7 CHAPTER: MONEY

2715 Words
Mainit. Sobrang init nang naramdaman ko habang sumasayaw rito sa dance floor. I keep on grinding my hips, while making my hair dancing in the air. Iniwanan namin ni Gary ang mga kasamahan niya sa lamesa para dalhin ako rito sa dagat ng tao na sumasayaw rin. All of the people were so wild. I also jump and making myself comfortable in the music. Pikit-mata naman akong umiindayog dahil sa tugtog ng music. I head bang my head while laughing and chuckling. "You're dàmn hot, Jade!" bulong ng lalaking kasayawan ko. "Mas lalo akong naakit sa bawat galaw mo." Minulat ko ang mata. Nakita ko si Gary sa harapan ko na nakatitig sa paraan nang pag-sway ng bewang ko. Hawak niya ang bewang ko ngayon. Sinasabayan ang bawat galaw ng katawan ko. He was manly while standing in front of me. Ngumisi ako rito saka mas ginalingan ko pa ang pag grind ng hips. Tumalikod rin ako kay Gary at dinikit ang likuran ko sa kanyang dibdib. My butt was touching his bulk. Hindi ko inalintana ang paninigas ng kanyang pagkalalàki. Bagkos mas giniling ko ang katawan. Lasing na ako sa mga panahon na ’yun. Ngunit alam ko pa rin ang ginagawa ko. I just want to enjoy this moment. Hindi ako sanay sa club pero dahil madalas akong dinadala ng mga college friends ko sa isang bar. May alam rin ako sa night life. Hindi nga lang sa ganito ka engrandeng club ang pinupuntahan namin. "You're seducing me," bulong ni Gary sa tenga ko sabay haplos ng aking bewang. Nasa batok ko ang bibig niya. Mainit ang kanyang hininga roon. Bahagya akong lumayo para sana mag-enjoy ko ang pagsasayaw. Nahihirapan akong gumalaw kung yakap niya ako. Ngunit humigpit ang kapit niya sa bewang ko. Hinayaan ko na lang ito at nagpatuloy na sa pagsasayaw. May dalawang lalaki ang medyo lumapit sa harapan ko at sinimulan akong sayawan. Ngumiwi ako at umatras kaso nasa likuran ko pala si Gary kaya sumandal ako lalo sa kanyang katawan. He wrapped his arms around my waist and chuckled. "Tanginà...Tinigasan ako," prangka niyang sabi. Agad akong lumayo sa kanya at tumawa na lang para hindi kami magkaroon ng awkwardness. Hanggang sa pareho kaming tumigil nang may tumawag kay Gary. "Dude!" Tumingin kaming pareho sa aming tabi at nanlaki ang mata ko nang magkatinginan kami sa lalaking madilim ang awra. Seryoso ang itsura, hindi maipinta ang mukha. Nakatayo si Alonzo sa tabi namin habang nakapamulsa. Natatamaan ng neon lights ang kanyang mukha kaya mas lalong tumingkad ang nakakatakot niyang itsura. "Alonzo, what's up? Lasing na ba ang mga kasama natin?" tanong ni Gary sa natatawang boses. Mukhang lasing na rin ito. Hindi pa rin siya tumigil sa pagyakap sa akin. Ako naman....Huminto na sa pagsasayaw. Medyo blury na ang mga tao sa paligid ko. Kailangan ko pang hilutin ang mata para lang makita ko nang malinaw ang lalaki sa harapan. Nakatingin lang ako kay Alonzo na ngayon blangko ang kanyang ekspresyon. Saglit niya akong pinagmasdan bago niya binalingan si Gary ng tingin. "May naghahanap sa'yo sa lamesa..." "Huh? Sino raw?" This time natigilan na si Gary sa pagsasayaw. "It's your sister...Puntahan mo muna." Mas lalong namulsa si Alonzo. Napansin kong may babaeng sumasayaw sa kanyang gilid at likuran. Mga tatlong babae iyon na parang inaakit si Alonzo kaso hindi sila pinansin ng lalaking ’to kaya umalis rin agad sila. Tila napahiya sa walang reaksyon ng lalaki. "Jade, sa lamesa muna tayo. May naghahanap raw sa akin," bulong ni Gary. Tumango naman ako. Hinawakan niya ang pulso ko. Lalagpasan na sana namin si Alonzo ngunit pareho kaming nagulat sa sinabi niya. "Iwan mo na lang ang babaeng ‘yan rito. It looks like she's having fun here. Baka gusto niya pang sumayaw kasama ang ibang lalaki?" Medyo sarkastiko ang pagkasabi niya nun. Nagkatinginan kami ni Gary. Nagtataka ang kanyang ekspresyon. "Hindi na pre... Baka mapano pa si Jade rito. Binayaran ko ang buong oras niya ngayong gabi. Sasama siya sa akin." Gary said possessively. Huminga naman ako ng malalim nang walang magawa si Alonzo nang dalhin ako ni Gary pabalik sa lamesa. Pinaupo niya ako sa sofa at nang tingnan ko ang harapan. Nandoon na si Alonzo. Nakasunod lang siya sa amin, ka-uupo niya lang din. Nagkatinginan kami sa isa't-isa. As usual, he stared at me blankly. Tinungga niya ang inumin na nasa lamesa pagkatapos sumandal siya ng mariin sa sofa habang sa akin ang madilim niyang tingin. He's not saying anything. Pinagmasdan niya lang talaga ako. "Jade, nandoon ang kapatid ko...Kakausapin ko lang saglit...Pre, Ikaw na muna ang bahala kay Jade." Gary said to Alonzo. Hindi umimik ang lalaki. He only drinks his glass. Iniwas ko naman ang atensyon sa kanya at pinanood si Gary na nilalapitan ang isang babae na nasa bar counter. Hindi maipinta ang itsura ni Gary doon sa babaeng kausap niya. Ngumuso ako at ininom ang alak sa lamesa. Napansin ko na wala na ang ibang mga lalaking kaibigan nila Gary sa lamesa. Pati si Falcon wala na rin dito. Ang ibang natira busy sa kanilang mga babae, ang iba naghahalikan na at ang iba nakikipag-make-out sa tabi. Parang wala na silang pakialam kung ano'ng ginagawa nila. Namula ang pisnge ko nang makita ko ang isang kaibigan ni Alonzo na nasa sulok ng sofa nakipag-french kiss sa babaeng ngayon lang yata nito nakilala. I looked away and breathed. My eyes were still blurry but I can still manage myself.. Tanging si Alonzo lang ang walang kasamang babae. Umiinom lang siya ng tahimik. Nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko naman siya magawang kausapin. For sure, pangit na salita lang din ang lumalabas sa kanyang bibig. Isa pa...Hindi ako handang makipagsagutan sa kanya. Wala rin naman akong sasabihin. I can still remember how he gave me a sharp looking everything our eyes bumps to each other. Mula nu'ng nakabalik siya kanina sa club. Hindi na talaga niya ako tinantanan ng tingin. Galit at poot ang makikita mo sa kanyang ekspresyon. Sa tuwing nagkatinginan kami parang nilamukos ang tiyan ko sa takot. Hindi ako mapakali kaya hindi ko siya matingnan ng diretso. Mabuti na lang nagyaya si Gary na sumayaw kami kaya nakahinga ako nang maluwag, para din akong nakawala sa hawla nang makaalis kami sa lamesa. And right now...Balik na naman ako sa pagiging pormal. I can feel his piercing eyes darted on me. Para bang in-examine niya bawat ekspresyon ko, bawat sasabihin ko at maski paghinga ko dapat nakabantay siya. That's what I feel. "I didn't know you were good at seducing men around you," biglang sabi niya. Natigilan ako sa pagtingin sa paligid. Kanina pa ako nagpanggap na busy sa pagtingin ng mga tao. Ngunit naputol iyon dahil sa kanyang malamig na boses. "You're just like your mother... She's good at seducing my dad." Binalingan ko si Alonzo para makasiguro kung ako ba ang kausap niya. Halos maigtad ako nang magkasalubong ang mga mata namin. Nag-aapoy sa iritasyon ang kanyang mga titig. Hirap naman akong huminga. It looks like he is waiting for my answers. "I'm not seducing them, Mr.Arandiego. I'm just dancing earlier." "And make my friend harden his bulls? Ganyan ba talaga kayo ng ina mo? Ang mang-akit ng mga lalaki para magkapera?" Bahagya akong natameme sa prangka niyang pagkasabi. Nilibot ko ang tingin sa mga kasamahan namin rito. Baka may makarinig sa usapan namin. Mabuti na lang lasing na sila. Ang iba, busy sa kanilang mga babae. Kaming dalawa lang ni Alonzo ang nag-uusap ng masinsinan. "I don't know what you are talking about...Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Sinamahan ko lang ang best friend mo at bayad ito. I need to entertain him... That's part of my job." Tila nawala ang kalasingan ko at nagkaroon ako ng tapang na sagutin siya ngayon. "Job? You call this a fúcking job, woman? Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng kapatid na isang prostitute!" He smirked. Kinurap ko ang mga mata. My mouth hangs open. I process in my mind what he said. Until I made a mocking laugh. "Tama ba 'yung narinig ko? Kapatid? Magiging kapatid mo ako? For your information Mr.Arandiego...Hindi ko tanggap na magkakaroon ako ng kapatid na kagaya mo. Matapobre, masama ang ugali. Walang modo at arogante. Let me correct you...Hindi mangyayari na magkapatid tayo." "Are you fúcking kidding me?" Pabagsak niyang nilagay ang baso sa lamesa at tinitigan ako ng matalim. "Made sure...My dad won't marry your mother...Kapag nagkataon na ikakasal ang dalawa. Your life will get mesirable. Para mo na ring sinusunog ang buhay mo sa impyerno!" Hindi ako makapagsalita agad. Nawala ang tapang ko at napalitan na lang ng takot sa pagbabanta niya. Ngunit kalaunan nginisihan ko lang siya para makita niyang hindi ako takot. "Huwag kang mag-alala, Mr.Arandiego...Gagawin ko ang lahat para kumbinsihin si Mama para hindi kami maging parte ng pamilya mo. As I have said...Hindi ko gusto ang ugali mo at hindi ko gusto na magkaroon ng kapatid na kagaya mo. Hindi ko rin pinangarap na yumaman ng todo kung ganyan lang din namang ugali ang kinalabasan." Dumilim ang kanyang itsura. May sasabihin sana ito pero narinig na namin ang boses ni Gary na palapit sa lamesa. "Mukhang seryoso ang usapan niyong dalawa? Pwede ko bang malaman?" Umayos ako ng upo. Kumuyom ang bagang ni Alonzo. Nakangiti ko namang binalingan si Gary. Iniling ko ang ulo nang tumabi na siya sa akin. "Wala naman kaming pinag-uusapan masiyado." "Wala ba? Bakit galit yata si Alonzo sa'yo?" "I'm not mad, dude...Sinabihan ko lang siya na baka aalis ka na ngayon. Your sister is here, right? What is she doing here by the way?" pag-iiba ni Alonzo sa usapan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang may emergency na nangyari kay Gary. "We really need to go now, bro...Si Mommy nagkaroon ng aksidente. Hindi raw ako ma-contact ng kapatid ko kaya pinuntahan niya ako rito. Mabuti na lang daw nakita niya ang isang post ng mutual friend niya sa social media na nandito ako kaya nahanap niya ako." "Alright, hintayin na kita sa labas. Ako na ang sasama sa'yo sa hospital. Hindi pa naman ako lasing." Tumayo na si Alonzo at diretso na itong naglakad palabas ng bar. Hinarap naman ako ni Gary at pinaliwanag niya sa akin ang nangyari. "Kung may sinabi mang masama si Alonzo sa'yo huwag mo nang isipin ‘yun. Minsan talaga mainitin ang ulo niya sa babae...Aalis na ako, Jade. Sa susunod ulit...Bibisita ako rito kapag may oras ako...Ito ang bayad mo. I double it." May binigay siya sa aking sobre pagkatapos humalik lang siya sa pisnge ko at nagmadali nang umalis. Naiwan naman akong tulala sa mga oras na iyon. Tiningnan ko ang sobre at doon pa lang nagsink-in sa isipan ko itong trabahong pinapasok ko. I've been paid double? Ganito lang ba talaga kadaling kumita ng pera sa club? Tila bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Alonzo sa akin kanina...Mukhang tama nga siya...Pareho na kami ni Mama ng trabaho. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para samahan si Gary ngayong gabi para sa malaking halaga. And it makes me wonder...How can I decline this money? It's pure hard work. Isa pa, walang masama sa ginagawa ko kung hindi ko naman sinugal ang sarili ko sa isang lalaki. Hindi ko sinuko ang sarili ko. Alam kong walang masama rito. Kusa akong binigyan ng pera para lang samahan si Gary. "100 thousand ang binigay ng kaibigan ni Alonzo sa'yo para lang samahan mo siya buong gabi sa club?" gulat na tanong ni Mama. Pagkauwi namin agad niya akong krinompronta pa tungkol sa pakikipag-table ko sa isang costumer. Hindi niya ako nabantayan kagabi dahil may lalaki siyang costumer na dinala raw siya sa hotel at doon na ito nagpalipas ng gabi. Bumalik siya ng club para sabayan ako sa pag uwi. "Opo, Ma." "Jusko anak...Ano nalang ang sasabihin ni Alonzo sa'yo niyan. Mas lalo tayong aayawan ng lalaking ‘yun. Tingin niya sa atin mukhang pera baka mas lalo siyang magalit sa atin." Naging problemado na ngayon si mama. Akala ko matutuwa siya dahil nagkapera kami ng malaki. "Hindi naman tayo pareho ng trabaho, Ma. Hindi ko binenta ang sarili ko." "Kahit na...Hindi pa rin maganda ang ginawa mo lalo na't nandoon si Alonzo. Ako na ang kakausap kay Madam Alyza, dapat hindi ka niya pinapasok sa ganyang trabaho. Kahit malaki ang bigayan ng costumer huwag kang masilaw sa ganoon." Nakinig na lamang ako sa sermon ni Mama. Mababakas talaga sa kanya ang pag-alala sa iisipin ng pamilyang Arandiego. "Huwag niyo na ho ipilit na makasal kayo sa ama ni Alonzo. Isa pa, may katabi kayong lalaki kagabi. Paano po kung malaman ni Tito Enrico na may costumer kayo na sinamahan sa Hotel? Sa tingin niyo po matutuwa siya sa inyo? Baka magalit yun at saktan kayo." "Huwag mo akong alalahanin, iha. Alam ko ang ginagawa ko...Huling beses na iyon. Medyo nalulungkot din kasi ako...Hindi na ako tinatawagan ni Enrico. Hindi niya ako kinakausap mula nu'ng huling punta natin sa bahay nila. Baka nga hindi na matutuloy ang kasal namin." Nagkaroon ako ng tuwa nang marinig iyon. I was really hoping na hindi talaga matutuloy ang kasal ng dalawa. Iniisip ko rin ang pinangako ko kay Alonzo na gagawin ko ang lahat para hindi makasal ang magulang namin. Lumipas ang dalawang linggo na pagtatrabaho ko bilang waitress sa club. Naging maayos naman ang trabaho ko roon. Maraming costumer ang nag-alok na makipag-table ako sa kanila pero hindi na ako pumayag. Hindi na rin ako kinukulit ni Maam Alyza na makipag-table dahil pinagsasabihan na siya ni mama. Si mama naman mas lalong nalulungkot dahil hindi pa rin siya kino-contact ni sir Enrico. Tumatanggi rin naman siya kung may lalaking gusto siyang dalhin sa hotel kaya maliit lang din ang kita niya gabi-gabi. "Mukhang kailangan ko nang tawagan si Enrico, iha para kausapin siya na hindi ko na itutuloy ang kasal namin." Si Mama habang umiiyak. Naawa ako sa kanya pero sa likod nun natutuwa rin ako. "Mabuti pa nga, Ma...Ayaw ko rin po sa pamilyang iyon lalo na ang mga anak ni Tito Enrico. Hindi nila tayo tanggap at nakakahiya kung ipilit natin na makisiksik sa pamilya nila." Sinubukang tawagan ni Mama ang cellphone number ni Tito Enrico kaso hindi ito ma-contact. Walang tigil ang iyak na si Mama at halos walang gana sa trabaho. I keep on cheering her up. Akala ko balik sa normal na ang lahat. Akala ko maiiwasan na namin ang pamilyang Arandiego. Hanggang sa isang araw may isang lamesa akong nilapitan para kunin ang order nito. Nakasuot ng shades ang lalaki at mag-isa lang ito sa upuan. Bahagya siyang nakayuko habang hawak ang baso ng beer. Tanging matangos niyang ilong ang nasilyan ko at ang ulo niya na maayos ang porma ng buhok. His jawline was perfectly fine on his sideview angle. "Good evening sir...May I take your order please?" Tikhim ko. Gumagalaw ang kanyang panga bago niya dahan-dahang inangat ang kanyang atensyon sa akin. Sa bawat segundong prinoseso ng isipan ko ang familiar niyang facial ekspresyon. Pigil hininga naman ako nang magtanggal siya ng shades at doon ko nakita ng buo ang kanyang mukha. "A-Alonzo?" I asked shockingly. He only looked at me bluntly. "I will pay you five times...I want your fúcking time, Jade Salvierra." Kinilabutan ako sa paraan nang pagkasabi niya nun. Seryoso ang mga mata niya. Hindi ako makapagsalita agad hanggang sa maglapag siya ng sobre sa lamesa at sumandal ng maayos sa upuan. "I wanna talk to you privately...Get the money and we will leave right now." I blink my eyes many times. Umawang ang labi ko habang pinagmasdan ang lalaking may madilim na awra sa kanyang mukha. His hair was messy and he looked frustrated. "A-ano'ng ginagawa mo rito, Mr.Arandiego?" Tumaas ang kilay niya. His face hardened as he tilted his head. "Are you deaf? I said...I want your time. Bayad ang isang gabi mo kaya samahan mo ako." Tumayo siya at namulsa. Pinagmasdan niya ang suot ko. "Hubarin mo ang waitress uniform mo. Ayaw kong magkaroon ng kasama na parang katulong sa paningin ko." "Sir Arandiego...Hindi ako pwede—" "No more excuses...Don't make me wait. Hihintayin kita sa labas." Dire-diretso na siyang umalis. Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko kung papayag ba akong sumama sa kanya ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD