Mainit ang ulo ni Jasmin habang sinisipa sipa ang bato na madadaanan niya, dito nalang niya ibinuntong ang galit niya sa trabaho dahil tinanggal siya sa first division investigation. Masasabi niya nang naaapakan ang ego niya dahil nasa division nalang siya ngayon ng tagahanap ng mga nawawalang pet o nawawalang mga bata.
Sa kanyang pag lalakad ay hindi niya namamalayan na nakalayo na siya sa kabihasnan, hindi na niya namalayan kung saan siya dinala ng init ng ulo niya.
"Ate, palimos po pang kain lang" sabi ng batang sumulpot kaya napahinto si Jasmin. Inalis niya ang subo subo niyang lollipop saka inalok sa bata.
"Gusto mo?" tanong niya at hindi nakasagot ang bata kaya irita siyang humugot sa bulsa niya "Oh umuwi ka na ha, nung nasa edad mo ako nawala yung kapatid ko. Baka magaya ka dun" panenermon niya sa bata matapos niyang maiabot ang singkwenta.
"Salamat Ate" nakangiting sagot ng bata at tumakbo paalis.
Hinatid ni Jasmin ng tingin ang batang masayang tumatakbo paalis at doon na sumagi sa isip niya ang lalaki niyang kapatid na nawawala.
Anim na taon pa lamang siya at isang taon naman ang kanyang kapatid, abala lang si Jasmin na nag lalaro sa bakuran habang ang kanyang kapatid ay nasa stroller. Napansin niyang bukas ang gate ngunit pinag sawalang bahala niya lang ito dahil kampante siyang ligtas sila ng kapatid niya pag nasa loob sila ng bakuran kahit pa abala sa pag luluto ang kanyang ina sa loob ng bahay.
Tumayo si Jasmin dahil nakaramdam ito ng uhaw "Baby Peter, diyan ka lang ha" paalam niya sakanyang kapatid at pumasok sa loob. Lingid sa kaalaman niya na iyon na pala ang huling beses na makikita niya ang kanyang kapatid na lalaki dahil pag balik nito ay hindi sa stroller dumiretso ang tingin niya kundi sa isang lalaki na hawak hawak na ang kapatid niya. "Peter!" sigaw nito at hinabol ang sasakyan na tangay ang kapatid niya.
"DH 3911, DH 3911, DH 3911" Paulit ulit nitong sabi habang umiiyak ng mabasa niya ang plate number ng sasakyan.
"Jasmin! Nasan si Peter?" sigaw ng Ina niyang natataranta sa pag kawala ng bunso niyang anak.
Ngunit walang maisagot na iba si Jasmin kundi "DH 3911, DH 3911" halos hindi na ito makahinga dahil sa pag iyak.
"Jasmin! Nasan siya!?" nanginginig na tanong ng kanyang Ina sakanya habang niyuyogyog ang kanyang mag kabilang balikat.
"Kinuha siya Mama" humahagulgol na sagot ni Jasmin.
"DH 3911" Mahinang bulong ni Jasmin sa sarili niya ng maalala niya ang pangyayaring iyon. Dahil sa pag kawala ng kapatid niya ay naging inspirasyon niya ito upang maging isang Detective, kahit nawawalan na siya ng pag asang buhay pa rin ang kapatid niyang si Peter.
Napatuloy siya sa pag lalakad ng mapagtantong malapit ng lamunin ng dilim ang liwanag. Kinagat niya ang lollipop hanggang sa madurog ito at tinapon niya kung saan ang stick na plastic.
Pagkarating niya sa bahay nila ay naabutan niya ang kanyang Ina na naka upo sa sofa habang tutok sa harap ng telebisyon at nanunuod ng balita. Napakunot noo si Jasmin ng makita niya ang laman ng balita.
"Hindi na matapos tapos ang ganyang trahedya" napatingin siya sa kanyang Ina na biglang nag salita.
Mga nawawawalang bata na naman ang laman ng balita, pati si Jasmin na isang detective ay iisang ideya lang ang naiisip kung saan dinadala ang mga bata, ito ay ang bentahan ng laman loob o organs. Masyadong masakit sakanya ang ideya na iyon dahil isa sa mga nawala at ninakaw ang kanyang bunsong kapatid na si Peter.
Hindi na siya nag salita pa at walang imik na umakyat patungo sakanyang kwarto.
"Anak, may balita ka na ba?"
Huminto si Jasmin at bumagsak ang dalawang balikat saka tumingin sa Ina "Tututukan ko na yan" tipid nitong sagot at nag patuloy sa pag lakad patungo sakanyang kwarto.
Hanggang ngayon ay hindi pa nawawalan ng pag asa ang kanyang Ina na baka buhay pa si Peter ngunit siya ay sumuko na sa ganitong paniniwala. Dalawampung taon na ang nakakaraan mula ng dinampot ang kanyang kapatid na lalaki. Para sakanya ay malabo na niya itong makita pa.
Umupo siya sa tapat ng kanyang computer at kahit paulit ulit na niyang sinasaliksik ang 'DH 3911' ay wala siyang matagpuan na sagot.
"Tol kunti nalang suko na talaga ako" bulong niya sa sarili niya at napatingin siya sa cellphone niya ng bigla itong mag ring.
Mabilis niyang sinagot ang tawag dahil mula ito sa kanyang katrabaho na si Loerene.
"Good evening---"
"Walang good sa evening" pambabara niya at sumandal.
"Hahaha! Magiging good ang evening mo sa ibabalita ko sayo"
"Siguraduhin mo lang"
"Halika dito sa opisina ko, kailangan mo itong makita, may lead na ako kung nasan dinadala ang mga batang nawawala"
Mabilis na napatayo si Jasmin at otomatikong kinuha ang gamit "Papunta na ako" mabilis nitong sagot.
Isa rin si Loerene sa natanggal sa first division dahil partner sila ni Jasmin. Ang dahilan kung bakit sila naibaba sa pwesto ay dahil may roong nadaplisan ng baril si Jasmin na isang biktima sa operasyon na pinasukan nila. Dalawang beses ng nangyari ito kaya paakyat baba siya ng pwesto sa trabaho.
"Tignan mo" usal ni Loerene at ipinakita sa screen ng computer niya ang mukha ng babae. Napabuntong hininga si Jasmin dahil wala namang kahinahinala sa mukha na ipinakita ni Loerene, mukha lang ito ng babaeng maganda at walang kahit anong bahid ng kapangitan. Sa sumunod na picture na ipinakita ni Loerene ay mukha ng babaeng hindi ganun kaganda. "Ang babaeng ito" ibinalik niya ang picture ng babaeng mukhang manika "At ito" ibinalik niya ang picture ng mukhang hindi gaano kagandahan "Ay iisa"
"Tapos?" taas kilay na tanong ni Jasmin, dahil wala namang bago sa mga narinig niya. May kahina hinala, yun ay ang halatang retokada ang babae, ano namang bago sa retoke?.
"Si Joy ang babaeng yan, isa siyang elite na nasunog ang kalahating mukha, kaya... nag pa face transplant siya." tumingin si Loerene kay Jasmin "Saan galing ang muka niya?"
Napaisip si Jasmin sa tanong ni Loerene at pinag kross ang dalawang braso "Sa muka ng ibang tao, na binayaran para mag kapalit sila ng muka--" nahinto si Jasmin sa pag sasalita ng pinilantik ni Loerene ang daliri niya sa muka nito.
"Jasmin, think critically. Nauso ang face transplant sa mga elite people noong 1992, how do I know? Research--"
"At ano namang kinalaman niyan sa mga nawawalang bata?"
"Kung mga dalaga at binata ang kukunin para kunan ng mukha makikilala ito ng mga nakakakilala sakanila, so may sagot na tayo kung bakit mga bata o sanggol ang kinukuha nila para palakihin, alagaan at ihanda sa mga bibili ng mga mukha nila"
Natigilan si Jasmin dahil sa sinabi ni Loerene at sumang ayon ang kanyang isilan dito. May punto nga ang sinabi ni Loerene at naging mas matibay pa ang ideyang ito ng maalala niya na base sakanyang pananaliksik ay puros mga anak mayaman ang mga nawawalang bata at sanggol. Isang konlusyon iyon na may mga itsura ang mga ito pag laki at mapapanginabangan ang kanilang mga mukha.
"Jasmin, ito na yung tiyansa natin para makabalik sa first division... Malay mo mahanap mo na rin si Peter" pangungumbinsi ni Loerene
"Anong kailangan natin gawin?" tanong nito.
"DH 3911" Usal ni Loerene at bumalik sa tapat ng screen ng computer. "Also known as... Doll House".
Ipinakita ni Loerene sa screen ng computer ang larawan ng isang istablisyemento. Para lang itong isang pang karaniwang building, malawak ang kinatitirikan nito at dalawa ang building.
"Matagal ko ng iniimbistigahan ang isang 'to, hanggang sa may nakausap ako na naging kliyente nila... Si Joy. Nag panggap ako interesado sa Face transplant at syempre isang elite na maraming pera. Nirecommend niya saakin ang lugar na 'To, wala na siyang ibang sinabi"
"Ireport na natin--"
"Jasmin, kaya ka nalaglag e padalos dalos ka. Atin 'tong kaso na 'to, hindi natin basta basta ireport ito dahil wala tayong ibedensya na tama nga ang hinala ko"
"Kung ganun... pupunta tayo diyan?" tanong ni Jasmin sa matalino niyang kaibigan.
"Hindi ka basta basta makakapasok diyan kung hindi ka pa sigurado sa pakay mo. Hindi tayo pwedeng mag kunware na isang kliyente at mag papalit ng muka" tumalim ang tingin ni Loerene sa screen ng computer kung saan nandun parin ang larawan ng isang establisyemento. "Alam kong hindi sila basta bastang kukuha ng mga empleyado kaya kailangan nating makapasok diyan ng walang makaalam para mag panggap na empleyado. Hindi ako naniniwalang pagawaan lang ng mukha ang lugar na yan, may taong involve dito at sila ang mga biktima"
"Ako, pwede ako" presinta ni Jasmin
Makaraan ang ilang araw ng matinding pag paplano ay hinanda ni Jasmin ang sarili niya para sa pag pasok sa building na tinatawag nilang 'Doll House'. Sa itsura ng building na ito ay muka lang siyang pagawaan ng laruan kung kaya't hindi ito pinanghihinalaan ng iba. Ngunit para sa detective na sina Loerene at Jasmin, kahina hinala ang lokasyon nito na tila ba tagong tago sa kabihasnan.
Nang makarating siya sa lokasyon ay napansin niyang masyadong mataas ang pader na nakapalibot sa building kaya nilibot nito ang buong lugar at nag hahanap ng pwedeng lusutan. Mabilis itong nag tago ng makita niyang may papalabas na isang babae. Buo na ang pasya ni Jasmin na may kahina hinala nga sa lugar na ito na hindi lang basta pagawaan ng Mukha. May gate sa harap pero bakit nasa likod ang labasan ng mga tao? Bakit hindi sa harap?.
Tinalasan ni Jasmin ang paningin niya sa uniporme ng empleyadong iyon at kinuhanan niya ng litrato.
Nang makarating si Jasmin sa opisina ni Loerene ay ipinakita niya ang nakuhanan niyang litrato. Matapos nun ay nag taasan sila ng kilay, inumpisahan ng gumawa ng fake ID si Loerene at pekeng pangalan na gagamitin ni Jasmin. Si Jasmin naman ay may tinawagan.
"Manang Melay, mag papatahi ulit ako" sabi nito sa kausap niya sa kabilang linya.
Suki na siya ni Manang Melay dahil parati itong nag papatahi ng kung iba't ibang uniporme dahil sa kanyang trabaho. Madalas itong mag panggap dahil ito ang porte niya, sa pag papanggap ay mas nakakakuha siya ng impormasyon sa mga iniimbistigahan nila. Si Loerene naman ang may gamay sa teknolohiya, siya ang toka sa pag trace ng lokasyon, pag gawa ng fake ID at marami pang iba na pwede nilang gamitin sa imbistigasyon.
Para sakanilang mga kasamahan sa trabaho sila ang pinakamagaling na partner in crime ngunit sa padalos dalos na galaw ni Jasmin ay napupunta sila sa Third division. Ngunit Magaslaw man gumalaw si Jasmin ay mabilis parin itong mag isip at kung siya ang gumalaw ay wala itong kinakatakutan. Ito ang kinabibiliban ni Loerene sa partner niyang si Jasmin, kaya nitong isugal ang buhay niya para sa ikaliligtas ng iba.
Dahil hindi niya nagawang iligtas ang kanyang nag iisang kapatid noong Anim na taong gulang pa lamang siya.