Zaina Jhin “Oh dudz ang aga mo gumising, akala ko ba hindi ka din papasok?” takang tanong ni Jozelle nang makita nya ako sa sala. Nabanggit ko kase sa kanya kagabe na hindi muna din ako papasok sa eskwela dahil mag iisip ako ng paraan para may pagkakitaan. Isa pa ay may nais din sana akong subukan ngayon araw. Pagkagising ay nag init ako ng tubig upang makapagkape muna kami. Madilim pa sa labas dahil alas kwatro pa lamang ng umaga. Nagtitimpla na ako ng kape nang bumangon si Jozelle at makita ako .Sinundan ko siya ng tingin na kasalukuyan namang naghahanda ng mga gamit niya. “Dudz pwede kaya ako sumama sayo, gusto ko din pumasok dyan,” sambit ko nang iabot ko ang kape sa kanya. Nabitin sa ere ang paghigop ng kape ni Jozelle saka gulat na napatitig sa akin. “Dudz, sa botehan ako pumapas

