Episode 9

1467 Words
(6 years old Claire) "Claire, baby, come here," napalingon ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Mommy. Ngumiti ako at binitawan ang doll ko, lumapit naman ako sa kanya and she place me in her lap. "What is it mommy?" "Baby, we want to say something to you." ngumiti siya kay daddy and then sa akin. Nagtaka naman ako dahil sobrang saya nilang dalawa. "We are adopting, you're going to have a sister." masayang balita sa akin ni Daddy. Ngumiti naman ako ng malapad at napatalon talon pa sa tuwa, I've heard from mommy and daddy na hindi na sila pwedeng magka-anak dahil sa condition ni mommy and now ang pangarap kong magkaroon ng kapatid ay magkatotoo na. Ngayon daw darating ang kapatid ko kaya sobrang saya kong hinintay siya sa labas ng mansyon. "Ma'am Claire, mainit po diyan." nag-aalalang tawag sa akin ni Manang. "No it's okay yaya, dito lang po ako para makita agad ako ng bagong sister ko." nakangiti kong sambit. Kumuha nalang siya ng payong at pinayungan ako, makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang gate ng mansyon at pumasok doon ang van namin. "They're here!!" "Claire wag kang masyadong malikot baka madapa ka!" nag-aalalang tawag sa akin ni Uwa. Nandito rin sila dahil gusto daw nilang makita ang sister ko, yehey! Magkakaroon na ako ng Playmate. Bumaba na si mommy and daddy at may inassist silang isang batang babae. "Everyone, Meet Samantha E'claire, she is now my daughter." nakangiting sambit ni Mommy. Pumalakpak na ako at nagtatalon talon pa. Pumunta na kami sa dining area at nagsimula nang kumain, tumabi ako kay Samantha na nahihiya pang kumuha ng pagkain. "It's okay, here you can have this." kumuha ako ng isang cupcake at binigay iyon sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin at inirapan ako, nagtaka naman ako at nilagay sa plato niya ang cupcake. Kinuha naman siya iyon at tinapon sa akin, nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang napatingin kay mommy at daddy. They looked surprise and napatayo pa sila sa gulat. "Samantha, why would you do that?" seryosong sambit ni Daddy. Lumapit sa akin si mommy at inayos ang damit ko, I am still speechless and I was so shock dahil ngayon lang ako naka experience ng ganito. "Sorry po, ibabalik ko po sana sa kanya ang cupcake pero nadulas po sa kamay ko. Allergic po kasi ako sa strawberry cupcake." she innocently said. Hindi ganun ang nangyari, walang reaksyon naman si daddy sa sinabi niya at inutusan ang mga yaya na bihisan ako sa kwarto ko. "Talagang nadulas lang ha?" makahulugang tanong ni Tita Agatha. "Don't worry Tita, hindi naman po sinasadya ni Samantha. Sorry Sam, hindi ko alam na allergic ka pala sa Strawberry. Akyat po muna ako mommy and daddy, magbibihis lang po ako." pagpapaalam ko sa kanila. Before I left the table, Samantha glared at me. Galit na galit siya at hindi ko maintindihan kung bakit? I've heard the grown ups talks before ako tuluyang lumabas sa dining area. "I expect na hindi na mauulit yun Samantha." Uwa scolded her. Ilang buwan na rin ang nakakaraan matapos ang insidenteng yun, I tried approaching Samantha pero hindi ko talaga siya matantya. She kept on pushing me away from her. "Yaya, hindi po ba ako gusto ni Samantha?" nag-aalalang tanong ko sa mga yaya ko. "Ma'am, wag mo na pong isipin yan. Nagpapakafeeling lang po si Samantha dahil naiingit yun sayo, eto po meron po kaming Lemon cake." ngumiti naman ako at nagsimula nang kumain. "Ako naiingit? Ang kapal naman ng mukha mo?" napatigil naman ako nang biglang dumating si Samantha at nakapamewang pa. "Sam! Mabuti nalang at nandito ka, come join me." pag-aaya ko sa kanya. "No! Alam mo, mahadera ka. Bakit ka nandito?!" "Ma'am Samantha, siya lang naman po ang anak ni Sir at ma'am. Baka nakakalimutan mo po na siya ang original dito?" pagbabanta ni Yaya. Pinigilan ko naman si yaya. "I don't understand you Samantha, I thought we we're sisters?" "Sister? Akala ko nga nag-iisa lang akong anak?! Why is it nandito ka?! Umalis kana dito!" She charges towards me and she pulled me para mapaalis ako sa upuan ko. "No!!" "Bitiwan mo po siya!" Tinulak naman siya ni Yaya kaya natumba siya sa lupa. She glared at me, tumayo siya at sinabunutan ako ng sobrang sakit. "Samantha Bitiwan mo ako!" Hindi naman makuha ni yaya ang kamay ni Samantha sa buhok ko kaya umalis siya at humingi ng tulong. "You! Akala ko magiging okay na ang lahat! Bakit ka ba nandito?! I thought akin na ang lahat ng ito, hindi ko aakalain na may anak pala sila! mamatay kana!!" Tinulak niya ako palayo sa kanya and she grab something from the back, namutla naman ako dahil cutter iyon. "Samantha wag!" the next thing I know ay nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako na nasa ospital na ako. "M-mommy?" "Claire, thanks God at gising kana." nag-aalalang sambit ni Tita Agatha. "Where is my mommy?" mahinang tanong ko, I can feel that my throat is aching kaya naiiyak nalanga ko sa sakit. "Don't talk too much, papunta na rin ang mga magulang mo. God! I don't know kung ano ang pumasok sa utak ng Samantha na yun, and that motherfvcking Pablo, mas kinampihan pa niya ang batang yun!" galit na sambit ni Tito Jake. "Ang bunganga mo Jake, bata ang kaharap mo. Don't worry ako na ang bahala kay Pablo, hindi na ako makakapayag na magiging Buenavista ang babaeng iyon." Uwa uttered. Biglang bumukas naman ang pintuan at bumungad doon si Mommy, daddy at Samantha. "Bakit nandito yan?" "Mommy, Kinausap na naman si Samantha. She said that Claire started everything and she just defends herself," Daddy uttered. No, hindi yan ang nangyari. "Talagang maniniwala ka sa kanya kesa sa anak mo?" Tita Agatha seriously said. "Hindi naman po ate..." "No, yan ang pinapalabas mo. Hindi ako makakapayag na mangyari ito Pablo, Claire is the ONLY BUENAVISTA and the only heir of the Buenvista corporation. Nakakalimutan mo ata yun?" "But Samantha is also a Buena..." biglaang sambit ni Mommy. "No, I will not allow that btch to bear the name of Buenavista." Uwa said. "But..." "No buts, kung ito ang magiging usapan natin Pablo. Umalis na kayo, hindi na babalik si Claire sa inyo kung nandun pa rin ang batang yan. Lahat ng gamit, yaya at guards n'yo doon na binigay ko ay kukunin ko dahil kay Claire ang lahat ng yun." Sinamaan naman ako ng tingin ni Samantha. Starting from that day hindi na ako umuwi sa bahay at kay Uwa na ako nakitira. Bumalik lang ako doon when I was 12 years old, tinulungan ko si Mommy at daddy sa kompanya but they betrayed me, I suffered I spent almost half of my childhood life sa opisina while all of them are happily spending the money I earned. "Claire, Your father's business is now at the top. Glad to hear that iha, I am so proud of you." Uwa complimented me. I smiled at her and raise a toast, I am still a child kaya juice lang muna ang iniinom ko. While celebrating the success of the company ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon ang mga magulang ko. "Wow, We didn't know na isusurprise n'yo pala kami. Oh, I heard that my company is successful now, Samantha baby. Its your time to shine." Nawindang ang mundo ko nang marinig ko kay daddy ang mga salitang iyon, kinuha niya ang kompanya sa akin and throw me like a trash. Wala akong choice kundi tapusin ang pag-aaral ko at magpatayo ng sarili kong kompanya, I was one of the successful business owners kaya mas lalong nagalit sa akin si Samantha. She brainwashed my parents and mas pinapaniwalaan nila si Samantha over me, kinuha niya ang lahat sa akin and now gusto niyang kunin ang pinaghirapan ko. Yun ang hindi pwedeng mangyari, kunin na niya ang mga magulang ko, si Dylan and everything pero wag lang ang sariling akin. "Claire?" Uwa entered my room. Today is my inaguration as CEO of Buenavista corporation, today marks the beginning of my revenge. Babawin ko ang mga kinuha sa akin ni Samantha. "Where's mommy and daddy Uwa?" hinanap ng mata ko ang mga magulang ko dahil hindi ko sila mahanap. "They are not coming, they said that it is Samantha's despidida party, babalik na daw siya sa States." Nanikip naman ang dibdib ko dahil sa mas priority ni Mommy at Daddy ang babaeng yun, wala na akong nagawa kundi saluhin lahat ng responsibilidad as the new CEO and Owner of Buenavista corporation. Papatumbahin ko ang kompanya mo daddy, I will make sure na magsisisi kayo na ginawa n'yo to sa akin. "Cheers to the new future of Buenavista Corporation, Cheers to our new CEO!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD