Nang sumunod na araw ay pumasok na sa school si Ina. Ngunit hindi parin niya magawang mag focus sa pag aaral niya sapagkat ang isip niya ay okupado parin ng problemang dinadala niya. Sa dami nang naganap at sunod sunod na pagdating ng problema ay hindi na makapag isip ng maayos ang dalaga. Pakiwari niya ay kulang na kulang ang oras niya sa dami ng problema niya. Tahimik lamang siya sa loob ng ilang oras magmula nang pumasok siya. Hindi rin siya umaalis sa upuan niya kung hindi naman kailangan. Kapansin pansin din ang pagiging tahimik niya na parang palaging wala sa sarili. Kahit nang magsimula na sa pagtuturo ng bagong lesson ang kanilang guro ay nanatili lamang na tahimik si Ina. Naroon guro ang kaniyang tingin ngunit isa man sa sinasabi nito ay wala siyang naiintindihan sapagkat hindi d

