CHAPTER 2
COURAGE'S POV
“UH… YOU can let go of me now,” bulong ko sa lalaking kanina pa nakalingkis sa akin dahil kanina pa naman nakalabas ang mga kasama niya.
“Sorry about that,” casual lang niyang sagot bago umupo sa couch at hinarap ang laptop na nasa ibabaw ng maliit na lamesa. “Take a seat,” utos pa niya. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya. Yung kaninang malambing at sweet, bigla na lang lumamig. “Are you deaf? I said take a seat.”
“O-kay…” sagot ko at naupo sa kabilang dulo ng couch.
“What's your name?”
“Courage, Courage Miguerio. You?” medyo awkward kong tanong. Laking gulat ko nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas.
“You don't even know me? Looks you get yourself in a big trouble, babe.”
“Excuse me? Ano ba’ng sinasabi mo? Can you please enlighten me? And stop calling me babe, hindi kita kilala.”
“You're not supposed to be here,” sagot niya. “I had my plan but you walked in and get yourself in this. And I’m sorry, Ms. Miguerio. But there is no way out.”
“What?”
“Here, wear this,” aniya at may kung anong bagay na binato sa pagitan namin.
Kinuha ko iyon at ibinalik sa kanya. “There is no way I'm gonna wear that stupid ring.”
Yep, its a ring. And for pete's sake, bakit ako magsusuot ng singsing na galing sa kanya, e hindi ko naman siya kilala.
“Ms. Miguerio, wearing that ring means saving your entire clan.”
“What?”
“I told you, there's no way out. The only thing you can do is to take responsibility for your stupid actions. You're my fiancé now and you need that ring as protection.”
“Woah! Easy, boy! Fiancé? Naka-drugs ka ba?”
“Nope. I sell drugs but I don't use them,” sagot ulit niya na tuluyang nagpabagsak ng aking panga.
Pusher siya? But he don't look like one. I mean, yung image kasi na nabubuo sa isip ko everytime na sinasabing p****r, siguro pangit, saka mabaho yung itsura. Pero siya? God, he looks really good! Not to mention his scent, its so masculine and mild at the same time.
“Done fascinating about me?” nakangisi niyang tanong kaya nag-iwas ako ng tingin. “Here, you really need to wear this ring, babe.” Kinuha niya ang aking kamay at siya na mismo ang nagsuot ng singsing doon. “We have two weeks on preparing our wedding you can invite everyone you please.”
“Kasal agad?!” malakas kong sigaw at napatayo pa sa harap niya. “Are you nuts?!”
“We're engaged now, of course after an engagement there comes a wedding. ”
“I know, but I can't marry someone I just met! Hindi ko nga alam kung sino kang hudas ka, e.”
“Watch your tounge, Ms. Miguerio.” Tinapunan niya ako ng masamang tingin.
“Well, sorry not sorry,” sagot ko.
“You better sit down before I lost my temper, Ms. Miguerio.”
“Who cares?”
“I said sit down!” sigaw niya at halos manlambot ang tuhod ko nang maglabas siya ng baril. Ikinasa niya iyon at ipinangkamot sa kanyang sintido. “I don't have long patience.”
“Sabi ko nga, uupo ako e.”
Mabilis akong bumalik sa pwesto ko kanina at tahimik na pinagmasdan siya. Nang ibaba niya ang hawak niyang baril ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Aaminin ko, matapang ako, oo. Pero ibang sitwasyon na 'to. Baka di na ako abutan ng bukas kapag nagmatigas ako.
“Good. Let's plan this together. Dahil kung iniisip mo’ng pabor sa akin ang kasal na ito, think again.”
“Napipilitan?” bubod ko pa. "Madali naman kasi 'yan. Edi `wag magpakasal!"
“We will announce the date of our wedding tomorrow,” aniya na hindi manlang pinansin ang huli kong sinabi. “kaya kailangan na nating ipaalam sa mga magulang mo.”
“Seryoso ka ba?”
“Do I look like I'm kidding to you?” Tinaas niyang muli ang kanyang kilay, and God knows how good he looks like when he do that.
“Sabi ko nga, mamamanhikan na tayo ngayon, e.”
“Mr. Carlito Miguerio is a great businessman. And he is a man of his words.”
Well that's true. Kaya nga idol na idol siya ng mga kuya kong bugok.
“Paano mo nakilala ang papa ko? Kilala ka rin niya?”
“Of course, we're business partners.”
“Partners? You mean, p****r din ang papa ko?”
Imposible! Nasa manufacturing ng furnitures ang business ni papa at hindi drug related!
“No. Not that business. And I'm not a p****r, okay?”
Para akong nakahinga ng maluwag. At least alam kong mabuting tao ang papa ko. In fact, masyado siyang mabuti kaya ang dating parang napakasama kong anak sa mata ng ibang tao.
“I didn't know that Mr. Miguerio has a daughter,"
“Of course, sino bang magulang ang magiging proud kung ako ang anak nila, diba?” Pinaikutan ko pa siya ng mata bago magsalin ng alak sa bakanteng baso. “See, I'm not someone who gives pride and honor to my family. And I understand if you want to call this wedding off.”
“Who said I will call this wedding off?”
“Wala,” pabalang kong sagot.
‘THIS IS crazy!’
Bulong ko sa isip ko habang inuuntog ang aking sarili sa bintana ng sasakyan niya, kung hindi ako nagkakamali isa itong ferrari 458 italia matte black. Pati yung sasakyan niya pogi din. Bagay na bagay sa kanya, e. Pero kahit anong pogi niya, hindi ko pa rin siya kilala! Ayaw naman niyang ibigay kahit pangalan lang. Ayaw ko na ring mangulit dahil natatakot ako. Baka maglabas na naman siya ng baril at tuluyan nang iputok sa ulo ko.
“Courage, we're here,” aniya. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami at nakalabas na siya ng sasakyan. Ipinagbukas pa niya ako ng pintuan pero hindi ako bumaba.
“Hindi namin bahay ’yan.” Pagsisinungaling ko.
“Come on, don't make it too hard for both of us. Bumaba ka na.” Mahinahon na naman ang boses niya. Malapit na akong mag-isip na may sakit siya sa pag-iisip o kaya naman may sanib. Paiba-iba kasi ang mood, daig pa ang babaeng may PMS.
“Ano’ng plano mo at sa tingin mo mapapapayag mo ang parents ko?” tanong ko habang nagtatanggal ng suot ko’ng seatbelt.
“Trust me, they will.”
“Trust you talaga? Paano kita ipapakilala sa pamilya ko, hindi nga kita kilala?”
“Natatakot ka ba sa parents mo?”
“No way.”
“Then get off. Kanina pa sila naghihintay sa loob.”
“What do you mean? Did they know?” Buong pagtataka kong tanong. Pero imbis na sumagot, ngumisi lang siya sa akin na para ba’ng nagsasabi na ‘I have my ways’.
“Now, smile.” Ngumiti siya sa akin na para ba’ng ang bait-bait niya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang ngumiti na parang tanga. “We need to convinced them that we're so f*****g inlove with each other.”
“Parang mas convincing kung ikaw ang head over heals sa akin, diba?” suhestiyon ko subalit seryoso siyang umiling sa akin. “Sabi ko nga, inlove na inlove tayo sa isa’t-isa.”
“Ayusin mo, tandaan mo na dito nakasalalay ang kaligtasan mo at ng buong pamilya mo.”
“Fine!” singhal ko bago ngumiti ng maayos. “Happy?”
“Very much,” aniya at ngumiti ulit bago lumingkis sa aking beywang at inalalayan pa akong pumasok sa loob ng bahay.
“Mr. Rothskeed! Welcome to our humble abode,” kuntodo ngiti pang pagbati sa kanya ni papa. “Kinabahan ako nang sinabi mong may importante tayong pag-uusapan.”
“Yes, sir. It's actually because of your daughter, Courage.”
“What is it? May ginawa ba siyang kalokohan?” mabilis pa sa alas-kwatrong tanong ni mama.
“No, ma'am. All she did is saved my heart from agony.”
“That's sweet, babe,” sabat ko at pasimple pa siyang siniko. “You don't have to be cheessy infront of my parents, it's embarassing.”
“Courage, anong ibig sabihin nito? Why are you with Brix Rosthkeed?” tanong ni kuya Coby.
“Oh you knew him, too?”
Brix Rothskeed pala ang pangalan ng hudas.
“Of course we know him.” seryosong sabat ni Kuya Cody. “He's part of the business and he owns the school.”
Woah. Great! So ako lang pala talaga ang hindi nakakakilala sa kampon ni Lucifer?
“You should involve yourself in the business, Courage.” Suhestiyon pa ni kuya Coby pero pinaikutan ko lang siya ng mata.
“Hindi namin alam na magkakilala pala kayo ng unica ija ko. And by seeing how close you are, mukhang may gusto kayong sabihin sa amin?” ani papa.
“Yes, pa. Actually, we've been secretly dating for about…”
“Two years.” Singit niya sa pagsasalita ko.
“Yes, two years. Two years??” kunot-noo kong tanong.
“Yes, two years.” Tumatango pa niya sagot. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo na?” Kunwari pa siyang nagtatampo.
“Of course not, I will never.” Ngumiti ulit ako sa kanya.
“Two years? Bakit ngayon lang namin namalaman?” tanong ni Kuya Cody.
“Secret nga diba?” pambabara ko sa kanya. Minsan kasi slow poke siya masyado.
“Why don't we talk about this while eating? Mr. Rothskeed, this way. I cooked the dinner for tonight,”
“Thank you, tita.”
Pinauna ko sila mama sa dining area at hinila si Rothskeed sa isang sulok. “Kilala mo pamilya ko, hindi kaya pakana mo lahat ng ito? Pikot yata 'to, e.”
“Sorry to burst your bubble, babe. Hindi ko naman sinabi sayo na pumunta ka sa VIP section kahit off limits doon, di ba?”
“Fine. Just make sure na hindi malalaman nila papa ang totoo.”
“You have my word, babe,” aniya bago ako hilahin papasok ng dining hall.
“So Mr. Rothskeed, ano ba ang pag-uusapan natin?” pagbubukas ni papa ng usapan habang kumakain kami.
“Please call me Brix, sir. And I would like to ask for your blessings for our marriage.” Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil wala man lang siyang paligoy-ligoy at sinabi kaagad. “Babe, are you alright?” worried niyang tanong habang hinihimas ang likuran ko.
I cleared my throat.
“I’m fine,” sagot ko at medyo inilayo pa ang aking sarili sa kanya.
“Hindi ba't parang masyado pang maaga?” seryosong tanong sa amin ni Kuya Coby. “I mean, sige sabihin na nating two years na kayo pero hindi pa rin sapat 'yon para magpakasal kayo agad.”
“Not unless may dahilan kayo para magmadali?” sabat naman ni Kuya Cody at tiningnan pa ang tiyan ko.
“What are you starring at? I'm not pregnant!” Napayakap pa ako sa sarili kong tiyan.
“Hindi naman pala, e. Then, bakit masyado kayong nagmamadali?”
“My mom's dying. And she wants me get married bago pa siya umalis. And not to mention my dad, he was so excited to see me settle down especially when I introduced him to Courage.”
I don't know if it is still part of the show but I somehow feel his sincerity. Parang totoo yung acting niya kaya I found myself squeezing his hands and gave him a weak smile.
“Hindi mo madalas na mabanggit ang tungkol sa pamilya mo, Brix. I'm sorry, we didn't know.” Pag-aapuhap din sa kanya ni papa. “What can you say about this marriage, Courage? Afterall, ikaw naman ang magpapakasal at hindi kami. Do you really want to marry this man?”
Can I say no? Of course, I can't.
“Yes, pa. I love him, that's all that matters, right?” nakangiti kong sagot. It was clearly unintentional when my eyes started to dwell with tears. “Sorry, I can't help it. Nakakaiyak pala kapag magpapakasal ka na!” Pilit pa akong tumawa at naramdaman ko na lang ang mainit na yakap mula sa aking mga kuya.