Chapter 6 Missed

1921 Words
Madaling araw palang ay lumabas na ng guard house si Jasmin at pinuntahan ang gate na nakita niya papunta sa kabilang building. Binuksan niya ang flashlight ng ballpen niya dahil hindi pa naman ganoon kaliwanag para makita niya ito. Makapad ang kandado at kadena nito at alam niyang hindi niya ito kayang sirain. Wala kaming laser, hutek paano 'to?' tanong niya sa isipan niya hanggang sa napahinto ito ng makarinig siya ng yapak. Iginala niya ang paningin niya sa kanyang likod ngunit wala itong nakita. "Haa..." Agad niyang nilingon ang nasa harap niya at bahagya itong napanganga ng makakita siya ng isang lalaking nakaupo sa lupa at bakas sa mukha niya ang takot. "Lumapit ka saakin" mariin niyang bulong hanang nakahawak siya sa rehas. Ngunit ang lalaki ay nakatulala lang sakanya at tumayo sabay takbo. "Huy saan ka pupunta?" tanong pa ni Jasmin ngunit hindi niya na mahagilap ang lalaki kaya napasuntok ito sa pader. "Nak ng pusa naman oh" bulong niya sa sarili, mas nag karoon pa siya ng motibo para makapunta sa kabilang building. Sa reaksyon palang ng lalaking nakita niya ay hindi na ito normal. Nanatili siya sa pwesto niya habang pinag aaralan ang mga nasisilip niya mula sa kabilang building, tumatak sa isip niya ang mukha ng lalaking nakita niyang takot na takot. Aminado siya sa sarili niyang ngayon lang siya nakakita ng ganung klaseng lalaki. "Anong ginagawa mo diyan?" Hindi si Venti 'to' sabi niya sa isip niya ng hindi makilala ang boses ng lalaking nag salita sa may gawing likod niya. "Meow meow..." usal ni Jasmin at yumuko, pasimple niyang tinignan ang wrist watch niya at nakahinga ng maluwag dahil nakita niyang alas siete na ng umaga. Lumingon ito sa lalaking nag salita. Tama ang hinala niyang hindi ito sa Venti, ito ang isang guwardya na nakatoka sa harap ng gate. "May nakita akong pusa... dito yun dumaan kanina e" pag papanggap niya at kunware pang tumingin sa paligid habang nag lalakad saka nilingon ulit ang guwardya "Nakita mo ba?" tanong nito. "Wala akong nakita" sagot ng guwardya. "Sabi ng walang pusa dito, bumalik ka na sa loob" biglang sulpot ni Venti na narinig amg usapan ng dalawa kaya mabilis itong rumisponde. "Basta may nakita ako" sagot ni Jasmin at tinalikuran ang totoong Guwardya saka nag lakad paalis. Nag tama ang paningin nila ni Venti pero iniwasan nila ang isa't isa. Pumasok sa loob si Jasmin at dumiretso sa banyo para suotin ang kanyang ear device, inipit niya ang kanyang mouth piece sa strap ng kanyang bra hanggang sa may sumagi sa isip niya. Hindi mawala sa isip niya ang lalaking nakita niya kanina. Kung ganun mga lalaki nga sa kabilang gusali, malakas ang kutob niyang hindi empleyado ang isang yun dahil natakot siya ng makakita siya ng isang empleyado. Lumabas siya ng cubicle at nagulat siya ng makakita siya ng babae sa harap ng salamin. Muka kasi siyang white lady sa suot niya, idagdag mo pa ang kutis niyang mas maputi pa sa balat ng bawang. Nakatingin ito sa kanya mula sa repleksyon. Gaya ng una nilang pag kikita ni Jasmin ay seryoso parin ang mukha nito ngunit madaldal ang kanyang mga mata. Humanay si Jasmin sakanya at sinindi ang faucet saka nag hugas, hindi parin mawala ang tingin sakanya ng babae kaya nakipag titigan narin ito mula sa repleksyon niya sa salamin. "Ilabas mo kami dito" Natigilan si Jasmin dahil sa sinabi ng babae. "Bakit?" tanong ni Jasmin Tumulo ang luha ng babae at inalis ang tingin sakanya. "Nakakasakal" tipid niyang sagot at pinunasan ang kanyang luha gamit ang isang kamay niya. "Anong pangalan mo?" "Ashley" sagot nito at walang paalam na lumabas ng banyo. Nang makalabas si Ashley ay napayukom ng kamao si Jasmin at tinignan ang sarili sa salamin. Gustong gusto niya ng malaman ang sikreto ng lugar kung nasaan sila ngayon, ngunit isang palaisipan ang pumasok sa isip niya. Mabilis siyang napatingin sa wrist watch niya at nakitang 7:23 palang ang oras. Mabilis siyang lumabas ng banyo at hinanap sa paligid si Ashley. Wala pang alas otso? Bakit naka labas na ang isang yun?' Samantala, si Ashley ay bumalik sa pag kakahiga matapos ng matapon ang kapsula na hindi niya ininom. Hanggang alas otso ng umaga ang talab ng gamot na pinapainom sakanila bago sila matulog. Napag alaman niya ang talab ng gamot na iyon nung aksidente niya itong naisuka sa banyo dahil sumama ang kanyang tiyan. Walang malay ang mga tulog na alas sais pa lamang ng gabi. Maaga pa para sa mga normal na tao ang ganoong oras ng pag tulog at para kay Ashley na hindi nakainom ng kapsula ay naranasan niyang maging isang normal na tao. Tao na hindi kayang matulog ng ganoong kaaga. Nilingon niya si Aiko na nasa tabing kama at kinalabit ito. "Aiko" mahina niyang tawag dito habang kinakalabit, ngunit hindi ito nagising. Niyugyog niya ang braso nito at nag alala dahil hindi parin nagigising ang kaibigan niya. Hanggang sa naalarma ito ng biglang mag bukas ang pinto, umayos siya ng higa at pumikit. Nag panggap siyang tulog dahil pinag babawal ang magising sa oras ng pag tulog. Ayon iyon sa tinatawag nilang 'Miss D'. "Ito" rinig niyang boses ng isang babae at nakarinig pa ito ng yapak ng takong "At ito" Matapos mag salita ng babae ay naramdaman nalang ni Ashley na may nag buhat sakanya. Nakaramdam ng matinding kaba si Ashley dahil wala siyang alam sa nangyayari o mangyayari pa lamang. Nang marinig niya ang pag sara ng pinto ay gusto niya ng imulat ang mga mata niya ngunit hindi niya ito magawa. Naramdaman niyang pababa sila ng hagdan, pinapakiramdaman niya lang ang mga nangyayari hanggang sa may marinig itong pag sara ng pinto. Maya maya pa ay naramdaman niyang inihiga siya. "Tawagin ang kliyente at makakalabas na kayo" rinig niyang utos ng boses babae. Narinig niyang nag sara ang pinto at padyak ng takon Biglang nag taasan ang balahibo niya ng maramdaman niya ang daliri na humaplos sakanyang mukha. "I love your doll face... But.." Nakaramdam ng hininga si Ashley mula sakanyang tenga "Having a doll face is a curse" bulong ng babae sakanya. "Good evening Miss D" nag bukas ang pinto. "Wow, they look so real, are you sure hindi sila manika?" "Good evening Miss Joy, Now pick" Manika? paano kami naging manika? Ito ang mga tanong ni Ashley sa mga oras na iyon. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Bakit kailangang pumili? Ito na ba ang sinasabi ni Miss D, na kapag mayroong magandang imahe ay mas malaki ang tsansang aampunin?. Hindi maipaliwanag ni Ashley ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil hindi siya napili at siya na lang ang ibinalik sa kwarto ng mga Class C. Simula ng mangyari iyon ay ginawa lahat ni Ashley upang mapunta siya sa Class A at nag tagumpay naman siya. Nang makarating siya ng Class A ay umasa siyang mapipili rin siya, na may mag "aampon" rin sakanya. Ngunit habang tumatagal ay nag sasawa na siyang mag hintay, ni hindi narin siya umiinom ng kapsulang pampawalang malay dahil sa pag hihintay ng aampon sakanya. Sabik na sabik siyang mapili, gusto niya ng makalayas sa lugar kung nasaan siya ngayon. Yun ay nung una, na hindi niya pa naiintindihan ang usapan ng narinig niya. May klase sila ng salitang Englis upang sa pag labas daw nila ay mas titingalain sila at mas rerespetuhin ng mga tao. Dahan dahan... Unti unting naintindihan ni Ashley kung ano ang mga sinabi ng dalawang nag usap at mas lalo siyang naguluhan. "They look so real, are you sure hindi sila manika?" paulit ulit itong tumatatak sa isipan ni Ashley. Nakaramdam siya ng parang may mali. Totoong tao sila ngunit bakit ang sabi ni Miss Joy ay para silang totoo? na hindi sila manika?. Ginawa na ring subject ni Ashley ang pag intindi sa mga katagang "Having a doll face is a curse". Paano naging sumpa ang pagkakaroon ng mala manikang mukha?. Kahit pilit na isipin ni Ashley ang mga nangyari nung gabing iyon ay hindi niya maintindihan. Ang alam niya lang ay gusto niya ng makalabas, ngunit paano siya makakalabas kung wala ng nag bubuhat sakanya sa oras ng pag tulog. Habang nasa pilahan si Ashley ay nag tama ang paningin nila ni Jasmin. "Ngiti" sita sakanya ng isang empleyado na parang isang robot kung mag salita dahil sa monotone ito. Tipid na ngumiti si Ashley at ibinalik ang tingin kay Jasmin. Si Jasmin naman ay na kay Ashley lang ang tingin hanggang sa makapasok sila ng canteen. "Luna, kausapin natin mamaya si Jamie" bulong ni Gab kay Luna. "Sinong Jamie?" takang tanong ni Aiko. "Bagong mukha sshhh" tinapat ni Luna ang hintuturo niya sa labi at tumango naman si Aiko. "Naiiba siya sa lahat, pwede siyang makausap" dugtong pa ni Luna. "Gusto ko rin siyang makausap, mabuti ba siyang tao?" nakangiting bulong ni Aiko. "Oo, nakakausap nga diba?" pamimilosopo naman ni Gab sakanya at inirapan siya ni Aiko. "Ashley" tawag ni Aiko sa katabi niyang kumakain. "Sama tayo sakanila" "Hindi ba kayo nag iisip?" seryosong tanong ni Ashley at nawala ang ngiti ng tatlo. "Kung marami kayong makikipag usap sakanya, may makakahalata sainyo alam niyo namang bawal ang makipag usap sa mga empleyado" malamig na dugtong ni Ashley at itinuloy ang pag kain. "Ito kasi e" paninisi ni Aiko kay Gab. "Bakit ako?" takang tanong naman ni Gab sabay hawak sa dibdib niya. "Huwag ka ngang masungit diyan Ashley... sige ka baka mabalik ka sa Class C---' *Pag!* Nag sitinginan ang lahat kay Ashley dahil hinampas niya ng malakas ang mesa, si Luna naman ay napalunok at nahinto sa pag sasalita. "Manahimik!" sigaw ng isang empleyado. Matalim ang tingin ni Ashley kay Luna kaya sa takot ni Luna ay niyuko nito ang kanyang ulo. Bumalik si Ashley sa pag kain na parang walang nangyari. Sa Class A ay siya ang pinaka kinakatakutan ng lahat dahil may kakaiba itong karakteridad. Natatakpan ng nakakatakot na awra ang kanyang intensyon na ayaw niyang mapahamak ang ilan sakanila. Nang makabalik sila sa kanilang kwarto ay nag bubulungan sina Gab at Luna kung sino ang unang kakausap kay Ashley. Nakatingin sila kay Ashley na naka upo sakanyang kama habang nakatingin sa kawalan. "Hoy Ashley" may mataray na nag tawag. Tumayo ang babaeng ito at nag punta sa harap ng tulalang si Ashley. "Akala mo kung sino ka para gumawa ng ganung eksena, baka nakakalimutan mong baguhan ka lang dito sa class a" Sa dami ng sinabi ng babae ay walang ni isang sagot si Ashley at nakatingin parin sa kawalan kaya nainis ang babaeng humamon sakanya at hinawakan siya sa kwelyo, doon niya nakuha ang atensyon ni Ashley. "Kinakausap kita" mariin na sabi ng babae "Sumagot ka!" Naalarma ang ilan sakanila ng mag taas ng boses ang babae. "Ano bang pwede kong isagot doon?" hinawakan niya ang kamay ng babae na nakahawak sa kwelyo niya "Bitawan mo ako kung ayaw mong malaglag dito" banta niya at ngumisi ang babae. "E kung dungisan ko yang mukha---aahh!!" napasigaw ang babae at napabitaw ng suntukin siya ni Ashley sa lalamunan. Matapos makasuntok ni Ashley ay bumalik siya sa pag kakaupo na parang walang nangyari. Umingay ang buong kwarto dahil sa sensor na nakakadetect ng ingay. "Ashley, bakit mo yun ginawa?" nag aalalang tanong ni Aiko. "Parurusahan ka" nag aalala ring tugon ni Luna. Sabay silang napatingin sa nag bukas ng pinto at napatingin din doon si Ashley sabay ngisi. "Anong... nangyayari dito?" tanong ni Jasmin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD