Zaina Jhin “Dudz nahanda ko na tara na,” rinig kong sigaw ni Jozelle sa akin mula sa loob ng bahay. “Anak, sino iyon?” takang tanong ni nanay. Hindi agad ako nakasagot dahil heto na ang bagay na kanina ko pa pinag iisipan kung paano ko sasabihin sa kanya. Humakbang hakbang ako, pabalik balik habang iniisip kung paano ko sisimulan ang ipagtatapat ko kay nanay. Kasalukuyan akong narito sa labas ng bahay nila Jozelle. Madilim na at ngayon lamang kami nakauwe ng bahay. Hinahanda na sana namin ang paninda kong mani upang irepack nang biglang tumawag si nanay kayat napatakbo ako dito sa labas. “Ina ano bang ginagawa mo?” Napalingon ako nang mula sa pinto ay lumabas si Jozelle. Nagulat pa ito ng makitang may kausap ako sa cellphone. “Ay may kausap kaba? Sige mamaya na lang ha,” dagdag pa nit

