Chapter 4 Buddy

1737 Words
"Anong distrito ka?" tanong pa ng guwardya at pinatay ang ilaw ng kanyang flashlight. "Wag ka ng mag isip ng kung ano ano, kagaya mo rin ako" Napataas ang isang kilay ni Jasmin at nilingon ang guwardya, nakita niyang ngumiti ang lalaki dahil sa liwanag ng buwan. "Ano?" takang tanong ni Jasmin "Kasisimula ko lang kahapon" sagot ng lalaki habang nag lalakad papalapit kay Jasmin kaya humakbang ito paataras. "Hay" singhal ng lalaki "Fifth district crime investigation" nilahad niya ang kanyang kamay "Venti Ariaga, from first division" "Confirmed taga fifth district nga yan" sabi ni Loerene sa kabilang linya. Napasinghal si Jasmin at bahagyang natawa "Hutek" nakipag kamayan siya sa kapwa niya detective "Jamie" pag sisinungaling ni Jasmin. Hindi niya pwedeng sabihin kung anong totoo niyang pangalan at kung saang distrito siya dahil bawal ang mga nasa Fourth division ang ganitong klaseng imbistigasyon. "Anong division ka?" "Wag ka ng mag sinungaling may researcher yan, sabihin mo magaslaw ka kaya nalaglag ka sa Fourth division--" sabi ni Loerene sa kabilang linya. "Matulog ka na nga" iritang sagot ni Jasmin dito at pinatay ang ear device saka ito iritang inalis. "Nasan naman yung may ari ng uniform na yan?" tanong ni Jasmin kay Venti at ibinulsa ang kanyang ear device. "Hawak ng mga kadistrito ko" "Kumanta?" tanong nito "Wala ring alam, inaalam ko pa kung paano ako makakapasok diyan sa loob, hindi pala pwedeng pumasok ang guwardya---" "Lalaki" pag tatama ni Jasmin "Bawal pumasok ang mga lalaki sa loob, hm.. Binigyan kita ng points ah" "Ano pang alam mo?" "Bakit ko sasabihin sayo?" maangas na sagot ni Jasmin at nag lakad paalis sa harap ni venti. "Hassle" singhal ni Venti "Saang division ka?" Umirap sa kawalan si Jasmin "Saksakin kita diyan e" bulong ni Jasmin sa sarili niya at umupo sa pwesto niya kanina. Nag salubong ang kilay nito ng makita niyang sinusundan siya ni Venti at umupo pa ito sa tabi niya. "Anong meron sa loob?" bulong ni Venti at umiling si Jasmin. Para sakanya ay ayaw niyang sabihin ang nalalaman niya dahil gusto niyang sarilihin ang mga nalaman niyang impormasyon kahit kakaunti palang ito. "Hulahan ko, may backer ka 'no" pang huhula ni Jasmin at nag dekwatro. "Lolo ko" "Tss" tahimik na natawa si Jasmin "Kaya pala napunta ka sa first division" pag mamayabang ni Jasmin at napailing. "Sa kayabangan mo, mukang nalaglag ka sa first division" nakangisi namang sagot ni Venti at nawala ang ngiti ni Jasmin kaya tinaas ni Venti ang dalawang kilay niya "Mag tulungan tayo, marami tayong kailangang iligtas dito" Labis ang pag kadismaya ni Jasmin dahil ang akala niyang solo project ay naunahan na pala siya ng kabilang distrito, gusto niya sanang maiagat ang Third District sa pamamagitan niya. "May alam ka na ba kung anong meron diyan sa kabilang building?" tanong ni Jasmin at umiling si Venti. Napakunot noo si Jasmin "E bakit mo ako pinag bawalan kanina nung diyan ako dumaan?" takang tanong nito at nakaramdam ng inis. "Ang sabi nung guwardyang hawak ng kadistrito ko, pinag babawal daw nilang may makapasok diyan sa may Kanan na building, yung mga guard bawal ding pumasok sa loob.. Nga pala mag ingat ka diyan sa guard na nasa entrance, totoong guard yun" pag kwento ni Venti Napatingin si Jasmin sa gawing kanan at napakagat sa ibabang labi. Napasinghal nalang siya sa kagustuhang malaman kung anong meron dito, para bang may nag tutulak sakanyang malaman ito. Ibinaling niya ang tingin kay Venti "Saan ka natulog kahapon ng gabi?" tanong ni Jasmin. "May guard house, pwede ka dun, tara" aya nito. Tumayo na rin si Jasmin, muka namang mapag kakatiwalahan itong si Venti at may tiwala rin si Jasmin sa sarili niya na kung may gawin mang masama si Venti sakanya ay sasaksakin nya nalang ito. Nang makapasok siya sa maliit na guard house ay umupo agad si Jasmin sa kama. "Gentleman ka naman siguro 'no? Goodnight" hindi na pinasagot ni Jasmin si Venti at humiga nalang ito ng walang paalam. Pakiramdam niya ay na drained ang utak niya kakaisip. Napakamot sa batok si Venti at kinuha ang kumot sa tabi ni Jasmin saka niya ito nilatag sa simentadong sahig. Doon na siya nag palipas ng gabi. Habang nag lilibot si Jasmin ay minumukahan niya ang mga babaeng abala sa pag kain. Hinahanap niya si Gab, yung babaeng nakausap niya kahapon. Nang makita niya ito ay nakilala agad siya ni Gab at nginitian siya nito. Tipid rin siyang ngumiti at nawala ang ngiti niya ng mapansin niya ang babaeng sumundo kay Gab kahapon na mukang anghel sa sobrang puti. Matalim ang tingin nito at nakipag taliman naman ng tingin si Jasmin kaya inalis sakanya ang tingin ng babae. Kala mo ha' sabi niya ni Jasmin sa isip niya. Gaya kahapon ay si Jasmin na naman ang unang natapos kumain, ginagawa niyang pag kakataon ito para makapag libot at walang makakita sakanyang ibang empleyado dahil abala pa sila sa pag kain. "Pst" Napangisi siya ng marinig niya ang sitsit na inaabangan niya, nakita niya si Gab na nakasilip at kinawayan siya, pasimple niyang in-on ang mouth piece na naka ipit sa strap ng kanyang bra. "Ikaw si Gab diba?" pabulong na tanong ni Jasmin at nakangiting tumango naman ang dalaga. Samantala, naalarma naman si Loerene ng marinig niya ang boses ni Jasmin. Nakita rin siya sa screen ng Computer niya kung gaano kaganda ang babaeng nasa harap ngayon ni Jasmin. Itinapat ni Jasmin ang hintuturo niya sa kanyang labi at tumango naman si Gab. "Paano ka nakalabas?" Napaayos ng tayo si Jasmin ng marinig niyang may nag salitang babae sa kanyang likuran. Pinanlakihan niya ng mata si Gab. "Bumalik ka sa kwarto mo" maotoridad na sambit ni Jasmin. Tumango naman si Gab at nag lakad paalis. Humarap siya sa babaeng nag salita at nakita niyang may tulak tulak itong isang cart na puno ng bote ng gamot. Dahil sa tingin niya'y hindi pwedeng mag usap ang mga empleyado ay wala siyang imik na kinuha ang cart na hawak ng babae saka niya ito itinulak. "Sa class a yan" pahabol ng babaeng empleyado na hindi nakapalag dahil natakot sa awra ni Jasmin. Nag 'Ok-sign' naman si Jasmin at napangisi. "Ang gaslaw mo" tarantang sabi ni Loerene sa kabilang linya at mahina namang natawa si Jasmin. Habang tulak tulak ang cart ay tinitignan niya sa mga taas ng pinto kung nasaan ang 'Class A' na sinasabi ng isang empleyado kanina. Nang makita na niya ay huminto ito sa tapat at binuksan ang pinto. Nag si-tinginan sakanya ang mga babaeng nasa loob ng kwarto at pinanuod lang ni Jasmin ang mga ito na otomatikong pumila. Nauna sa pilahan si Gab. Nakapila na ang lahat pero si Jasmin ay hindi alam ang gagawin, hinulahan nalang niya kaya kinuha niya ang bote ng gamot saka niya binuksan. Ngumanga si Gab at kumuha naman ng isang tableta si Jasmin at nilagay sa loob ng bunganga ni Gab. Ganun lang ang ginawa ni Jasmin hanggang sa matapos silang lahat. Sampung babae ang nasa Class A, base sa bilang ni Jasmin. Nakaputi silang lahat at naka buhaghag ang buhok, natural lang ang mga muka nila at lahat sila ay mga mukhang manika. Nang makalabas si Jasmin ay isinara niya ang pinto. Napailing nalang siya dahil nawi-wierduhan siya sa lugar na kung nasaan siya ngayon. "Jamie" napasinghap ito ng may humawak sa kamay niya. "Anong mayroon sa labas? Anong itsura ng mga lalaki?" tanong pa ng babae na nakita niya rin sa Class A. "Ako pala si Luna, ang sabi ni Gab sakin baguhan ka raw?" "Hindi ako baguhan" tipid na sagot ni Jasmin at ginawa na niya itong pag kakataon para makakuha ng impormasyon. "Bakit gusto mong malaman kung anong mayroon sa labas?" pasimple nitong tanong. "Hangga't wala pa kasing umaampon saamin, hindi pa kami pwedeng makalabas dito" malungkot na sagot ni Luna "E kasi hindi tanggap ng lipunan ang mga itsura namin" "Ah... Oo nga... Sino na nga ulit nag sabi niyan?" pasimpleng tanong ni Jasmin "Si Miss D, pag nag kwento ka saakin hindi kita isusumbong, pangako" Tumango si Jasmin at nag lakad paalis ng walang paalam ng makarinig siya ng yakap ng sapatos. Napagtanto rin ito ni Luna kaya agad siyang tumakbo papasok ng kwarto. Tama ba ang narinig niya kanina? Bahay ampunan ang lugar na kinalalagyan niya ngayon?, kung ganun para sa mga kabataang nandito sa loob ay walang kahina hinala sa lugar na ito. Hindi tanggap sa lipunan? The h*ck? Kung sabagay kapag mayroon kang ganung kagandang itsura maraming maiinggit sayo' "Kailangan mong makapasok doon sa may Restricted area" Binitawan ni Jasmin ang hawak niyang cart at sinunod ang utos ni Loerene. Mabilis na nag lakad si Jasmin patungo kung saan niya nakita kahapon ang Restricted Area kung saan mayroong papasok na nakitaan niya ng Strip curtain dahil gusto niyang malaman kung anong mayroon ang lugar na iyon. Ngunit sa kinamalas malasan niya ay hindi na naman niya nagawang pumasok dahil may lumabas doon na isang babaeng naka lab gown. Kahit wala siyang alam kung pwede bang pumasok ang mga empleyadong gaya niya sa loob nun ay hindi niya parin ito dapat pasukin ng ganun ganun lang dahil masyadong delikado. Sa bilang ng hagdan na nilakaran niya ay nasa ikalawang palapag ang Restricted area na yun. Nasa Ikaapat at ikatlong palapag naman ang mga babae. Sa ika unang palapag ay nandun ang mga kwarto ng mga empleyado. Labis na napapamura si Jasmin sa isip isip niya, kating kati na siyang malaman kung anong klaseng lugar ba ang Doll House. Kung pangkaraniwang bahay ampunan lang ito, bakit nirekomenda ni Joy na mag pa face transplant dito si Loerene?. Lumabas siya ng gusali para puntahan si Venti, naabutan niya itong nakatayo kaya napailing si Jasmin. Hindi ko alam mga mangmang pala ang mga nasa Fifth district' sabi niya sa isip niya dahil sa inis kay Venti na walang ginawa kundi mag panggap lang na guard. "Isang hinala nalang mula sayo, maniniwala na ako sa hinala ko" usal ni Jasmin at natigilan naman si Venti. "Anong klaseng lugar 'to?" mariin niyang tanong. "Iniimbistigahan namin kung bentahan ba ito ng laman loob o mukha ng mga tao ang kinukuha nila para sa face transplant" Napabuga sa hangin si Jasmin. "Ibedensya nalang" bulong nito sa sarili niya. "Nga pala, mag papadala ako dito ng laser para mabuksan yung kandado ng tahimik" Ngumisi si Jasmin habang tumatango. May binatbat rin pala ang kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD