Zaina Jhin “Oh uminom ka muna dudz, pasensya na malamig na tubig lang ang kaya kong i-offer sayo ngayon,” Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko nang marinig ko ang boses ni Jozelle. Nakabalik na pala ito mula sa pagkuha ng isang baso ng malamig na tubig. Agad ko iyong kinuha at ininom. Uhaw na uhaw kase ako sapagkat naglakad lamang ako patungo dito sa kanila, nanghihinayang ako sa pamasahe isa pa ay kailangan ko ding magtipid. “Salamat dudz,” wika ko matapos iabot ang baso sa kanya. Kinuha niya iyon at inilagay sa gilid ng kinauupuan naming kahoy dito sa kanila. Nasa labas kami ng bahay nila, at dahil wala naman silang upuan ay ang malaking puno ng kahoy na nasa lupa ang siyang ginawa naming upuan. “Game na mag kwento kana, ano bang nangyare? Bakit mag isa ka nalang kamo?” nag aal

