8 CHAPTER: JOB

1663 Words
Bitbit ang sobre na iniwan ni Alonzo bago siya lumabas ng club. Mariin ko itong hawak habang palabas. Hinanap ko agad ang presensiya niya at nakita ko siya sa madilim na parte. Nakasandal siya sa kanyang kotse habang may katawagan. Nu'ng palapit ako sa kanya mas klaro ko ang pagiging seryoso nito habang nagsasalita sa kausap niya sa phone. Kalaunan tinapos niya rin ang tawag nang makarating ako sa kanyang harapan. "I'll call you later, Ariella." That's what he said before he put his phone in his pocket. Katawagan pala nito ang kanyang fiance. Bahagya niyang tinagilid ang ulo para pagmasdan ako sa kanyang harapan.Huminga muna ako ng malalim bago ko inabot sa kanya ang sobre. "Umalis ka na rito, Alonzo...Kunin mo itong pera. Hindi ako nakikipag-table." "Pero kay Gary pwede?" sarkastiko niyang saad. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "Sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo. I have something to tell you. This is important." "I'm a waitress here. Hindi ako kaladkarin na babae. Kung ano man ’yan...Wala na akong pakialam." Napasinghap ako at kumunot ang noo. Binuksan niya ang pinto ng front seat. Sumenyas siya na pumasok ako roon. "We don't have time for this, Ms.Salvierra. Pumasok ka na sa loob dahil nagmamadali ako. Wala akong oras para makipagsagutan sa'yo." Namewang ako sa kanyang harapan. Tinaas ko ang kilay. "Bakit naman ako sasama sa'yo, Aber? Isa pa...Hindi mo ako madadaan sa pera mo. Bawal rin akong sumasama ng costumer. Wala na iyon sa trabaho ko..." "Do I need to repeat myself? Should I dragged you inside or what?" pagalit niyang sabi. "Umalis ka na at huwag nang magpakita sa akin. Ayaw kong mag-cross ulit ang landas natin." Nilapag ko sa ibabaw ng hood ng kanyang kotse ang sobre pagkatapos tinalikuran na ito nang sa ganoon makabalik na ako sa loob ng club. Ang kaso natigilan ako sa sinabi niya. "Bukas na mangyayari ang kasal ni Dad at ng Mama mo. Hahayaan mo bang magkatuluyan ang dalawa nang ganoon lang?" Hindi ako maka-imik. Ramdam ko ang panlamig ng katawan ko. Hirap din iproseso ng isipan ko ang sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang hinarap. Hinanap ko sa kanyang itsura kung nagsasabi ba ito ng totoo pero base sa kanyang titig sa akin na parang galit ito at frustrated. Alam mo na agad na wala sa kanyang mukha ang nagsinungaling. "Ano'ng sabi mo?" kompirma ko. Baka mali lang ako nang pag-intindi. "They're getting married tomorrow..." He snapped his hand. Tinukod niya ang siko sa ibabaw ng kanyang sports car. "Oo nga pala...pareho kayong dalawa. Pera lang iniisip...Matutuwa ka rin siguro kapag nagpakasal si Dad sa mama mong pera lang ang habol." "Wait...Ikakasal sila bukas? T-teka...p-paano'ng nangyari ang ganoon? Mag-tatlong linggo nang hindi tumatawag ang daddy mo sa ina ko? In fact...Gusto pa ngang makipaghiwalay ni Mama sa dad mo." "That's why I'm here to inform you about my dad's plan...Kung gusto mong malaman ang lahat at ang mangyayari bukas. You need to come with me." Nagdalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya pero dahil mukhang importante talaga ang sadya niya kaya sumama na lang ako rito. May ipapakita din raw siya sa akin lalo na't hindi ako naniniwala na nagkamabutihan na ang loob ni mama at ni Tito Enrico. Habang nasa byahe marami akong tanong. Gulong-gulo ang isipan ko. Pero maski isang tanong hindi niya sinasagot. Tahimik lang siyang nagmamaneho. Kunot ang kanyang noo at para naman akong mababaliw nang sinabi ni Alonzo ang katagang... "Magkasama sila ngayong gabi. Nakipagkita si Dad sa mama mo. You want proof! I'll show you. Just shut your dàmn mouth. You're noisy." He said annoyed in my presence. Tinikom ko ang bibig. Hinayaan siyang magmaneho. Dinala ako ni Alonzo sa labas ng mamahaling restaurant. Nasa loob lang kami ng kotse habang pinagmasdan namin ang dalawang tao na masayang nagkasiyahan sa isang table. Kita lang sila rito sa labas dahil glass wall ang restaurant. Kumakain ang dalawa at umiinom ng wine. Walang ibang nandoon kundi si Mama at si tito Enrico. Konti lang din ang customer. Makikita mo ang labis na tuwa ni mama habang kausap ang daddy ni Alonzo. Parang hindi mo makitaan na galit siya kay Tito Enrico. Samantalang nitong nagdaang mga araw halos isumpa niya ang daddy ni Alonzo. My jaw dropped while thinking that my mother is so in love. Akala ko sumama si mama sa isang costumer kaya ito umalis sa club pero nandito pala siya. Kasama si tito Enrico. Pasado hating gabi na ngayon. "Are they in a good terms now? Akala ko gustong makipaghiwalay ni Mama sa dad mo? B-Bakit nandito silang dalawa?" Gulong-gulo pa rin ako. "Dahil sa pera...Hindi ba't pera ang habol ng ina mo kay Daddy? That's why she can't leave my fúcking dad." Binalingan ko si Alonzo sa tabi ko na mukhang galit na naman sa nakita niya. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya makita. Nandoon ang atensyon niya sa loob ng restaurant. "Hindi pera ang habol ni mama sa daddy mo, no! Mahal niya si tito Enrico—" "Stop calling my dad Tito... You're not part of Arandiego," he cut me off. Binalingan niya ako at tinapunan ng madilim na tingin. "I'm disgusted thinking I'm a having a step sister...Masaya na ako na tatlo lang kaming lalaki. Ayaw ko ng babaeng kapatid na sakit lang sa ulo." Umawang ang labi ko. Kahit nakakalibot ang pagtitig niya sa akin ngayon para naman akong nainis sa sinabi niya. "For your information,Mr.Alonzo Arandiego. Ayaw ko rin naman na magkaroon ng lalaking kapatid na kagaya mo. Mas sakit sa ulo ang mga lalaki lalo na sa kagaya mong masama ang ugali. Feeling mo naman ikaw na ang perpekto sa lahat, hindi ka naman gwapo...Mayaman ka lang pero hindi nadadala ang pera sa hukay kaya piliin mong magpakabait." Tumaas ang kilay niya. "Shut up..." mariin niyang sabi. "Stop talking nonsense. Masakit sa tenga ang boses mo." Nang sulyapan ko siya hindi na maipinta ang kanyang mukha. Gusto kong matawa dahil mukhang na asar ko yata ito. Sa totoo lang...Gwapo talaga ang lalaking ito. Pangit lang talaga ang ugali. Ayaw ko namang aminin na may itsura siya. Hindi lang basta-bastang may itsura talaga. Iyong tipong unang beses mo pa lang siyang makita parang hindi na ito mawawala sa isipan mo. Ganyan ang hatak niya. But I don't want to compliment him a lot. Mas gusto ko pa ring isipin kung gaano ka matapobre ang lalaking ’to. Hindi ko ma-imagine na magkasundo kami. "Ano nang plano natin? Pupuntahan ko ba si Mama ngayon para pauwiin? Pagalitan ko ba siya sa harapan ng Dad mo?" tanong ko sa kanya. Iniba ko na ang usapan. Mukhang busy na rin siya sa pag-iisip habang nakatanaw kaming pareho sa parents namin. "That's still useless...My dad is a hard headed old man. Lahat ng gusto niya, gusto niyang mangyari. We can't stop their wedding tomorrow." My jaw dropped once again. Kinurap ko ang mga mata nang makitaan ko siya nang pagkunot ng kanyang noo habang malalim ang iniisip. Sa simpleng ekspresyon na pinapakita niya. Mas lalo siyang nakakatakot pagmasdan sa tuwing nagseseryoso. "Ano ba'ng nangyari sa dad mo? Bakit raw hindi niya kinontact si mama ng ilang linggo? May nangyari ba sa kanya?" kuryuso kong tanong. "He's busy planning on their wedding day. Ganyan magplano si Dad...Gusto niyang makapag-isip ng tama ng walang distorbo. Mukhang bukas din malalaman ng mama mo na ikakasal na sila... My dad plan to surprise her." "Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?" "I heard it...I heard him talking to some fúcking organizer on their wedding. And I hate to think that tomorrow you will be my step sibling and your mom is my step mother. I want you to do something woman...Kung hindi ko mapipigilan si dad sa gusto niya. Maybe you should stop your mom from going to their garden wedding tomorrow." Binalingan niya ako saglit. Nagtama ang mata namin. Malamig naman ang tingin niya sa akin. Para naman akong nilalamon ng titig niya kaya iniwas ko agad ang atensyon sa kanyang gwapong mukha at tiningnan na lang si Mama na tumatawa pa nang may sinasabi si Tito Enrico sa kanya. Malakas na lang akong nagbuntong hininga. Tumango ako nang makapag-isip ako ng plano. "Susubukan kong pigilan si mama. Gagawa ako ng paraan kung ganoon." "I'll give you triple money...Get your mom far away from the city. And let's make a way on how to separate them...Kung hindi matutuloy ang kasal nila bukas. Ibabalik kita sa Company ko. You're not just a janitor in there. I'll give you a higher position and I'll give back your scholarship. Do you understand me?" Namungay ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong natuwa nang malaman ang kanyang gustong mangyari. Ngunit nandito ang kaba ko. "Paano kung hindi ko magawa na pigilan ang kasal? Paano kung matutuloy pa rin?" tanong ko sa mababang boses. Tinitigan niya ako ng mariin. Binigyan ako ng nakakatakot na tingin. Nilapit niya ang mukha at hinawakan ang panga ko. Nakipagtitigan siya sa akin ng seryoso. I stopped my breath. "If you will fail...I don't have a choice..But..." He stopped and lick his lower lips. Sa puntong iyon. Mas klaro ko ang kanyang malalim na mata, makapal na kilay, mahabang pilikmata at ang matangos niyang ilong nang mas nilapit niya ang mukha sa akin. Blangko ang kanyang mga tingin. Dahan-dahan niyang nilapit ang bibig sa tenga ko para bulungan ako. "But to taste my anger. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Ms.Salvierra...Hindi lang impyerno ang mararanasan mo sa loob ng bahay namin. You will face a lot of worst...So do your fúcking job." Binitawan niya ang panga ko at lumayo siya sa akin. Naiwan naman akong nakatulala habang nakatitig sa madilim niyang mukha. Ramdam ko ang kilabot. Hindi ko alam kung kabahan ba ako sa banta niya. Isa lang ang alam ko...Hindi siya nagbibiro. Alam kong gusto niya akong pahirapan kapag natuloy ang kasal ng Daddy niya at ni Mama bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD