CHAPTER 3
COURAGE's POV
Maaga akong nagising nang sumunod na umaga kaya naman maaga na rin akong gumayak para sa eskwela. Okay na sana ang ang mood ko kung hindi ko lang naalala ang nakakabwisit na sitwasyong napasukan ko kagabi.
“Courage! Mabuti at gising ka na. May naghihintay sa’yo sa labas.” Kuntodo ngiti pang ngumuso si mama sa labas ng bahay namin kaya mabilis akong sumilip sa bintana.
“Darn it!” bulong ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni mama. Si Brix lang naman iyon. At ang yabang ng pagkakasandal niya sa kanyang kotse.
In all fairness naman kasi dito, gwapo at mayaman siya. Kaya naman totoong may maipagmamayabang. Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng inis ngayong wala pa naman siyang ginagawa against me.
“Mas mabuti ang legal. See, ngayon magagawa ka na niyang sunduin dito sa bahay. Hindi tulad noong nagtatago kayo, baka kung saan pa kayo nagtatagpo!” tila nagtatampo pang kantsaw sa akin ni mama kaya palihim akong napa-ismid.
Napag-usapan na kasi namin ang tungkol sa bagay na 'yon at ayoko na sanang ungkatin pa ulit dahil malamang ay mabuko kami sa kasinungalingang tinahi namin ni Brix.
“Pasok na 'ko, ma.” Matabang kong paalam bago labasin ang hudas na nag-hihintay sa labas.
“Good morning, babe!” aniya at akma pang hahalik sa aking pisngi kaya't mabilis kong hinarang ang aking kamao sa mukha niya.
“Umayos ka.” Mahina kong banta bago sumilip sa bahay. If I know, kanina pa nakasilip si mama at mag-aabang sa mangyayari.
“Ang aga-aga, ang init na kaagad ng ulo mo,” nakangisi pang sagot sa akin ni Brix bago buksan ang pintuan ng sasakyan para sa akin. Sumakay naman kaagad ako para wala nang makita si mama.
“Ano’ng trip mo? Bakit may pasundo-sundo ka pang nalalaman?” tanong ko nang maka-upo na siya sa aking tabi. Hindi naman niya ako sinagot kaya hinayaan ko na lang siyang mag-drive. Dahil masasayang lang ang laway ko sa kanya. “Bilisan mo at may klase pa ako.”
“Hindi ka papasok ngayon. I asked your prof to send you hand-outs.” Casual lang niyang sagot kaya kahit nagtataka ako, mas pinili ko na lang na manahimik dahil hindi rin naman siya sasagot. “Ipapakilala muna sa mommy ko.”
“Ay, seryoso ba yung tungkol sa mommy mo?”
“Yes,” matipid niyang sagot.
“Ah, akala ko kasi gawa-gawa mo lang iyon. So totoong malapit na siyang mamatay?” dire-diretso kong tanong. I don't mind if ma-offend siya sa pagtatanong ko. At least kapag ganoon baka sakaling hindi na niya ipilit yung kasal.
“Yes. Now shut up and let me drive peacefully.”
“Okay,” matabang kong sagot. Gusto pala niya ng peaceful, bakit hindi siya tumambay sa simenteryo? “Malayo ba yung pupuntahan natin?” tanong ko. Mahirap na, baka kung saan niya ako dalhin at saka hindi ako sanay sa malayuang biyahe, madali akong mainip. “Ano’ng pangalan ng mommy mo?” Hinintay kong sumagot siya pero wala na akong narinig mula sa kanya.
Since ayaw namang makipag-kwentuhan sa akin ng isang ito, inaliw ko na lang aking sarili sa pagsipat ng kotse niya. Medyo in-adjust ko pa ang temperature ng aircon dahil madali akong mag-chill kahit hindi naman masyadong malamig.
“Here, use this.”
Nagulat ako nang abutan niya ako ng isang blanket na gawa sa fur. Mukhang sobrang lambot noon at mainit sa pakiramdam pero hindi ko tinanggap. Baka kung sino pang haliparot ang huling gumamit noon, mahawa pa ako sa kakatihan.
“Huwag ka nang mag-inarte, malinis 'to. Bukod sa akin, you're the first one who will use this,” seryoso niyang sagot as if nabasa niya ang nasa isip ko.
“Sigurado ka?” taas-kilay kong tanong na sinagot niya ng matipid na pagtango.
Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya kinuha ko na rin yung blanket. Malinis naman daw, e. Saka magseselan pa ba ako gayong medyo nakakaramdam na ako ng ginaw.
“Bango, a.” Komento ko habang binabalot sa buo kong katawan ang blanket.
“Athena Rothskeed.”
“Ha?” Kunot-noo kong tanong dahil bigla na lang siyang nagsasalita. “Ako ba kausap mo?”
“Who else?” masungit niyang sagot. “I mean my mom, her name is Athena, Athena Rothskeed. You were asking her name, right?” aniya nang hindi tumitingin sa akin. “By the way, she doesn't know anything about my underground business. So you better not mention it.” Mahigpit niyang bilin pero inirapan ko lang siya.
"I can't promise," sagot ko para lang asarin siya pero mukhang hindi naman effective dahil hindi na ulit siya kumibo.
HALOS MALAGLAG ang aking panga sa sobrang pagkamangha sa nakikita ng mga mata ko. It wasn't a mansion, it was like a palace! I mean, iba kasi ang architectural design ng bahay na pinagdalhan sa akin ni Brix. "Dito ka nakatira?"
“No. This is my parent's house, but I don't live here,” mayabang niyang sagot bago ako alalayan sa pagbaba ng sasakyan.
“Whatever you say,” mahina kong sagot habang inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng malaking maze garden. “Paano nga pala ang daddy mo? Hindi mo ba siya ipapakilala sa’kin?”
“I don't have a father,” matipid niyang sagot.
‘Luh, pwede ba 'yon?’
"Eh sino yung kagabi? Di mo ba tatay 'yon? Magkamukha kayo, e."
“I don't like talking about him, so you better drop the topic, Courage.” Dagdag pa niya na para bang once pang banggitin ko ang tatay niya, malalagot na ako.
“Good morning po, Sir Brix!” Nakangiting bati sa amin ng isang babae na sa tingin ko ay mas matanda pa sa lola ko. Nakasuot siya ng tipikal na damit ng mga housemaids. “Kanina pa po nag-hihintay ang mama mo sa balcony. Nasa itaas rin po sila sir Lincon,”
“Okay. Magpadala ka ng maiinom sa itaas,” utos ni Brix dito bago ako hilahin paakyat sa mataas na hagdanan.
“Oh there you are!”
Nabaling ang aming atensyon sa lalaking nakatayo sa gilid ng mataas hagdanan. He looks familiar. Kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaki kagabi na nagsabi na 'I will keep an eye on you'. Feeling gwapo, tss. Eh mas gwapo naman na di hamak si Brix sa kanya.
“Naligaw ka yata dito, Lincon?” malamig na tanong sa kanya ni Brix.
“Of course, I heard na ngayon mo ipapakilala kay Tita Athena ang babaeng papakasalan mo. I thought I should be here. Para saan pa at iisang pamilya lang tayo.”
Pamilya? Hindi naman sila magkahawig, baka naman mag-pinsan sila.
“Forget it, Lincon. Alam nating pareho na matagal nang naputol ang pagiging pamilya natin sa isa’t-isa,” sagot muli ni Brix. “Now, excuse us. Let’s go, Babe.” Baling niya sa akin at mas inilapit ang aking katawan sa kanya.
“Ano mo ‘yon? Pinsan?” mahina kong tanong kay Brix.
“Don’t mind him. He will be around doing shitty things but don’t mind him, understand?”
“Yeah,” Tumango pa ako bago magpatangay sa paglalakad niya. Malay ko ba kung saan kami pupunta.
Sandali siyang tumigil sa tapat ng mataas na hagdaanan. At nang sinabi kong mataas, literal iyon.
“My God, papanhik tayo d’yan? Wala ba kayong elevator?” Reklamo ko dahil para kaming aakyat ng grotto sa sobrang taas!
“You need some exercise to lose unwanted fats,” tugon naman niya.
“Excuse me? Tinawag mo ba akong mataba?” tanong ko. Humiwalay ako sa kanyang pagkaka-akbay bago nameywang sa harap niya. “Baka hindi mo alam, nasa 24 inches lang ang waistline ko.” Mayabang pa akong nag-modelo bago siya irapan.
“No comment,” nakangisi niyang bulong bago ako muling akbayan. “Para sa iyo rin naman ‘to. Consider this as part of your training.” Dagdag pa niya bago muling naglakad paakyat.
“Training? Para saan?” buong pagtataka kong tanong pero hindi na naman siya sumagot. “Hello, Brix? Are you still there? Para saan yung training?” Bahagya pa akong tumingala para makita ko ang mukha niya.
“Ang dami mo’ng tanong,” aniya at umismid pa.
“Ang konti mo kasing sumagot,” tugon ko naman at pinaikutan pa ulit siya ng mata kahit hindi naman niya iyon makikita. “Nakakapagod akyatin 'yan. Dito na lang ako sa baba.” Reklamo ko ulit at hindi ma muling humakbang pa.
Tumigil din siya at tiningnan ako nang diretso. Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya dahil baka akala niya magpapatalo ako, aba't nagkakamali siya.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago ako biglang buhatin, bridal style.
‘Aba't may tinatago pa lang pagiging gentleman itong si Hudas? Akalain mo iyon?’
“Ano ba’ng nginingiti-ngiti mo d’yan?” masungit niyang tanong kaya napasimangot ako.
“Bawal ngumiti? Sungit mo, a!” Reklamo ko na sinundan ko pa ng pag-irap.
“Oh! My son is here!” Nag-angat ako ng mukha at sumalubong sa amin ang isang ginang na nakaupo sa wheelchair. “Is she your girlfriend?”
“Fiance, mom.” Pagtatama pa niya sa kanyang ina. I somehow felt a pinch of happiness kahit alam ko namang pareho lang kaming napilitan. I just hope na masabi niya sa akin nang mas malinaw kung bakit kailangan kong magpakasal sa kanya. Masyado kasing naka-generalized yung idea na para sa kaligtasan ko at ng buong pamilya ko, e. “Mom, meet Courage, the love of my life.” Pagpapakilala pa niya sa akin bago ako iupo sa katabing silya nito.
“Hello po, Tita Athena.” Ngumiti pa ako sa kanya subalit bigla na lang siyang umiling.
‘Did I say something wrong?’
“You should call me ‘mom’. You’re my only son’s fiancé at sa tingin ko, dapat lang na iyon na ang itawag mo sa akin,” anito habang nakangiti rin sa akin.
“Okay po, mom,” sagot ko ulit bago tumingin kay Brix na nakatingin lang sa amin ng mommy niya.
“Son, why don’t you get us some drinks?” Suhestiyon ni Mommy Athena.
“Nagpadala na ako kay Manang Mila,” mabilis na sagot dito ni Brix.
“Hush! Go. Give us some time alone. I would like to talk to my future-daughter-in-law.” Parang bata niyang pagtataboy sa anak na wala namang ibang nagawa kung hindi ang sumunod. “My little boy is a grown up man now,” ani mommy Athena habang nakatanaw sa papalayong pigura ni Brix. “Masaya ako na makitang handa na siyang mag-settledown bago pa ako mawala sa mundo.”
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para hawakan ang kanyang kamay. I just felt that she needs it right now. Kung totoo ang sinasabi ni Brix, malapit nang mamatay ang mommy niya. What could be more painful than to know that your life is almost over?
Ngumiti siya sa akin bago hawiin ang ilang hibla ng aking buhok, inipit niya iyon sa likod ng aking tainga. “Courage, isa lang ang ipapakiusap ko sa Iyo. Please bring out the best of him. All I want for my son is to live a happy life.”
Tanging pag-ngiti lang ang naibigay kong sagot dahil hindi ko kayang mangako.
I don't think I can do that. I haven't really commit myself into any responsibilities before. And bringing the best of Brix is beyond my capability.
‘How can I bring the best of him, if I am worse myself?’