Ramdam ni Jasmin ang pag titig sakanya ng guwardya ngunit dire-diretso lang ito sa pag pasok, wala ng bago sakanya ang ganoong tingin. Habang tumatagal siya sa trabaho ay mas lumalakas ang kanyang loob. Para sakanya ay wala siyang dapat ikatakot at 'wag mag pakita ng takot dahil naka uniporme na ito at may ID pa. Fake nga lang.
"Saan ka pupunta?"
Nahinto ito sa pag hakbang at nilingon ang guwardya sabay hawak sakanyang ballpen na nasa bulsa, may patalim ang ballpen na ito pang dipensa sa sarili niya.
"Bakit?" tanong ni Rio
"Sa kaliwa ka dapat" turo ng guwardya sa kaliwang building.
Binitawan ni Jasmin ang ballpen sakanyang bulsa at ngumiti sabay hawak sa sintido "Hehe, pasensya na nahilo lang" natatawang sabi nito at ngumiti rin ang lalaking guwardya saka siya tinalikuran.
Nawala bigla ang ngiti ni Jasmin at kunot noong napatingin sa building na nasa kanan, ano kayang mayroon sa building na iyon? Nag tataka siya at gusto niya itong suriin sa lalong madaling panahon. Hindi na ito nag sayang ng oras pa at pumasok na sa building na nasa kaliwa na tinuro ng guwardya.
Inalis niya sa kwelyo niya ang salamin saka niya ito isinuot.
"Iba ka Jasmin" napangisi nalang siya ng marinig niya si Loerene sa kabilang linya gamit ang ear device na naka suot sakanya. Ang salamin na gamit niya ay mayroong maliit na kamera at naka konekta ito sa computer ni Loerene kaya nakikita niya kung anong nakikita ni Jasmin.
Sa pag lakad niya palang sa hallway ay marami na agad siyang napansin. Ang mga empleyado ay hindi nag papansinan, may mga empleyadong may tulak tulak na cart na may lamang mga bote ng gamot, babae lahat ang nakikita niya. Ngayon, alam niya na kung bakit madali siyang makakakilos dito dahil hindi siya napapansin, hindi nila napapansin na kay bagong mukha ang nakapasok.
Nang biglang nanlaki ang mata nito sa gulat ng mayroong tumunog na ingay sa buong bulding.
"Anong nangyayari?" naalarmang tanong ni Loerene.
Hindi na nagawang sumagot ni Jasmin at tumakbo ito para mag tago ngunit napaatras siya ng may makitang mga babae na nag silabasan sa mga kwarto at laking taka ni Jasmin ng pumila ang mga ito. Napalunok siya sa kaba, ngunit pinilit niyang kumalma at ng makita niya ang mga empleyado na nakahanay ay humanay na rin siya.
"I knew it, ibedensya nalang Jasmin" sabi ni Loerene sa kabilang linya.
Namangha si Jasmin sa mga babaeng nakikita niya na nakapila habang nag lalakad. Tipid silang nakangiti, kahit na wala namang nakakatuwa, maganda ang tindig nilang lahat, makikinis at isa pa mukha silang mga manika.
Robot ba sila?" tanong ni Jasmin sakanyang isipan dahil sa pag kamangha. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagagandang babae. Para siyang nanunuod ng 3D cartoon dahil hindi kapani-paniwala ang nakikita niyang mga mukha.
Pasimple niyang tinitigan ang isang babae na nag lalakad, dahil siya lang ang may bangs sakanilang lahat. Muka itong manika na di-susi habang nag lalakad, ang kanyang mga mata ay tila ba kumikislap sa ganda.
Laking pasasalamat nalang ni Jasmin na hindi siya tibo dahil pag nag kataon ay baka may maiuwi siyang babae sakanila. Bawal sa trabaho niya ang magkaroon ng affection sa mga "biktima" dahil iba ang ngagawa nito pag dating sa trabaho.
Nag simula naring mag lakad ang mga empleyado kaya sumama na rin si Jasmin. Pumasok sila sa isang canteen kaya nakaramdam ng gutom si Jasmin. Ang akala niyang almusal ay naging tayuan. Nakatayo lang sila habang nag lalakad lakad, kaya sinunod rin ito ni Jasmin.
Sa pag lalakad niya ay marami ng kahina-hinala ang nabuo sa isip niya, una, bakit lahat sila ay babae, pangalawa, may kakaiba sa mga mukha nila na iisipin ng iba na hindi sila totoong tao, pangatlo, anong merong kalakaran sa lugar na ito, pang apat, saan galing ang mga babae at pang huli, ano ang nasa kanan na building?. Gustong gusto niyang malaman ang sagot sa isang araw lang ngunit malabo iyon.
"Kumakain sila? So totoong tao yang mga yan? D*mn" namamanghang sabi ni Loerene
Napairap naman sa kawalan si Jasmin dahil sa sinabi nito.
Nang matapos kumain ang babae ay dumating na ang pinaka hihintay ni Jasmin, ito ay ang kumain. Maging sa pag kain ay hindi parin nag uusap usap ang mga empleyado, para silang may mga sariling mundo. Naunang siyang natapos sa pag kain dahil mabilis talaga siyang kumain.
Lumabas ito at nag lakad lakad sa hallway habang iginagala ang paningin sa paligid. Tumitingin ng mga kahina-hinala na pwedeng gawing ibedensya. Napahinto siya sa pag lalakad at humakbang paatras ng may nakita siyang papasok na daan.
May nasilip siyang daan na naharangan ng Strip curtain, pamilyar sakanya ang ganoong klaseng kurtina dahil nakikita ito sa morgue.
Tumingin muna siya sa paligid at nag hanap ng tiyempo para makapasok dito ngunit mabilis siyang nag lakad paalis ng makita niyang may mga taong lumabas dito.
"Mag ingat ka baka mabulilyaso tayo dito" sabi ni Loerene
"Bwiset" bulong ni Jasmin sa sarili niya.
Gaya ng ibang empleyado ay kanina pa nag lilibot si Jasmin, wala siyang ideya na ganito lang pala ang magiging trabaho niya sana man lang ay nakapag dala siya ng pang hilot sa paa. Ngalay na ngalay na siya.
Palihim niyang sinisilip ang bintana sa bawat pinto, may nakita siya sa loob na parang nag aaral ang mga babae dahil may nag sasalita sa harap nila, muka naman silang masaya at pang karaniwang mga istudyante.
"Pst"
Iginala niya ang paningin niya sa paligid ng makarinig siya ng sitsit. Hanggang sa makita niya ang babaeng natitigan niya kanina, ito yung babaeng may bangs na mukang di-susing manika.
Sa umpisa ay hindi ito pinansin ni Jasmin dahil hindi niya alam kung pwede ba siyang makipag usap dito, kahit gustong guto niya itong kausapin para makakuha ng impormasyon.
"Pst"
Huminga ng malakim si Jasmin at nag dire-diretso sa pag lalakad patungo sa gawi ng babaeng sumisitsit sakanya. Huminto ito sa tapat niya.
"Bagong mukha ka ah"
Itinaas ni Jasmin ang isang kilay niya bago tumingin sa babae ngunit tila lumambot ang puso nito dahil sa ngiti niya habang nakatingin sa ID niya.
"Jamie?" basa ng babae sa pangalan na nasa ID ni Jasmin saka ito nag angat ng tingin
"Ako si Gab" pakilala nito.
"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Jasmin
"Kwentuhan mo naman ako patungkol sa kung anong mayroon sa labas" pinag dikit niya ang dalawang palad niya at tila ba nag papaawa.
Hindi na nagawang sumagot ni Jasmin dahil nakita niya ang isang babaeng paparating kaya doon niya ibinaling ang tingin, para siyang sinusundo ng anghel dahil sa itsura ng babae.
"Gab, kanina pa kita hinahanap, lagi kang tumatakas" inis na sabi ng babaeng dumating saka niya ibinaling ang tingin kay Jasmin at inirapan ito sabay hila kay Gab.
Habang hila hila naman si Gab ay kumaway siya kay Jasmin. Napailing nalang si Jasmin ng makapasok ang dalawa sa kwartong pinasukan nila.
Paanong nandito si Peter? E puro babae ang mga nandito' dismayado niyang sabi sa isip niya sabay buntong hininga.
Nang sumapit na ang gabi ay lumabas siya ng gusali para umuwi na sana pero laking taka niya ng hindi niya mabuksan ang gate kaya nagising ang natutulog na guwardya saka tumayo.
"Bakit?" tanong ng guwardya
"Buksan mo" utos ni Jasmin at umiling ang guwardya.
"Anong gagawin mo sa labas?" takang tanong ng guwardya.
Napalunok si Jasmin at tumingin sa buong paligid, wala siyang nakikitang mga empleyado na nag sisilabasan.
Lintek, stay in ba dito!?' inis niyang tanong sa isip niya
"Ah... Mag papahangin lang sana, debale nalang" iritadong sagot ni Jasmin at nag lakad pabalik sa loob.
Tumingin ito ng magandang pwesto para makausap si Loerene sa kabilang linya. Hinugot niya ang mouth piece sa strap ng kanyang bra. "Stay in dito"
"Hatiran nalang kita"
Inalala ni Jasmin kung anong oras niya nakita ang empleyado na konuhanan niya ng litrato dati "Alas siete ng umaga, sa basurahan"
"Copy" sagot ni Loerene
Dahil stay in naman pala ang patakaran sa Doll House ay walang nagawa si Jasmin kundi mag hahanap ng pwedeng tulugan pansamantala, hindi naman talaga siya empleyado kaya walang nakalaan na kwarto para sakanya. Akmang papasok ito sa loob ng gusali ngunit napasuntok siya sa pader dahil na ito mabuksan.
Napatango nalang siya sa mga impormasyong nakalap niya at nag punta sa likod ng puno ng acacia dahil may nakita siyang pahabang upuan doon. Nahiga siya pero hindi siya dinadalaw ng antok, inalis niya ang peke niyang salamin at isinuksok sa kwelyo. Bumangon siya at tumayo sa bangko para silipin sana ang nasa kanan na gusali pero hindi niya ito masilip dahil masyadong mataas ang pader.
Mahina nalang siyang napasuntok sa puno ng acacia dahil sa pag ka irita hanggang sa maibaling niya ang tingin dito. Tinignan niya kung gaano ito kataas at karaming sanga kaya napangisi siya sa naisip niya.
Pag umakyat ba ako dito, makikita ko na kung anong meron sa kanan? Paano kung may ahas?'
Napabuntong hininga si Jasmin at bumalik nakang sa pag kakahiga. Kahit naman kasi makita niya ang gusaling nasa kanan ay wala ring silbi ito dahil hindi rin siya makakarating. Habang nakatingin sa nakasilip na bituin sa mga dahon ay inulit niya sakanyang isipan kung anong klaseng lugar ang kinaroroonan niya ngayon.
Isang malaking lupain na nahati, dalawa ang gusali nasa kaliwa ako ngayon at bawal akong mapunta sa kanan, Alas otso tumunog yung bell kanina, ibig sabihin alas otos sila kumakain ng almusal, alas otso ang wake up call nila kaya siguro habang wala pang alas otso ay pwede pang lumabas, puro mga babae ang nandito... Posible kayang.. Puro mga lalaki rin ang nasa kanan na gusali?'
Napabuga ng hangin si Jasmin, isa ito sa kinaiinisan niya, yung tipong gusto niya ng matulog pero ayaw makisama ng utak niya.
Sumagi rin sa isip niya yung sinabi ng babae kanina na nag ngangalang Gab na gustong mag pakwento patungkol sa kung anong meron sa labas. Ibig sabihin ay hindi pa ito nakakalabas, hindi niya pa nakikita kung anong mayroon sa labas.
Anong klaseng lugar 'to? Kailangan kong makausap ang isang yun, marami akong makukuhang impormasyon sakanya'
Napabangon ulit si Jasmin dahil hindi siya mapalagay, naibaling niya ang tingin sa may gawing kanan at tumayo ito para mag lakad patungo doon. Napahakbang paatras ito ng makarinig siya ng kaluskos kaya bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina at sinksik ang sarili sa ilalim ng pahabang upuan na gawa sa simento, may harang ito sa harap kaya malakas ang loob niyang hindi siya mamakikita hindi bale nalang kung pupunta rin ang guwardya sa likod ng puno ng acacia.
Napalunok siya ng makita niya ang ilaw ng flashlight hanggang sa unti unti itong nawala. Nag punas siya ng pawis sa gilid ng kanyang noo dahil muntikan na siyang mahuli. Marahan siyang lumabas sa pinag tataguan niya at itinuloy niya ang naisip niyang plano kanina.
Ayaw niya ng mag sayang ng panahon, gusto niya ng pag aralan kung paano makakapunta sa kanang gusali. Dahan dahan itong nag lakad, buti nalang at itim ang uniform niya mahirap siyang makita sa dilim.
Sa pag lalakad niya ay nahinto siya ng makita niya ang isang bakal na gate. Nilabas niya ang kanyang ballpen na mayroong maliit na flashlight para suriin kung anong klaseng kandado ba ang mayroon sa gate na ito.
Ngunit laking gulat niya ng pag kasindi niya dito ay isang malaking ilaw ng flashlight ang tumama sakanya kaya nanlaki ang mata nito sa gulat.
"Sabi na nga ba e, may kakaiba sayo"
Pinatay niya ang flashlight ng ballpen niya at inihanda ang daliri para patalim dito. ilabas ang patalim nito.