Chapter 5 Woman

1776 Words
Habang payapang natutulog ang lahat ay nakamulat parin ang mga mata ni Yico at nasa kisame ang kanyang tingin. Dahan dahan niyang tinignan ang mga kasama niya at bumangon ito. Naibaling niya ang tingin kay Charlie na nasa tabing kama at napailing. Inangat niya ang kanyang unan at kinuha doon ang kapsula na bigay sakanila para inumin ngunit hindi niya iniinom. Tumayo ito, marahang nag lakad papunta sa pinto. Nag silabasan ang butil ng pawis sa noo niya ng mahawakan niya ang door knob at napihit niya ito. Nag lakad ito patungo sa banyo habang iginagala ang paningin sa paligid. Pag kapasok niya sa loob ng banyo ay itinapon niya ang kapsula sa kobeta sabay flash. Nag punas ito ng pawis, madaling araw na at malamig ang klima pero init na init siya dahil sa kaba. Maraming beses niya na itong ginawa, nung nasa Class C pa siya, dahil sa mga napag tanto niya. Nang akmang lalabas na ito ay natigilan siya ng makarinig siya ng yapak ng mga sapatos. "Handa na ba ang lahat?" boses ng babae ang narinig niya. "Opo Miss D." boses ng lalaki "Sa Class B tayo kukuha, pang Class B lang ang isang yun" Napalunok si Yico at tila ba nakahinga ng maluwag. Nang masigurado na niyang wala ng tao sa labas ay dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Tumingin ito sa kaliwa at kanan bago tuluyang lumabas. Inabot siya ng madaling araw sa kakaisip ng gagawin niyang plano ngayon. Ito ay ang makalabas. Matagal niyang pinag aralan kung paano makakapunta sa ikalawang palapag kahit na hindi niya pa alam kung anong mayroon doon. Kailangan niyang makapunta sa canteen dahil napansin niyang doon lumalabas ang mga lalaking guwardya. Mabilis siyang tumakbo patungo dito. Nang makarating siya sa tapat ng canteen ay dito na siya nag karoon ng lakas ng loob para hindi umatras sakanyang plano. Pinihit niya ang door knob at sinilip muna niya ang buong paligid kung may tao ba doon bago siya tuluyang pumasok. Hindi na siya nag sayang ng oras pa, nag tungo agad siya sa napansin niyang pinto kung saan lumalabas ang mga guwardya. May maliit itong bintana at sinilip niya kung anong mayroon doon. Laking gulat nalang niya ng makita niyang paparating ang mga lalaking nakaitim at may buhat buhat na tatlong lalaki. Walang malay ang mga ito dahil sa kapsula na pinapainom sakanila. Iyon ang isang napagtanto ni Yico kung kaya't hindi na niya nilulunok ang mga ito. Sa tuwing umiinom siya ng kapsula ay para siyang muling nabubuhay sa tuwing gigising siya. Nung araw na sinubukan niyang 'wag inumin ang kapsula ay nagising siya ng madaling araw. Nag panggap siyang tulog at nang imulat niya ang kanyang mata ay nakita nalang niya na buhat buhat na ng mga lalaki ang dalawang kasamahan niya. Kinabukasan ay isa nalang ang bumalik sa dalawa. Gustong sabihin ni Yico ang mga nakita niya ngunit hindi niya ito magawa dahil hindi niya kayang mag salita. Napansin rin niya sa kasama niyang bumalik na wala siyang naaalala. Sa pag kakaalam ni Yico ay aampunin ang mga buhat buhat ng mga lalaki. Ngunit may parte sa isip niya na nakakapang hinala ito. Bakit pa kailangan pang uminom ng kapsula na pampawala ng malay? Paano nila makakausap ang mag aampon sakanila?. Dahil sa hindi siya sigurado kung anong mangyayari sa mga pinipili ay ayaw niyang mapili. Napansin niya na madalas ang mga "naaampon" ay ang mga nasa mababang class kaya ginawa niya ang lahat para makapunta sa class kung saan madalang lang sila nangunguha dito. Binuksan ni Yico ang pinto at dahan dahang nag lakad patungo sa pinang-galingan ng mga lalaki kanina. Nahinto siya ng may makita siyang hagdan pataas at pababa, iginala muna niya ang paningin niya sa paligid at siniguradong walang makakakita sakanya. Bumaba siya ng hagdan dala dala ang kuryosidad niya kung ano bang mayroon sa palapag na iyon. Bahagya siyang napanganga ng makakita pa siya ng hagdan pababa kaya hindi na ito nag dalawang isip kundi bumaba pa ng hagdan. Nang matapos niya ng humakbang sa mga hagdadnan ay nakita niya ang isang hallway na wala siyang ideya kung saan patungo ito. Habang kagat kagat ang kanyang kuko sa takot at kaba ay dahan dahan siyang nag lakad. Bakas sa muka niya ang takot sa kung anong mangyayari. Ito ang unang beses na bababa siya sa unang palapag.Patuloy lang siya sa pag lalakad at binilisan pa niya. Nang may nakita siyang pinto ay nilapitan niya ito at pinihit saka dahan dahang binuksan. Napasinghap siya dahil sinalubong siya ng hangin mula.... Sa labas. Tuluyang binuksan ni Yico ang pinto at nanginginig ang mga paa niyang umapak sa lupa. Napangiti ito at namangha, nakikita niya lang ang lupa sa mga imahe na pinapakita sakanila ng tinatawag nilang guro. Pinulot niya ang tuyong dahon at namangha sa itsura nito. Nag lakad ito at napatingin sa kalawakan, kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwa ng makakita siya ng Buwan at bituin. Wala ito sa sariling napaluha habang nakangiti. Nakalabas na siya, natupad na ang isa niyang pangarap. Kinuha niya na ang pag kakakataon ito para makapag lakad at sulitin ang oras. Sa pag lalakad nito ay nawala ang kaba at takot na nararamdaman niya kanina ng nasa loob pa siya. Malapit ng lamunin ng liwanag ang dilim ngunit walang ideya dito si Yico. Wala siyang alam kung anong itsura ng dilim at liwanag ng labas dahil nakakulong lang siya sa loob ng building. Dahan dahang nawala ang ngiti niya ng makita niya ang isang bakal na rehas at dahan dahan niya itong sinilip. "Haaaa...." imik nito sa gulat at napaupo habang nanlalaki ang mata sa takot ng kanyang nakita. Isang tao na may mahabang buhok. Habang nakaupo si Yico ay umaatras ito gamit ang mga paa niya lalo na ng mag tama ang paningin nila ng tinatawag nilang Isang Babae. "Lumapit ka sakin" mariing bulong ng babae sakanya habang hawak hawak nito ang bakal na rehas. Sa takot ni Yico ay mabilis itong tumayo at tumakbo, nadapa siya sa sobrang takot pero agad rin itong tumayo. "Huy saan ka pupunta?" rinig pa niyang pahabol ng babae. Hindi gaya ng pagbaba niya ay madali nalang siyang nakarating sa pangatlong palapag kung nasaan ang kwarto ng mga Class A. Ngunit kinailangan parin niyang mag ingay dahil palabas na ang mga guwardya na nasa unang palapag. Nang makapasok siya sa loob ng kwarto ay wala paring malay ang mga kasama niya. Nag tungo ito sa kanyang kama at humiga habang nag pupunas ng noo. Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso dahil hindi nito kayang kumalma. Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata kahit pa alam niyang hindi na siya dadalawin ng antok dahil sa mga nakita niya. Diretso lang ang tingin ni Yico sa kisame habang sinusuri ng isang empleyado ang kanyang mukha. "Umiitim ang ilalim ng mga mata mo" komento nito at dahil hindi naman nakakapag salita si Yico ay niyuko nalang niya ang kanyang Ulo. "Mananatili ka sa Class A" napahinga ng malalim si Yico dahil sa narinig niya saka siya umalis sa tapat ng lalaki na sumuri sa kanyang mukha. Nang makapasok sa loob ng kwarto si Yico ay hindi niya pinansin ang mga kasamahan niyang nag uusap usap, dumiretso siya sakanyang kama. Nag tama ang paningin nila ni Charlie, tumayo si Charlie at hinipo ang noo ni Yico. "Kuya, may sakit ka" nag aalalang sabi ni Charlie kaya napatingin sakanya ang limang kasamahan nila. Gusto niyang sabihin sakanila ang mga nakita niya ngunit hindi niya alam kung paano. Hinawakan niya ng mahigpit sa braso si Charlie kaya nag tinginan sa sila sa isa't isa dahil sa nakapag tatakang kilos ni Yico. "Ehh..." imik nito at tinuro ang kanyang dalawang mata sabay turo ibabang direksyon. "Mata? Nakita?" panghuhula ni Gee at mabilis na tumango si Yico. "May nakita ka....." Mabilis na tinuro ni Yico ang direksyon pababa at napakunot noo ang mga kasama niya sa pag tataka. "Sa baba?" tanong ni Justin "Khal El, abisuhan mo kami pag may pumasok" utos nito at tumango naman si Khal El na nag silbing look out. Hindi lang naman si Yico ang gustong makita ang labas kundi silang lahat, ngunit si Yico lang ang nag lakas ng loob. "Paano ka nakapunta sa baba?" takang tanong ni Ken Gamit ang dalawang daliri ni Yico ay sumenyas ito na nag lakad siya kaya napakamot silang lahat sa ulo. Oo nga naman, nag lakad siya kaya siya nakapunta sa baba. Pinag dikit niya ang dalawang braso niya at kumorte ng ekis "Huwag?" hula ni Gee at tumango si Yico at nag kunware ito na may sinubo sa bibig "Kumain?" kunot noong tanong ni Gee at tumango si Yico. Dahil hindi na niya maipaliwanag ang gusto niyang sabihin ay dinikit niya ang daliri niya sa kama. Gumuhit siya ng korteng kapsula at pinagdikit ang dalawang palad saka dinikit niya ito sa isang pisngi niya at pumikit. "Huwag uminom ng kapsula bago matulog?" napatingin ang lahat kay Khal El na ngayon ay nakasilip na kay Yico. Mabilis na tumango si Yico. "At bakit naman ha?" maangas na tanong ni Alas habang nakakross ang dalawang braso at nakataas ang isang kilay. "E kung isumbong kita kay Mister X" banta pa nito. Umiling si Yico at tinuro ang mata sabay dikit ng daliri sa kama. Gumuhit ito ng bilog at nilagyan ng mahabang buhok. Doon lang nila napagtanto na tao pala ang ginuguhit ni Yico. "Tao na may mahabang buhok?" tanong ni Charlie at mabilis na tumango si Yico. "Tao na may mahabang buhok?" paninigurado ni Gee at tumango ulit si Yico. Dahan dahang nawala ang kunot na noo ni Alas "Babae?" tanong nito at tumango si Yico "Nakakita ka ng babae?" "Totoo ba?" namanghang tanong ni Ken. "Hahaha!" napatingin ang lahat kay Alas ng bigla itong tumawa "Hoy, 'wag mo nga kaming idamay diyan sa kahibangan mo! Paano mag kakaroon ng babae dito?" Tumayo si Yico at nag lakad patungo sa kaliwang bahagi ng kwarto at tinuro ang direksyon na iyon. Nag tinginan ang lahat, sa tingin nila ay hinihintay nila kung sino ang susunod na mag sasalita. Kaunti nalang ay maniniwala na sila sa "sinasabi" ni Yico dahil madalang lang naman ito mag papansin. Wala naman sa itsura niya ang gagawa ng kwento dahil mapapagod lang siyang sumenyas. "May tiwala ako sayo Kuya" napatingin ang lahat kay Charlie "Mag kaisa tayo, kung gusto niyong makalabas dito. Huwag kayong iinum ng kapsula na ibibigay nila bago tayo matulog" "Alas" tawag ni Justin kaya tinaas nito ang isa niyang kilay "Makakaasa ba kaming walang makakaalam nito?" Tumingin si Alas kay Yico "Pag wala akong nakitang babae, humanda ka sakin" banta nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD