Episode 5 (Hot Headed Claire)

1327 Words
(Claire) "Hey girl! Buhay ka pa ba dyan? Lutang na lutang tayo ah," bumalik naman ang ulirat ko dahil sa mataray na pagtawag sa akin ni Penelope sa kabilang camera. "Uh, Yes. I am still here, What are you talking about? earlier?" balik kong tanong sa kanila. They look at me with a curiousity on their faces.  We are doing face time today dahil matagal na din kaming hindi nagkita kita. We are busy handling our own shits kaya minsan nalang kami magbonding. "Dahil na naman ba sa siraulo mong kapatid kaya ka nagkakaganyan? Hello, Nandito pa kaya kami." seryosong tanong sa akin ni Hannah. Tumango naman ako bilang pag sang ayon sa kanya. Hindi ko naman din maitatago ang katotohanan from them. "What did she do this time?" Claire asked me. I looked at them sadly, "She lost her child and they blamed me sa nangyari sa kanya." "What?" asar na tanong ni Penelope sa akin. "Buntis ang baliw mong kapatid? Nabubuntis ba ang demonyo?" sarcastic niyang dagdag. Narinig ko naman na tumawa si Amelia at Claire dahil sa sinabi ni Penelope, pati ako ay napangiti dahil sa kanila. "Gaga. Ikaw nga nabuntis yun pa kaya?" asar sa kanya ni Claire na ngayon ay humahagalpak na sa tawa. Napatawa naman ako dahil sa mga sinabi nila. "Yes, buntis si Sam and si Dylan ang ama," Natigilan sila sa huli kong sinabi. "Sinasabi ko na nga ba, balimbing talaga yang fianceè mo. Pati fake pinatos," napangita naman ako sa sinabi ni Amelia. She is right, balimbing naman talaga si Dylan ever since. Hindi ko nga matandaan na pinagtanggol niya ako before, kaya hindi na din ako magtataka kung maniniwala at nahulog siya sa mga cold promises ni Samantha. "So ano ang plano mo? Should I contact the underground?" Seryosong alok ni Hannah sa akin. I shook my head to answer her. "No need, Uwa already take care of her and my parents. Mas malala pa nga ang ganti sa kanila ni Uwa," "What kind of revenge is that?" Curious na tanong ni Penelope. "Before Lolo died, He put my name as a heir of the Buenavista Corporation and every properties and business under its name, and Halos mawindang ang mundo ni Dad nang marinig niya ang last will testament ni Lolo." Napalaki naman ang mata nila sa sinabi ko. "That will bring more chaos sa buhay mo Claire, are you sure na hindi ko na kokontakin ang underground?" Nag aalalang tanong sa akin ni Hannah. Tumango ako bilang pag sang ayon sa sinabi niya, I don't need the help of the underground. "But if I need help in the Future, Can you contact them?" "Of course, I will let them know." "At kailangan mo ng proteksyon Claire, your sister is a psycho." Nag aalalang sabi ni Penelope sa akin. I took a small sighed and look at them, "Thank you for worrying me but I am okay, halos hindi na nga ako tantanan ng mga bodyguards na hinire ni Uwa. I don't need another set of protection. Nakakabaliw." "Just in case, I know somebody na makakatulong sayo. I will contact him just in case," dagdag ni Penelope. "At sino naman ang taong ito Penny?" tanong ni Hannah. "Suspense muna ngayon, (Hon, lets go?) Yes Hon, oh siya ladies be right back. Oliver and me are going to have a date, tulog na kasi yung mga bata. Babush." Paalam sa amin ni Penelope and then she hang up. "Kahit kailan talaga si Penelope, Head over heels talaga sa asawa niya. Parang hindi pinagpalit at bumalik." Natatawang usal ni Hannah. I also laugh sa sinabi niya. "Pero sabi nga nila, Love is sweeter the second time around. And look at them, despite sa pang iintriga sa kanila noon, ngayon, Penelope has a wonderful triplets, loving and faithful husband." "Well, you got me." Natatawa niyang pag sang ayon sa akin. Nagtagal ang pag uusap namin ng ilang oras, at hindi namin namalayan na alas kwatro na pala ng umaga. We decided to finish our catch ups and went to bed. Pagkagising ko ay alas-dose na nang tanghali. Hindi na ako pumasok today sa office dahil exhausted ako physically and mentally. Napadako ang mata ko sa isang painting na nakakabit sa kwarto ko. It is a painting na niregalo sa akin nang namayapang lolo ko. It is a beach in Hawaii and it cost 115 million dollars dahil isang batikan at sikat na pintor ang nagpinta ng painting na to. How I miss going to beach. When is the last time na nagpunta ako sa beach? Sa sobrang tagal hindi ko na ma alala. Napailing na lamang ako at tumayo mula sa kama ko. I need to freshen up dahil sobrang banggag pa ng face ko, alas kwatro na kasi kami natulog. After ko magprepare ng self ko ay lumabas na agad ako sa kwarto to have my brunch. "Goodmorning po ma'am." Magalang na bati sa akin ng mga maids. Tumango nalang ako bilang pagsagot sa kanila at dumaretso na sa dining area, kung saan nakahanda na ang brunch ko. "Manang," mahinhin kong tawag sa mayordoma ng mansyon ko. "Maam?" "Manang, Can you bring me the newspaper po?" Nakangiti kong utos sa kanya. Ngumiti naman siya at sinunod ang utos ko. My maids and manang Juliet are one of my family, they protect me from my abusive parents and feeling sister. "Ma'am, eto na po yung newspaper nyo, at may mga letter po at documents na dumating mula sa opisina nyo? Ilalagay ko po ba dito?" Magalang niyang tanong sa akin. Kinuha ko naman ang newspaper at tinignan ang mga nakatambak na envelope sa kanang kamay niya. "Sa office ko nalang po manang, Salamat po." Tumango naman siya at umalis na agad. I took a sip from my coffee and cut a piece from the pancake na nakahain sa harapan ko, sa sobrang gutom ko ay nagpahain na din ako ng french toast at sausage. Pagkatapos kong kumain at magbasa ng newspaper ay umakyat agad ako sa office ko to read some documents. Habang binabasa ko ang mga documents ay napukaw ang buong atensyon ko sa isang envelope. Hindi ito naka direct sa akin, instead, pangalan ni Dylan ang nakalagay dito. "Nakalimutan ata ng nagpadala nito na wala na kami ni Dylan." Iiling iling kong sabi sa sarili. Binuksan ko ito out of curiousity without thinking na invasion of privacy na to ang ginagawa ko. I don't care, kasalanan ito nung nagpadala.  Binasa ko ang nakasaad. napakunot naman ako sa nilalaman ng papel na yun. "Deed of sale?"  Binasa ko muna ang dokumento at doon ko napagtanto na deed of sale pala iyon ng isang bahay na binili ko for us. Bakit siya may kopya nito? At paano niya nalaman ang tungkol dito?  pinindot ko naman ang intercom ko para tawagin si Manang.  "Bakit po ma'am?" magalang na salubong niya sa akin.  "Sino ang nagpadala nito?"  "Ma'am noong nakaraan po ay pumunta po dito si Sir Dylan, kinuha ho ang ilang gamit niya tsaka umalis. Tapos inutusan niya po kami na linisin ang kwartong pinagtuluyan niya dahil hindi na daw siya babalik. Nakita po namin yan sa ilalim ng kama niya ma'am," mahabang pahayag ni Manang.  Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. "Ang kapal naman ng pagmumukha niya na pumunta pa dito, para kunin ang mga gamit niya? punyeta, pera ko ang ginamit pambili ng mga gamit na yun. Akala ko ba mayaman yun?" sa inis ay tinawagan ko ang private attorney ko.  "Attorney, I want you to process some papers. Cancel all the cards na nakalink sa pangalan ni Dylan and take him out sa lahat ng properties and business ko. Also, Cancel his contract sa Buenavista Corporation." utos ko sa kanya. "Is that all ma'am?"  "Yes, I want you to cancel everything from him. Do you understand me? When I say everything lahat!" galit kong utos dito. Binaba ko na agad ang telepono ko, how dare him. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD