Napapakunot ang noo ni Lorraine habang tinititigan ang sarili sa malapad na salamin sa kaniyang harapan,"Bakit ba kasi kailangan pa talaga nating magpa salon Riza?" Tanging ngiti lang ang tugon ni Riza sa tanong ni Lorraine sa kaibigan habang kasalukuyang s'yang inaayusan ng mga make up artist. "Ayaw ko nga sana umattend ng party Riza eh, pero sabi kasi kaylangan daw andon lahat ng empleyado sa party kasama raw 'yon sa trabaho natin," muling saad ni Lorraine. "Oo nga eh, at for the first time aatend ka na ng company party. Sa 2 years natin magkasama hindi ka talaga uma attend ng party at ewan ko ba sa iyo ang tagal mo na dito sa syudad nagpapakamanang ka pa rin. Ayan nga mag bihis ka na ha," saad ni Riza at inabot nito ang gown ni Lorraine sa isang stylist. Agad namang pumasok si

