bc

Doll House (Complete)

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
dark
bxg
mystery
scary
witty
female lead
friendship
secrets
crime
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Para sa ibang tao wala ng mas sasaya pa para sakanila ang mayroong "Perpektong mukha", Ngunit para sa mga kabataang pinag kaitan ng kalayaan upang malaman ang kanilang pag kakakilanlan ay isa itong sumpa.

Lumaki silang dinektahan upang mag karoon ng Perpektong imahe. Nag mistula silang mga manika na kontrolado ng mga umangkin sakanila.

Sa mundong maraming mapanghusga sa itsura, baka gusto mong maging kliyente ng DOLLHOUSE?.

chap-preview
Free preview
Prologue and Chapter 1 Flawless
Taong 1990, nag simulang umugong ang balita tungkol sa mga nawawalang sanggol, mapalalaki man o babae. Maraming nag luksang mga magulang, mga inang nagising na wala na ang kanilang anak. Maging sa pampublikong lugar ay hindi nakatakas ang mga sanggol na ninakaw ng mga "Kawatan". Halos laman ng balita ang mga magulang na nawalan ng mga Anak. Kahit mga pulisya ay walang napala sa pag hahanap sa mga ito. Dahil sa pang yayaring ito ay naging mahigpit ang mga tao sa mga bata. Halos wala na ring nanganganak sa mga hospital sa takot na manakawan sila ng anak. Dalawang taong natahimik ang ganitong klaseng balita sa Radyo, telebisyon at diyaryo kung kaya't naging kampante ang mga tao. Isang araw ay nagulintang ang lahat dahil naulit ang nangyaring pag kawala ng mga bata, edad dalawa pababa. Walang anumang balita sa mga ito, kung bentahan ng laman ang motibo sa nakawan, bakit tila walang katawan ang lumilitaw?. Saan sila dinala? Ano ang sasapitin ng mga batang nawala? Bantay sarado ng mga guwardyang lalaki ang mga binatang naka pila sa canteen. Oras na para kumain. Ayusin ang tindig upang hindi masita, Tipid na ngumiti upang hindi malaylay ang muka, isang takal lang ng kanin upang hindi tumaba ang mukha at hindi mawawala sa pag kain ang isang slice ng papaya para sa kanilang magandang kutis. "Salamat po" nakangiting usal ni Justin at nag lakad patungo sa upuan kung nasaan ang mga Class A. Umupo ito sa tapat ni Charlie at nag ngitian. Bagong miyembro si Charlie sa Class A dahil mas lalong kuminis ang mukha nito. Dati siyang Class B ngunit nadiskobre ng kanilang tinatawag na 'Mister X.' na may kung anong meron sa mukha ng binatang ito kung kayat umakyat siya ng Class A. Saan galing ang patakarang ito? Nasaan sila? Bakit kaya importante para sa mga namumuno ang pag kakaroon ng perpektong mukha.? Sa kaalaman ng mga kabataang nasa loob ng pasilidad na ito ay inabandunado sila ng mga magulang nila dahil sa kanilang hindi kaaya-ayang itsura. Itinuring nila itong isang eskwelahan upang magkaroon ng isang perpektong imahe. Lumaki na sila sa pasilidad na ito na may minimithing perpektong mukha upang matanggap ng lipunan kahit na wala silang kaalam alam sa kung anong lipunan ang mayroon sa labas kung nasaan sila ngayon. Lumaki silang walang pag kakakilanlan, tanging pangalan lang nila ang alam nila na bigay sakanila ng namumuno sa pasilidad. Nang malaman nila ang rason kung bakit sila nandito ay namuo ang galit nila sa kanilang mga magulang sa dahilan na inabandunado sila dahil sakanilang itsura noong sila ay sanggol pa. Sumama sa upuan ng mga Class A sina, Ken na may magandang umbok sa taas ng kanyang pisngi, Si Alas na mala manniquen ang mukha, Si Khal El na may perpektong ilong, Si Yico na may maputi at makinis na mukha, Si Gee na may perpektong rasyo ng mukha. Ang mala anghel na mukha ni Justin ang nag panatili sakanya sa Class A, ang tamang hugis naman ng mukha ni Charlie ang nag punta sakanya sa Class A kahit pa may maliit itong peklat sakanyang mukha na nakuha niya bago pa siya mapunta sa pasilidad na iyon. "Kuya pag hindi mo naubos yang papaya bigay mo sakin ah" bulong ni Charlie kay Yico ngunit hindi ito kumibo at hindi man lang niya tinignan si Charlie. Si Gee na nakarinig naman ng hinaing ni Charlie ay pasimpleng hinati ang kanyang papaya at sinilip ang mga guwardya bago ilagay ito sa plato ni Charlie. "Mag pa ka busog ka" nakangiting sabi nito at tumango naman si Charlie. "Bawal sa Class A ang patay gutom" mahinang sabi ni Alas habang nakatingin sa kinakain niya. "Kung ganyan ang ugali ng mga Class B na pinanggalingan mo, bumalik ka nalang dun" dugtong pa nito. Dahan dahang nawala ang ngiti ni Charlie at napalunok habang nakatingin sa kalahating papaya na nasa plato niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya para mapigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mata. Halos mapatalon ito sa gulat ng biglang kalampagin ang tapat niya kaya napaangat ito ng tingin. Inayos niya ang sarili niya dahil naalala niyang bawal kagatin ang kanilang mga labi. "Kumain ka na" bulong sakanya ni Justin. Matapos nilang kumain ay nag karoon ng oras sina Justin at Gee para tulungan si Charlie na kunin ang mga gamit nito sa Class b. "Salamat sainyo mga Kuya" nakangiting sambit ni Charlie ng mailapag niya sa kama ang kanyang mga gamit. Hinaplos naman ni Gee ang ulo ng binata dahil natutuwa siya rito. Wala silang alam sa kung ano ang edad nila ngunit nararamdaman nila kung sino ang mas matanda sa grupo at ito ay si Gee dahil siya ang pinakamatagal na namalagi sa Class A. "Patingin nga" nanlaki ang mata ni Charlie ng yumuko si Ken para titigan ang kanyang muka. "Nakapag tataka naman" taka nitong sabi at umiling habang kunot ang noo. Kumurap naman ng dalawang beses si Charlie dahil hindi niya alam kung anong pinupunto ni Ken. "Kaming mga nasa Class A, walang bahid ng kung ano ang mga mukha namin, paano ka nakarating ng Class A, e may peklat ka sa mukha?" pag mamayabang naman ni Alas habang nakakross ang dalawang braso. May maipag mamayabang naman siyang mukha kaya malakas ang loob nitong mag yabang. "Sabi ni Mister X." inosenteng sagot ni Charlie at ipinag patuloy ang pag aayos ng gamit. Nasa iisang kwarto lang ang Class A ganun din sa ibang class, pinag sama sama sila sa iisang parihabang kwarto. Kuntento na sila sa set up na ito. Sa tuwing umaga ay may nakakain silang prutas at gatas, sa tanghali naman ay kanin na may ulam, sa gabi ay ganun din bago sila iisa isahing susuriin kung may bahid ba ng dumi ang kanilang mukha. Kumbaga sa isang paaralan ang mga Class A ang validectorian pag dating sa pag kakaroon ng perpektong mukha. "Anong pangalan mo?" tanong ni Khal El "Charlie po" sagot naman sakanya nito. "Gee" nilahad ng binata ang kanyang kamay at tumayo naman si Charlie bilang pag bigay respeto nito kay Gee saka siya nakipag kamayan. "Justin" "Ken" "Khal El" "Alas" umirap si Alas bago talikuran si Charlie. Nag tinginan naman silang lahat sa lalaking nakahiga at naka harap sa kisame na para bang malalim ang iniisip. "Siya si Yico, mag ingat ka sakanya" bulong ni Justin kay Charlie. "Bakit?" bulong pabalik ni Charlie "May saltik yan" sagot ni Justin Bahagya namang napanganga si Charlie at nakaramdam ng takot. "Baliw" mahinang tinapik ni Ken ang noo ni Justin "Wag kang maniwala diyan" baling nito kay Charlie at napangiti nalang ang binata. Naalarma silang lahat ng makarinig ng ingay mula sa labas kaya ang chismosong si Khal El ay mabilis na lumabas para tingnan ito kaya sumunod narin ang ilan maliban kay Yico na walang pakialam sa paligid. Nang galing ang ingay mula sa Class C kung saan may nag kumumpulan para manuod ng away ng dalawang lalaking nag sasapakan. Mahigpit na ipinag babawal ang pakikipag away dahil malaking posibilidad na baka masira nila ang mukha ng isa't isa. Nag si hiwalay ang lahat ng dumating ang mga guwardya kaya naman ang class a nag sibalikan na sa kanilang kwarto. Si Alas naman, ay ipinakita ang reaksyon niyang nandidiri sa mga ito. Ubod ng yabang. Nang makapasok si Charlie sa loob ay naabutan niya si Yico na nakaupo at nag tama ang paningin nila. Ngumiti si Charlie at kumaway sa binata. Dahan dahang kinaway rin ni Yico ang kanyang kamay at unti unting ngumiti. Dahil pakiramdam ni Charlie ay makakasundo niya si Yico ay dali dali itong nag tungo sa pinaka dulo ng kwarto dahil doon ang pwesto ng kama ni Yico. Umupo ito sa tapat niya. "Kuya, matagal na kitang nakikita dito sa Class A" nakangiting sabi ni Charlie ngunit hindi umimik si Yico sa halip ay nag sign language ito kaya nag taka si Charlie. "Ang sabi niya masaya siyang makilala ka" Nilingon ni Charlie ang taong nag salita at nakita niya si Gee na nag lalakad papalapit sakanila habang nakangiti. Ibinalik ni Charlie ang tingin kay Yico "H-hindi ka nakakapag salita?" malungkot nitong tanong at tumango naman si Yico. "Pasensya na, hindi ko alam" dagdag pa nito. "Mula nung dumating siya dito, hindi na siya nag sasalita" Niyuko ni Yico ang kanyang ulo at tila ba nadidismaya sakanyang sarili, ngunit nabigla nalang ito ng bigla siyang yakapin ni Charlie. "Ako kuya, kakausapin kita araw araw" kumalas si Charlie sa pag kakayakap kay Yico. Nag heart sign si Charlie kaya napangiti si Yico. Habang abala sa pag uusap ang tatlo ay nag sidatingan na ang kanilang ibang kasamahan. Napasinghal at sarkastikong natawa si Alas habang pinapanuod sila. Si Khal El naman ay isinara ang pinto. Mabilis namang lumapit sakanila si Ken. "A e e e e e" tila ba nang aasar na sambit ni Ken habang kinakausap ang pipi na si Yico. "Rumespeto ka nga sa senior mo Ken" sermon naman ni Justin at umupo sa likod ni Yico saka niya ito inakbayan. "Kuya, sinong mas gwapo saamin ni Ken?" Tinuro ni Yico si Charlie kaya nag tawanan sila, tipid na natawa rin si Yico ngunit walang tunog ang kanyang pag tawa. Para sa class a ay hindi normal ang ganitong araw, dahil nung wala pa si Charlie ay wala silang pakialam sa isa't isa. Si Gee lang ang nag tyatyagang maki pag halubilo kay Yico kung kaya't nananatili lang ang Pipi sa isang tabi. Nang sumapit na ang gabi at oras na ng hapunan ay pumila na ang mga istudyante na puro mga lalaki. Hindi na nahiwalay si Charlie sa tinuturing niyang kuya na si Yico, maging sa hapag kainan ay mag katabi sila. Ang alam niya lang na hindi niya makakasundo sa class ay si Alae dahil sa nakakatakot nitong awra na laging galit sakanya. Matapos nilang kumain ay isang pilahan na naman upang makapag hilamos ng mukha. Sa prosesong ito ay pag natapos nilang mag hilamos at mag punas ng muka ay isa isa silang susuriin ng isang staff kung malinis ba ang kanilang mukha. Dahil ganito na ang kanilang kinalakihan ay walang namumuong tanong sakanilang isipan, ang nasa isip lang nila ay kailangan nilang panatilihing malinis ang kanilang mukha upang hindi bumaba ang kanilang ranggo. "Nabalitaan niyo na ba? Tatlong Class C yung inampon nila kahapon" pag kukwento ni Khal El habang nag hahanda sila sa pag tulog. "Talaga?" namanghang tanong ni Ken "Naisip ko lang bakit yung mga nasa babang Class ang kinukuha? E tayong mga nasa Class A? Ayaw ba nila saatin?" takang tanong ni Justin "Ayaw ko sakanila, dito nalang ako" taas kilay na sagot ni Alas. "Ako rin kaso...." narinig ng lahat ang buntong hininga ni Ken "Gusto kong makakita ng babae, ano kayang itsura nila?" "Ano kayang itsura ng puno sa personal?" tanong rin ni Gee "Gusto kong makatikim ng damo, ano kayang lasa nun?" tanong ni Charlie "Sabi ni Teacher Dante hindi nakakain yun, 'di nag iisip" pambabara ni Alas kay Charlie kaya napalunok sa hiya si Charlie. Wala silang alam sa maraming bahay dahil mula sanggol pa lang sila ay hindi na nila nasilayan ang ibang tao at kung ano ang mayroon sa labas ng building kung nasaan sila ngayon. Ang pina-alam lang sakanila ay saka lang sila makakalabas kung may mag aampon na sakanila. Matagal na silang nakakulong dito, ni walang katanungang nabuo sa mga isip nila.... Maliban sa isa sakanila...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
294.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook