PARANG ISANG panaginip pa rin kung paano umalis si Jerson ng walang paalam sa akin. Nakita ko man ang pag-alis niya ay mas masakit pa rin isipin na hindi kami okay ngayon. Mabuti na lamang at natapos na rin namin ang oras na kailangang gugulin para sa OJT. Kaya walang dahilan para ma-out of focus ako ro'n. Ngunit kasabay naman niyon ay ang pagbabalik ng normal hours ko sa trabaho. Hindi ko lang maintindihan kung paano ako nagawang iwan ng basta ni Jerson matapos niyang malaman ang totoo. Gayong kahit kailan naman ay hindi ako nagtaksil sa kaniya-- oo may lihim akong itinatago na gusto ko nang ibaon sa limot para lang hindi masira ang tiwala niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako lulugar ngayon. Mahal na mahal ko siya. Ang natatandaan ko pa nga ay matapos namin magsiping no'ng isang g

