Chapter 7 Meet

1796 Words
Hawak hawak ni Jasmin ang kamay ni Ashley habang naka blindfold ito ng itim na tela. "May alam ka na ba sa magiging parusa?" mahinang tanong ni Ashley. "May nabasa akong manual, sa tingin ko hindi parusa ang dating sayo nito" sagot naman ni Jasmin at nag salubong ang kilay ni Ashley. Pinindot ni Jasmin ang 4rth floor at umandar ang elevator. Planado ang lahat ni Ashley bago pa niya suntukin sa lalamunan yung babaeng kasamahan nila sa Class A. Alam niyang may kahina hinala kay Jasmin at sa sinabi niya nung nasa banyo sila ay alam niyang hindi na siya ay mag iiba na ang tingin sakanya ni Jasmin. Sandali pa ay nag taasan ang balahibo ni Ashley ng makaramdam siya ng panlalamig. Hindi lang basta malamig kundi malakas na hangin. Binitawan niya ang kamay nito at nakarinig nalang siya ng tunog ng kalansing ng bakal. "Pasensya kailangan ko muna itong gawin, baka may makakita saatin" "Nasan ako?" takang tanong ni Ashley. "Ganito pala ang parusa dito, ang manginig kayo sa lamig hehe" mahinang natawa si Jasmin at nag punta sa bandang likuran ni Ashley. Nilusot niya ang kamay niya sa pagitan ng bakal na rehas saka inalis ang tali sa mata ni Ashley. "Nandito ka sa rooftop" "Roof---" nahinto sa pananalita si Ashley at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang kanyang paligid. Walang bubong ang kulungan kung kaya't nakita niya ang bituin at buwan sa langit. Ito ang parusa sa pakikipag away sa kapwa ang mabilad sa lamig ngunit hindi nila alam kung nasaan sila dahil nakatakip ang kanilang mga mata. Hindi sila pwedeng ibilad sa init ng araw dahil iitim sila, masama yun sa balat. Ang parudang mararamdaman lang nila ay manginginig sila sa lamig, yun lamang. Hindi sila namimisikal dahil pinapangalagaan nila ang balat ng mga babae. "Ito ba.... ang.. langit?" nangilid ang luha ni Ashley at bahagyang napangiti habang nakatingala sa kalawakan. "Ang ganda" Napailing si Jasmin sa nakikita niya, hinayaan niya munang mag enjoy si Ashley sa mga nakikita niya bago ito umeksena. Nasa pinto ang tingin niya dahil baka may pumasok. Nag lakad siya papunta dito at ini-lock. "Ashley" tawag niya dito ng makalapit siya sa kulungan, ibinaling sakanya ang tingin ni Ashley "Anong nalalaman mo sa lugar na 'to? sabihin mo saakin lahat" "Bakit? Empleyado ka dito, wala kang alam?" takang tanong ni Ashley "Makinig ka sakin... Hindi ako totoong empleyado dito, alagad ako ng batas. Secret agent, alam mo ba kung ano yun?" tanong ni Jasmin at umiling si Ashley. "Ganito, sabihin mo saakin ang lahat ng nalalaman mo pag katapos nun pakakawalan ko kayo dito" Mabilis na hinawakan ni Ashley ang kamay ni Jasmin. "Wala akong alam pero may ik-kwento ako". Iminulat ni Yico ang kanyang mata at bumangon saka niyugyog ang braso ni Charlie kaya nagising ito agad. Itinapat ni Yico ang hintuturo niya sakanyang labi at tumango naman si Charlie. Nag tulungan silang gisingin ang lima pa nilang kasamahan. Nag kasundo silang lahat na idura ang mga kapsula na pinainom sakanila. Kinuha nilang lahat ito sa ilalim ng kanilang kama. Bakit nila kailangang iligpit ito? Dahil sa oras ng kanilang almusal at wala sila sakanilang kwarto ay nililinis ng mga empleyado ang kanilang higaan. Nang magising na ang lahat ay dahan dahan silang nag lakad patungo sa pinto. Pinamunuan ni Yico ang planong ito, dahil siya lang naman ang nakakaalam sa daan palabas. Siya lang ang nag lakas loob na sumubok nito at nag tagumpay. Binuksan ni Yico ang pinto ng dahan dahan saka naunang lumabas, sumunod naman ang mga kasamahan niya. Gaya ng ginawa nilang plano ibinigay nilang lahat ang kapsula kay Justin at siya ang pumasok sa loob ng banyo. Prinisinta niya ang sarili niya na mabilis siya sa pag takbo kaya siya ang may toka dito. Nang makapasok siya sa Banyo ay nag lakad na ang anim na lalaki, nasa unahan si Yico. Si Khal El at Ken naman ang may toka sa pagiging look out. Si Charlie at Alas ang makikipag laban sa kung sinong haharang sakanila. Si Gee ang iintindi sa mga direksyon ni Yico. Nang makalabas ng banyo si Justin ay hinabol niya ang mga kasamahan niya. Nakasunod lang silang lahat kay Yico na ngayon ay papunta na sa Canteen. Tila ba lumakas ang loob ni Yico sa pangalawang pag kakataon na gagawin niya ito dahil mayroon na siyang mga kasama. Maingat niyang binuksan ang pinto at nahinto sila ng makarinig sila ng yapak ng sapatos. Mariing tinulak ni Ken si Charlie na nasa harap niya senyales na bilisan nilang kumilos. Isinara ni Khal El ang pinto ng makapasok silang lahat. Ngunit hindi dito natatapos ang problema nila nang sa pag lalakad nila patungo sa pinto ay nakakita sila ng tao mula sa bintana nito kaya mabilis silang nag sitago. Si Charlie ay nag tago sa likod ng pinto. Si Alas naman ay sa madadaanan ng lalaking mag bubukas ng pinto. Nag tago kung saan ang lima. Nang mabuksan ng isang guwardya ang pinto ang nasa likod niyang si Alas ay binatukan siya, sa lakas ng pag kabatok sakanya ay walang imik itong nawalan ng malay. Wala na tuloy nagawa si Charlie dahil tinapos na ni Alas ang toka nilang dalawa. Lumabas si Gee sa pinag tataguan niya ganun din ang iba pa nilang kasama, si Alas ang unang lumabas ngunit hinintay niya si Yico na siyang maunang mag lakad, wala siyang alam sa daan. Pinag patuloy nila ang pag sunod kay Yico. Hanggang sa makarating sila sa hagdan pababa. Namangha ang lahat kay Yico, paano siya nakalabas ng siya lang? Paano niya napag aralan ang daan?. Sa pag baba ng hagdan ay maingat parin sila dahil baka makagawa sila ng ingay at mag kagulo dahil sa sensor na nakalagay sa buong paligid. Hinawakan ni Yico ang kamay ni Charlie na nasa tabi niya. Sabik na sabik si Yico na makita ni Charlie kung ano ang nakita niya sa labas. Si Justin naman ay humawak kay Alas dahil pakiramdam niya ay ligtas siya pag kadikit niya ito. Nang makarating sila sa unang palapag ay dito na sila nakaramdam ng matinding kaba. Walang silang alam kung ano ang mayroon sa palapag na ito. Hanggang sa mapangiti si Yico at hinila si Charlie ng makita na niya ang pinto. Nag sitakbuhan ang limang kasama pa nila ng makita nilang tumakbo si Yico. Binuksan ni Yico ang pinto at sinalubong siya ng malakas na hangin mula sa labas. Nagawa ulit niya, pero ngayon ay may kasama na siya. Napanganga sa pag kamangha ang lahat ng makaapak sila sa magaspang na tekstura ng lupa. Nag sipulot sila ng mga tuyong dahon at parang mga bata na nakatitig dito. Tinuro ni Yico ang kalawakan at doon tumingin ang mga kasama niya. "Ang gan---" nahinto sa pananalita si Khal El ng takpan ni Ken ang bunganga niya. Sinunod nilang lahat si Yico sa pag lalakad nito. Patungo si Yico sa gawi kung saan siya nakakita ng babae. Sa may bakal na rehas. Ngunit ang inaasahan nilang makita ay hindi nag pakita. Isang lalaking gaya nila ang nakita nilang nakatayo sa harap ng rehas. Dahil wala namang bago sa nakita nilang tao ay napabagsak ang dalawang balikat ni Yico. Lagot siya kay Alas. "Ano sa tingin mo?" tanong ni Ashley kay Jasmin matapos niyang ikwento ang mga nalalaman niya. Nakaupo silang dalawa habang mag kaharap, nakita ni Jasmin na bakas sa mukha ni Ashley ang takot. Kahit nadagdagan ang impormasyon niya ay kulang parin ito dahil wala paring ibedensya sa hinala niya. "Gusto nilang maging malinis kayo, mag karoon ng magandang imahe. Pero para sakanila, isa itong sumpa?" napasinghal si Jasmin, napakagat ito sa bandang ibabang labi. "Bakit kailangang mawalan kayo ng malay bago niyo makilala ang aampon sainyo?" "Muka raw kaming totoo? nag taka pa siya kung manika daw ba talaga kami" dagdag pa ni Ashley. "Mag pahinga ka na, babantayan kita" utos ni Jasmin at tumango naman si Ashley saka tinali sa mata niya ang tela. Ang mga empleyadong magbabantay sa mga nakakatanggap ng parusa ay pumapasok sa loob at babalikan ang naparusahan sa pag sapit ng alas singko ng madaling araw. Ngunit si Jasmin ay hindi pumasok, wala naman kasi siyang tutulugan sa loob ng gusali. Sa guard house ang tulugan niya. Nang mapagod na si Jasmin sa pag aanalisa sa mga sinabi ni Ashley ay nakaramdam na rin siya ng antok kung kaya't natulog ito sa isang sulok. Sa kalagitnaan ng pag tulog niya ay naramdaman niyang tumunog ang suot niyang ear device. "Dumungaw ka" sabi ni Venti sa kabilang linya "Lalaki nga ang mga nasa kabilang building, pitong lalaki ang kaharap ko ngayon" Ura-uradang napatayo si Jasmin ng marinig si Venti, mabilis itong nag punta sa dulo ng rooftop at dumungaw sa gawing kanan. Bahagyang napaawang ang bibig nito ng makita niya nga ang mga lalaking nakatayo sa harap ni Venti. Kahit maliit sila sa paningin ni Jasmin ay kita parin niya ang mga lalaking nakaputi. Nakita niya ang isang lalaki na tila ba tinuro siya kaya nag si-angat ang mga ulo nilang lahat sakanya. "Jusko" bulong ni Jasmin sa sarili niya at nakaramdam ng pangingilabot, hindi niya alam kung bakit siya naluluha. Kung mga lalaki nga ang mga nasa kabilang gusali ay may tsansang nandito rin ang kapatid niyang lalaki. Tumulo ang luha niya at bahagyang napangiti. "Jamie, nandiyan ka ba? Naririnig mo ba ako?" sabi ni Venti sa kabilang linya kaya mabilis na in-on ni Jasmin ang mouth piece niya. "Tanungin mo kung anong pangalan nilang lahat, sabihin mo sakanila na mag tiwala sila sayo" mabilis na sagot ni Jasmin. "Tapos na, ayos ka lang?" "May Peter ba?" tanong nito. Alam ni Jasmin na may nakaburdang pangalan ni Peter sa damit nito ng kunin siya kaya umaasa siyang iyon parin ang pangalang gamit ng kapatid niya kahit malabo na ito. "Gee, Charlie, Yico, Khal El, Alas, Justin at Ken" Tumango si Jasmin at napansin niya ang mga lalaking nag takbuhan paalis kaya sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makakaliwa silang lahat at nawala na sa paningin ni Jasmin. "Bababa ako diyan mamaya" usal ni Jasmin at wala sa sariling napaupo saka niya pinatay ang mouth piece. Tila ba nag karoon ito ng emotional breakdown ng maalala niya ang kapatid niyang lalaki. Napahikbi siya at niyuko ang ulo. Naalala niya ang oras na wala siyang nagawa habang hawak hawak ng mga kawatan ang lalaking kapatid niya at isinakay sa sasakyan. "Jamie?" napatingin siya kay Ashley ng bigla itong mag salita. Nag punas siya ng luha at inayos ang sarili bago tumayo. Lumapit siya sa kinaroroonan ng nakapiring na si Ashley. "Ashley, makinig ka sakin. Sundin mo lahat ng i-uutos ko" paninimula ni Jasmin at mabilis na tumango si Jasmin. 'Lahat gagawin ko, mahanap lang kita'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD