Episode 8

1382 Words
(Claire) "Kumusta na si Lola, Ate Claire?" Kristel ask me. Nandito siya ngayon sa office ko dahil may iaabot daw siya sa akin, I wonder what is it? "She is fine, konting galos lang dahil sa ginawa ni Samantha. Bakit ka nga pala nandito?" She took something from her handbag and hand it over to me. "Please be my maid of honor ion my wedding," Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at ngumiti ng pagkalapad-lapad. "Are you kidding me? Of course I would love to!" masaya kong usal. Tumayo na ako at niyakap siya, mauuna pang makasal sa akin si Kristel ah.  "Thank you ate." naiiyak niyang sambit. "Pagkatapos mong magpakatanga ay ikakasal ka na din sa wakas, I wish for your happy marraige and happy life." masaya kong bati sa kanya. I hug her once again, after all she deserve everything in this world.  "Saan nga pala ang wedding mo?" binuksan ko naman ang invitation niya at binasa ang details. "We decided to have a beach wedding sa Maldives ate, but, don't worry sa accomodation dahil sagot na namin yun." nakangiti niyang sagot. Tumango naman ako sa kanya.  Pagtapos naming mag-usap at nagpatuloy na ako sa pagtratrabaho nang biglang may tumawag sa akin.  "Hello?" "Claire? Si tito Jake mo ito, I want to warn you because Samantha is up to something."  "Tito? Why? Ano na naman ba ang kailangan ni Samantha Tito?" galit kong sambit. Marahas kong sinarado ang laptop dahil sa inis.  "Hindi ko pa alam, may nakarating dito sa akin na balita na may binabalak si Samantha kasama ang parents mo. I just want you to be careful, lalo na at malaki ang responsibilidad mo ngayon." nag-aalalang sambit niya.  "Thank you tito, I will make sure na mag iingat ako. Thank you." He hang up at ako ay napahilot sa sintido ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil tambak na ako sa trabaho dumagdag pa ang babaeng baliw na to, hindi ko malaman kung paano nakilala ng mga magulang ko ang babaeng ito.  I instructed my employees, most especially the security na wag na wag papasukin si Samantha or ang mga magulang ko. Masyadong malaki na ang problema ko ngayon kaya wala akong time para makipag-usap sa kanila, pinindot ko naman ang intercom ko para magpadala ng tsaa. While doing some works ay biglang nagring ang phone ko, tinignan ko naman kung sino ang tumatawag. I smirked devilishly when I saw Samantha's name flashing across my phone, pinatay ko iyon agad dahil ayaw ko siyang maka-usap.  I continue pressing my keyboard then suddenly my secretary burst inside my office, she is catching her breath while point outside. "What happened?"  "M-ma'am, y-yung b-baliw mong kapatid. May dalang katana, inaambahan ng wasiwas ang mga empleyado sa labas ng building."  Napalaki naman ang mata ko at napahampas sa lamesa, the audacity of that btch. Nagwala pa talaga siya dito sa kompanya ko. Nagmamadali akong lumabas ng opisina, siguraduhin lang ng mangkukulam na yun na walang masasaktan sa mga empleyado ko.  Pagkababa ko ay nakita ko kung paano pinagpuputol ni Samantha ang mga halaman sa labas ng kompanya ko, gustong dumugo ng mata ko dahil sa lahat ng ayaw ko ay yung nasasaktan ang mga halamang inaalagaan ng mga gardeners ko. Binalingan ko ng pansin ang isa sa mga security ko at kinuha sa kanila ang handgun na hawak nila.  "M-ma'am?"  "I know how to use this," I winked at him. Naglakad na ako palabas, chineck ko muna kung ilang bala ang laman ng magazine bago ko kinasa ng tuluyan ang baril. Matagal tagal na rin akong hindi nakaka hawak ng baril kaya kating-kati na ang kamay kong paputukin to sa mapurol na utak ng kapatid ko.  Hinarangan naman ako ng mga security ko kaya inangat ko naman ang baril na hawak ko. "Padaanin n'yo ako." seryoso kong sambit. They are reluctant at first pero napilitan silang bigyan ako ng daan palabas ng kompanya, to make sure I am safe ay sinundan nila ako palabas. I almost curse when I saw how devastating outside, may mga police na rin na nakastandby sa labas kaya kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Now, kailangan ko lang pakalmahin ang abnormal na babaeng ito.  "What do you think you're doing?" malamig kong sambit. Tinago ko muna ang baril sa likod at naglakad lakad, damn matagal-tagal ring pinatubo ng mga gardeners ko ang mga halaman na yan tapos ikakatana lang ng baliw na to? Siya itanim ko dito eh.  "You! How could you do this to me?! I am a Buenavista! May karapatan din ako sa kompanyang ito!" she screamed. I rolled my eyes at sinipa ang isang kumpol ng tulips pabalik sa kanya, nagitla naman siya sa ginawa ko kaya napangiti nalang ako.  "Your parents has their own company darling, diba sayong sayo na yun. Bakit nakiki-hati ka pa sa kompanyang binigay na sa original na apo, which is ako?" I sarcastically uttered. Namula naman siya sa galit, using both of her hands, she charge towards me aiming to swing the katana on my neck. But before she can take another step, I also aim my gun towards her direction.  "Take another step at kakalat dito ang utak mong mapurol." pagbabanta ko. Her face went pale when she saw me holding a gun. "You really have the nerve to wreck everything which I build, you have the audacity to claim everything I owned. Tell me, saang butas ka pa pinadaan nung pinanganak ka?"  "Isusumbong kita kay Daddy--"  "Go ahead, magsumbong ka. Akala mo ba natatakot ako? Hindi ko nga alam kung pano mo nauto ang mga magulang ko at patay na patay sila sayo, How shameful na may kapatid akong baliw..." nangkukutya kong sambit.  "Nakakahiya ka, dito ka pa talaga nagkalat sa harapan ng opisina ko. Sinira mo pa ang mga halaman kong imported, gusto mo bang ikaw ang itanim ko dito ha?"  "Those plants deserve to be cut, they are as useless as you. Dapat sayo mamatay na!" she roared.  I laughed hysterically. "That is death threat my dearest sister, baka nakakalimutan mo may police na nakikinig oh,"  Nginuso ko naman ang mga nakahilerangg police car kaya mas lalo siyang kinabahan, mukhang hindi niya ata inaanticipate na may police na darating. "Nagulat ka ata, nakalimutan mo bang may police na nag iimplement ng laws? Naku sister, bumalik ka ng elementary dahil mukhang malala na ang pagiging bobo mo."  She frowned at sinugod ako, walang alilangan ay binaril ko ang kanang paa niya. Nadapa naman siya at nabitawan niya ang katanang hawak niya. "You take my words so light my dear sister, I already warned you."  Kinuha naman ng mga guards ko ang katana at hinuli ng mga police si Samantha. "Wag n'yong bigyan ng first aide yan, kusang maghihilom ang mga sugat niyan. Katulad ng pagbubuntis niya, himalang walang fetus na nakuha sa tiyan niya." makahulugan kong sambit.  Nagulat naman siya sa sinabi ko at tila tuluyang nanghina, I smirked. Lumapit ako sa kanya and I held her cheeks. "Do you really think I am that dumb para hindi malaman ang lahat? Nakakalimutan mo ata, may ospital ako and I can do everything I want. If you think you can destroy my life, gawin mo munang ice ang araw, probably doon sirang sira na buhay ko." I whispered.  "You're a demon!" "So anong tingin mo sa sarili mo? Anghel? You made me this way, now beat it." Marahas ko namang bintawan ang chin niya at seryosong tinignan ang deputy chief. "Ipapadala ko nalang ang secretary ko for the statements, I will press charges against this witch."  Tumango naman siya at pinosasan si Samantha, I somehow love that part, I never expect na darating kami sa puntong ito. Napakuyom nalang ako dahil sa pagiging greedy ni Samantha, I can still remember how she stole everything from me. From the beginning na dumating siya sa buhay ko hanggang ngayon, she is trying so hard to become a Buenavista and she even tried to kill me back then.  Bumalik na ako sa opisina ko at huminga ng malalim, kinuha ko ang wet wipes at humarap sa salamin. I gently wipe my neck with full of foundation, and there, one big scar appears on my sight.  "I will never forgive you, never."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD