may hinihintay. Hinanap ng mga mata niya ang isa sa mga kapatid niya na posibleng nagpiyansa sa kanya para makalaya siya. Ngunit nailibot na niya sa paligid ang kanyang paningin ay wala siyang nakita ni isa man sa kanyang mga kapatid. Lumapit sa kanya ang kanyang abogado. “Miss Modesto, congratulations dahil laya ka na,” anito at inilahad ang kamay sa kanya. Naguguluhan ang mukhang tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “T-thank you, Attorney,” nauutal na sagot niya. Ngunit hindi agad sumagot ang kanyang abogado bagkus ay tiningnan nito sina Clint at Mina na nakatayo lang sa may b****a ng pintuan. Ayaw niyang isipin na sila ang dahilan kung bakit siya nakalaya.

