bc

Double Trouble Couple

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
badgirl
kickass heroine
CEO
tragedy
twisted
sweet
bxg
city
husband
like
intro-logo
Blurb

She's a total brat.

He's a pain on the neck.

She's the black sheep of the family.

He's the leader of the gang.

Trouble? Make it double!

One night of breaking the rule leads Courage to marry Brix, the mafia boss.

Is she ready for the danger? Is she strong enough not to get killed?

How is she supposed to marry someone she doesn't know at all? Can you really find love at the least expected ways?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Courage Miguerio's POV “Ms. Miguerio, are you listening to me?” Hindi ko pinansin ang professor ko sa history at nanatiling nakapikit. I'm sleepy and her subject is as boring as she is. “Ms. Miguerio!” Nag-echo sa buong classroom ang matinis at nakakairita niyang boses. Halatang gigil na gigil na siya, but who cares? “Courage, umayos ka na nga kasi!” bulong ng katabi ko. What's her name again? Uh, I can't recall. “Kapag na-bwisit mo na naman si ma'am, damay na naman ang buong klase!” Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakapikit lang. Isa pang kalabit niya, itutulak ko na siya sa bintanang katabi ko. “Ms. Miguerio, kung hindi ka makikinig sa lectures ko, you are free to move out,” gigil niyang litanya at noon na lang ako nagmulat ng mata. Sumalubong sa akin ang pulang-pula niyang mukha ng dahil sa galit. She looks ridiculous, actually. I can't help but yawn. Nag-inat pa ako at walang ganang nangalumbaba sa ibabaw ng table. “You're boring.” “What?!” “I said you're boring. Everything about you bores me.” “That's it! Out! I'll see you at detention.” Great! Detention na naman ang bagsak ko. It's my fourth time this week. Mukhang malapit ko nang gawing homeroom ang detention room but that's okay. “Thanks!” Kumindat pa ako sa kanya bago lisanin ang kwartong iyon. Instead of heading to detention room, dumiretso ako sa library para doon ipagpatuloy ang naudlot na pag-tulog ko. Wala masyadong tao ngayon dahil kalagitnaan ng klase kaya naman mabilis akong nakahanap ng pwesto. Nagset ako ng alarm bago pumwesto sa isang sulok. Boring masyado sa detention room at sobrang init doon. Atleast dito sa library, malakas ang aircon at walang maingay. Idinukdok ko ang aking ulo sa lamesa at nag-umpisang gumawa ng tulog. “COURAGE, ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa isip mo?” Bakas sa boses ni papa ang galit at inis habang palakad-lakad sa harapan ko. “Pa, pumirmis ka nga. Sumasakit ang ulo ko sa'yo,” sagot ko bago hipan ang bagong pahid na nail polish ng mga daliri ko sa kamay. “E, yung sakit ng ulo na binibigay mo sa amin ng mama mo?” tugon niya habang hinihilot ang sarili niyang sentido. “Anak naman, magseryoso ka naman sa buhay!” “Pa, ano sa tingin mong ginagawa ko? Mukha ba akong nagjo-joke?” pamimilosopo ko pa. “Relax ka lang kasi, pa. I am the captain of my own ship. I can handle my life.” “Hanggang kailan mo planong maging ganyan, Courage?” tanong ni mama na kanina pa umiiyak. “Wala pang pagkakataon na hindi kami pinatawag ng papa mo sa guidance at principal's office. If it wasn't because of your father's connections, baka matagal nang napariwara ang buhay mo!” “Mama naman, ano ba'ng tingin niyo sa akin? Bobo? Tanga? Kaya ko ang sarili ko. Kaya nga Courage ang pangalan ko, e. You should not worry yourselves about me, okay? Alagaan niyo na lang ng mabuti ang mga sarili niyo.” mahaba kong sagot bago humalik sa kanilang mga pisngi. “Bye!” I waved my hands to them bago pumanhik sa itaas ng bahay kung saan naroroon ang kwarto ko. “Yow boys! Fist bomb!” Itinapat ko ang aking magkabilang kamao sa mukha ng mga kuya ko subalit nanatili lang na nakatingin silang pareho sa akin. “Anong meron? Sino umaway sa inyo? Resbakan natin!” “We heard what you did in school,” ani kuya Coby. “And we think you should atleast apologize to our parents for the trouble you've done.” “Attorney-in-the-making Miguerio, wala akong ginawang masama so bakit kailangan ko'ng mag-apologize?” Tinaasan ko siya ng kilay at nameywang pa sa harap niya. “Binastos mo yung professor mo, hindi pa ba masama iyon, Courage?” sabat naman ni kuya Cody. “Well sorry not sorry, dude. Bakit hindi mo subukang mag-shift ng course? Try mong pumasok ng seminaryo for a change,” inis kong sagot bago sila lagpasan. "Bait-baitan?" “Can you please stop being a brat, Courage? Wala ka nang pinipili! Pati ba naman kaming pamilya mo, sinusuwag mo na?” Sandali akong natigilan sa sinabi ni Kuya Coby. Subalit nanatili akong nakatalikod sa kanila. ‘Am I that bad? But look, who cares?’ I flipped my hair and left both of them. Wala naman kasing makakaintindi sa akin. Not even my friends, if I have any, not even my family. Sanay na ‘ko. Lumaki ako na kahit anong gawin ko ay mali o kaya naman ay kulang. I used to be a good girl who do everything just to pleased everyone, but I changed. And believe me, no one can blame me for being like this. Pumili ako ng damit mula sa walk-in closet na pinasadya kong ilagay dito sa loob ng room ko. Mainit na naman ang ulo ng mga tao dito sa bahay kaya kailangan ko munang magpalamig. Umalis ako at hindi na nag-abala pang magpaalam sa kanila dahil hindi rin naman ako papayagan. At dahil sobrang bait ko, tutuloy pa rin naman ako kahit tutol sila. Kaya kaysa sumama pa ang loob namin pare-pareho, tumakas na lang ako. MALAKAS na ingay at naglalarong mga ilaw ang sumalubong sa akin sa loob ng suki kong bar malapit sa pinapasukan kong unibersidad. “Maaga ka yata ngayon?” bati sa akin ni Rico, bartender siya dito at dahil regular ako sa bar na ’to, naging kabatian ko na rin siya. “Oo, marami kasing panira sa bahay,” sagot ko naman bago kumuha ng isang baso ng alak at magsindi ng yosi. “Ako na naman ang napapag-initan.” “Baka naman may ginawa ka na namang kapalpakan at kalokohan! Yung totoo?” aniya at humagalpak pa ng tawa. “Nakakatawa 'yon? Hindi ko hinihingi ang opinyon mo,” mataray kong sagot. Sinundan ko pa iyon ng pag-ikot ng aking mata just to show how annoying he is. “Lumayas ka na nga sa tabi ko bago pa kita dagukan.” “Lasing ka na ba? Dito pwesto ko, paano ako aalis?” Magaling talagang mambwisit itong si Rico kaya nawiwili akong makipag-pikunan sa kanya, pero wala ako sa mood ngayon kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Sapat na iyon para matauhan siya. “Oo na, aalis na po, madam.” Mapamuska pa niyang sagot bago ako talikuran. Subalit, hindi pa siya nakakarating sa kabilang dulo ng counter nang bigla siyang bumalik sa harapan ko. “Bago ko makalimutan, off limits nga pala sa VIP Section. Dito ka na lang muna mag-inom.” “Bakit? VIP card holder din naman ako, a?” Tinaasan ko pa siya ng kilay. “Basta! Off limits ’don. Mahigpit na pinagbilin nila sir na walang pwedeng pumunta ro’n ngayon,” halos pabulong niyang sagot. “Nako, mapapa-trouble ang buong club kapag pinilit mo na pumunta. Dito ka lang, ha?” “Bahala na,” tugon ko bago magbuga ng usok. “Sino ba’ng tao ngayon doon?” “Confidential daw, e.” Mukhang wala naman akong mapapala roon, kaya kahit siguro bukas na lang ako tumambay sa VIP section. Nakaka-curious lang kung bakit confidential ang kung anumang ganap sa itaas. “Hoy, Courage. Alam ko 'yang mga ngiti mo, a!” aniya at tinuro-turo pa ako. “Umayos ka, baka mawalan ako ng trabaho!” “Anong akala mo sa akin, tsismosa? Umalis ka na nga!” Pagtataboy ko pa sa kanya habang palihim na gumagawa ng plano kung paano ako makakapuslit sa itaas. “Courage, a?” “Oo na nga! Alis na.” ‘Ang kulit, e!’ “Salamat!” Kuntodo ngiti niyang sagot bago ako iwanan. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago tumayo sa kinauupuan kong high stool. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-alis para hindi ako mapansin ni Rico pero mukhang malakas ang pakiramdam ng loko kaya nahuli kaagad niya ako. “Oy, saan ka pupunta?” “CR,” mabilis kong sagot. Nauna ko nang naisip ang alibi na iyon sakaling magtanong siya. “Sama ka?” asar ko pa sa kanya. “Gusto mo, pasamahan kita kay Bruno?” tanong niya bago inguso si Bruno na isang bouncer dito sa bar. “Mukha ba akong baldado? Kaya ko ang sarili ko.” “Sigurado ka? Baka naman kung saan ka pa pupunta?” aniya at pasimple pang nginuso ang ikalawang palapag ng bar. “Ano ba’ng mapapala ko kung papanhik ako doon? Wala naman, diba?” sagot ko ulit bago siya talikuran. Dumiretso muna ako sa CR just in case na nakamasid pa rin sa akin si Rico. Loko siya, e. Kung hindi niya sinabing bawal, edi sana hindi ako na-engganyo na umakyat. Sarap kayang gawin ang bawal. After five minutes, saka lang ako lumabas. Pasimple ko pang tinanaw si Rico na kasalukuyang nag-aasikaso ng ibang customer. I took that chance to sneak out. ‘Ano kayang ganap sa taas?’ tanong ko sa aking sarili. Exciting kasi naman, masyadong ginising ni Rico ang na nanahimik kong kuryosidad. Hindi talaga ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung anong mayroon sa VIP section. Laking pagtataka ko nang may naabutan akong apat na lalaking nakasuot ng suit and tie. Pero ang mas nakakapagtaka ay noong bigla silang yumuko sa akin. “This way, ma'am.” Magalang pa na itinuro noong isa ang pinto papasok sa VIP section. Kaya sumunod na lang ako sa kanila. “Kanina pa po sila naghihintay.” “Are you sure? Ako talaga ang hinihintay?” tanong ko subalit hindi naman na ito sumagot. Pinihit niya ang doorknob at bahagya iyong binuksan. “Pumasok na po kayo sa loob.” “Sure ka talaga?” tanong ko ulit. Bakit kasi ako hihintayin ng mga nandito, e pumuslit nga lang, di ba? "I'm telling you, hindi na ako bata, Brix. Gusto kong makita ang mga magiging apo ko," "Better ask Lincon about it. And besides, matagal ka pang mabubuhay, masamang d**o ka, hindi na?" Iyon ang naabutan kong usapan sa loob ng dalawang lalaki. Isang matanda at isang siguro'y kaedaran nila kuya. Sa laki ng pagkakahawig nila, sa tantsa ko ay mag-ama sila. Tapos may iba pa na tila bodyguards nila. Mukhang hindi rin naglalayo ang kanilang mga edad sa edad ko. In all fairness, lahat sila mga gwapo na para ba’ng mga modelo o kaya naman artista. "Sir, nandito na po siya." Anunsyo nung kasama ko. “I thought you'll never make it,” bulong sa akin nung lalaking kausap nung matanda. Nagulat pa ako nang bigla itong lumingkis pa sa aking beywang. “Excuse me? Kila—” I wasn't able to continue. Dahil bigla na lang niyang kinabig ang aking batok at siniil ako ng halik. f**k! I was stoned as hell! It was my first kiss and I don't even f*****g know him! Darn it! “How's your flight?” malambing niyang tanong nang maghiwalay ang mga labi namin. Wala akong maapuhap na sagot kung kaya't nanatili lang na nakaawang ang aking bibig. Naiinis ako dahil hindi ko magawang sapakin siya o tadyakan manlang dahil sa kamanyakan niya. Hindi ko alam kung bakit ni hindi ko magawang magsalita. Yung inis na nakakaiyak? Iyon yung nararamdaman ko ngayon. “Babe, I missed you too. Please don't cry,” aniya at yinakap pa ako nang mahigpit. “Dad, please. I would like to spend some privacy with my fiancé.” Tila mas nalaglag ang aking panga. Fiancé? Ako? “Fine. We’ll leave you two. Let's go,” paalam nung matanda. Sumunod naman sa kanya yung dalawa pang lalaki. Pero bago pa man sila tuluyang makalabas, binalingan kami nung isa sa mga kasama nung matanda. “I’ll be keeping an eye. Make sure you don't do things that will eventually destroy you, Rothskeed.” Eh? What the hell does he mean by that?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook