Abala ang lahat dahil kaylangan nilang matapos ang kanilang mga trabaho dahil ilang araw na lang formal nang ililipat ni Mr. Arnulfo Mendoza kay Austine ang pamamahala ng company. "Miss. Rain, tara lunch break muna tayo nagugutom na ako eh." Yaya ni Nessa kay Lorraine. "Ok sige sa cafeteria na lang ha, para hindi na tayo lumabas ng building. Ang dami ko pa kasing gagawin ngayon," tugon ni Lorraine na napahawak pa sa kanyang ulo habang nakatingin sa computer. "Ok sige, " tugon ni Nessa. Kaya agad silang tumungo sa cafeteria. Habang masayang kumakain sina Lorraine at Nessa ay nagtatawanan habang kumakain, dahil sa mga kwentong corny joke ni Nessa. Ngunit biglang naging tahimik ang loob ng cafeteria dahil may bigla kasing sumulpot sa kanilang lamesa na isang lalaki at gustong m

