Chapter 15

1048 Words
Napatingin ako sa paligid ng huminto ang sasakyan namin. It's quite odd. "Nandito na po ba tayo?" I ask the driver. "Opo ma'am dito po ang entrance ng Coup University, hanggang dito ko lang po kayo pwedeng ihatid, ang alam ko po may mga sasakyan din sa loob na maghahatid sa inyo." Bumaba na ako habang tumitingin sa paligid. Mabilis ko ding nilabas ang perang ibinigay ni papa. "Huh, ano to?" habang tinitingnan ang papel na kasama sa binigay na pera ni papa, may kasama ding susi. "What's that?" Jared ask from behind. Umiling naman ako kahit hindi nakaharap sa kanya. Mamaya ko nalang siguro babasahin ang importante may matitirahan ako pangsamantala bago maubos ang binigay ni papa. Nagbayad na kami kay manong. "Oh akala ko ba may business kapa?" tanong ko kay Jared. "That's what I'm about to say. Sige mauuna na ako." sabi nito sabay sakay at umalis na. Hinila ko naman ang mga maleta ko papasok. Alam kong nasa likuran ko si Yuno kaya hindi na ako nag-abalang sulyapan man lang siya. "Magandang hapon po." magalang kong bati sa gwardiya, lumapit naman ito at binuksan ang gate. "Dito po ba kayo mag-aaral ma'am?" "Ahh, mag-entrance exam po sana ako ngayong friday." "Ganun po ba, lapit lang po kayo sa side na yun ma'am ihahatid po kayo ng kart papuntaaa sa hotel, doon po tumutuloy ang ibang mga estudyante na mag-iexam din." Tumango naman ako dito at pumunta na sa gilid ng kalsada. Parang golf house ang labas, wala din akong makitang kahit ano maliban sa malapad na field, actually kung titingnan at pagbabasaehan ngayon hindi halatang isa itong paaralan." Natuwa naman ako ng makitang may papalapit na kart. Naramdaman ko nalang ng may tumabi sakin pero hindi kuna pinansin, ngayon ko nararamdaman ang pagod ng naka-upo buong byahe. Gusto kunang himaga at magpahinga hindi kasi ako sanay sa mga mahahabang byahe dahil hindi naman ako nakakasama sa lakad ng buong pamilya. Nang makababa sa harap ng hotel ay dumiretso na ako papasok, talagang pinanindigan kong hindi tingnan ang lalaking nakasunod sa likod ko dahil sa sobrang pagod. Lumapit na ako sa receptionist para magtanong ng libreng kwarto. Mabilis naman nitong binigay ang susi kaya naka-akyat ako kaagad pero mas mabilis ata ang lalaking nakasunod sa akin dahil mas nauna pa siyang pumasok sa elevator. "Iniiwasan mo ba ako?" bigla niyan tanong na muntik magpatalon sakin sa gulat. Masyado ko atang iniisip ang makahiga kaya hindi ko talaga siya pinapansin. "Hindi, pagod lang talaga ako." maikling sagot habang atat na atat na binibilang ang numero ng palapag na lumalabas sa gilid ng elevator. "Anong number yung kwarto mo? "Hah! Ahh 78." "Hindi kaba sanay magbyahe?" "Hindi eh, ikaw ba?" tanong ko pabalik sabay tingin sa kanya. Mabilis ko namang nakita ang paglihis ng mga mata niya. Ano yun nahiya lang? Binalik ko naman ang tingin ko sa harap ng marinig na tumunog na ang elevator, hudyat na nasa palapag na ako ng kwarto ko. Mabilis akong lumabas habang hila ang mga maleta ko, napahinto naman ako at lumingon kay Yuno, sabay ngumiti ng maaliwalas. "Nice to meet you." maikli kong sabi at hindi na hinintay na sumagot pa siya. Mabilis kong hinanap ang kwarto ko at pumasok. Malawak ang kwarto at napakaganda ng view, kitang-kita ang lahat ng nasa baba pero dinaanan ko lang ito at dumiretso sa pinakadulong gilid ng kwarto ang kama. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko ng makarating sa dulo ng kama. Hayyy, ang lambot ng kama. Hinila ko naman ang unan at pumikit pero mabilis ko ding binalikwas ang katawan ko ng maalala ang sulat na kasama sa binigay na pera ni papa. Pinilit kong iupo ang sarili ko kahit na pagod at antok na antok na ako. Kinuha ako ang bag ko at inilabas ang sobre. Malaki-laki din ang binigay ni papa na pera, kung hindi ako masyadong gagastos ay aabutin pa ng isang semester. Nagtaka lang ako ng lumabas din ang sulat. Binuksan ko iyon at nakita ang isang bracelet kasama ng sulat. Simple lang ang disenyo pero maganda, kulay itin ito at may letter f lang na nakaburda sa gitna. Mabilis ko naman itong sinuot, siguradong bigay to ni papa. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagbago ng kulay nito matapos kong maisuot. The bracelet turn red and the letter turned blue, I don't know how did it happened but it amaze me. Mabilis ko namang binasa ang sulat ni papa dahil sa kuryusidad ng bracelet. Freatch, Kung nababasa mo itong sulat na ito, ibig sabihin nakarating kana sa CU. Tandaan mo ang mga sinabi ko, at lalong wag mong hahayaang makita ng ibang tao ang bracelet na kasama ng sulat na ito. Tandaan mo kahit anong mangyari kailangan mong makapasa at makapasok sa CU dahil yan lang ang lugar ng ligtas ka. Wag mo ding hahayaang makilala ka ng iba bilang pamangkin ng hukom. Balang-araw maintidihan mo ang lahat. RAFAEL, Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko, may gusto bang pumatay sakin dahil sa dahil sa tunay kong ama, anong lihim ang meron sila at madadamay ako? Matagal kong tinitigan ang bracelet na nasa braso ko bago tinanggal, wala naman akong pagpipilian kundi ang sumunod dahil wala pa akong alam sa mga nangyayari sa paligid. Punong-puno na din ng tanong ang utak ko, pero wala akong magagawa kong hindi iyon gustong sagutin ni papa. Nakilala kuna ang judge ng golden valley at kung ako ang tatanungin mukhang mabait naman ang matandang lalaki, lagi ako nitong binibigyan ng lollipop at candy noong bata pa ako at laging pumupunta ng korte. Malaki din ang respeto ko sa kanya bilang judge dahil may mga kaso siyang patas kong husgahan niya. Pero mukhang meron pang tinatagong lihim ang totoong pamilyang kinabibilangan ko. Nilagay kuna sa maleta ang bracelet at Binalik na din ang sulat sa bag ko bago humiga at tumitig sa kesame. Sa totoo lang maganda ang kwarto, bago ko palang ito napapansin dahil sa pagmamadali kong makahiga kanina. Nakakatawa dahil para akong nasisilihan kanina para makatulog at makapagpahinga pero ngayon kahit anong pikot at ikot ang gawin ako ay hindi ako pinapatulog ng isipan na may kakaiba sa tunay kong pamilya sa side ng tatay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD