"CONGRATS, guys! We made it!" pagbati iyon ng group leader namin sa thesis na si Alanis. Katatapos lamang ng nakatutuyong utak na defense at naipasa na rin namin ang full copy na naka-book bind ang aming thesis. "Congrats, graduation si waving!" sabi naman ni Audrey. At nagyakapan kaming magkakagrupo subalit hindi inaasahang mapapansin nila ang pamumutla ko nang magbitiw-bitiw kami sa yakap. Pero para hindi mapunta sa kung saan ang usapan ay mabilis na nakaisip ng palusot si Mikas. "Ah! Kakain na muna kami, guys. Nagutom yata si Jeerah sa defense," wika ni Mikas at mabilis akong hinila palayo sa kanila. Alam na kasi ni Mikas ang tungkol sa pagbubuntis ko at bilang kaibigan ay iniingatan niya rin na hindi iyon makarating sa ibang kaklase namin dahil baka maging dahilan pa 'yon na hindi

