Inilibot pa ni Clint ang mata nagbabakasaling makita na niya ang mga ito nang biglang mapadako ang paningin niya sa hindi kalayuan sa kanila ng mga bata. Ganoon na lang gulat niya nang makita niyang nahulog si Mina sa tubig. Napatakbo siya nang wala sa oras sa kinaroonan ng mga ito. Mabilis siyang lumusong sa tubig papunta sa direksyon ni Mina, ngunit nakita niyang iniahon na ito ni Tristan at isinakay sa jetski. Kaya bumalik siya sa mababaw na bahagi ng tubig at hinintay ang mga ito. Galit na tiningnan niya si Tristan nang makalapit na ito sa pampang. Agad niyang kinarga si Mina upang tignan kung ayos lang ba ito. “What were you thinking?!” medyo galit na tanong niya rito ngunit patuloy lang ito sa pag-ubo kaya hinagod-hagod niya ang likod nito. “You could have died there, for god’s sake

