Chapter 8 Act

1719 Words
"Anong mga pangalan niyo?" tanong ni Venti ng makaharap niya ang pitong lalaki. "Bakit namin sasabihin sayo?" maangas na tanong ni Alas. "Walang makakaalam nito, mag tiwala kayo sakin" pangungumbinsi ni Venti sakanila. Gusto man niyang sabihin na nanganganib sila sa lugar kung nasaan sila ngayon hindi niya ito pwedeng sabihin, hindi rin niya pwedeng sabihin na isa siyang Agent dahil baka makaapekto ito sa plano nila. "Gee ang pangalan ko, siya si Yico, Charlie, Khal El, Alas, Ken at siya si Justin" pag papakilala sakanila ni Gee. Habang nag uusap sila ay hindi pinakinggan ni Charlie ang mga pinag sasabi nila dahil nasa kalawakan ang tingin niya. "Dumungaw ka" rinig niyang sabi ni Venti. Habang nasa taas ang tingin ni Charlie ay naitama niya ang paningin sa taas ng kabilang gusali napanganga sabay napangiti ito ng makakita siya ng nilalang mula sa taas. "Tao" usal nito at itinuro ang rooftop mula sa kabilang gusali. Napatingin naman sakanya ang mga kasama niya at tinignan ang direksyon ng itinuro nito. "Eeh.." imik ni Yico ng mapagtanto siya ang nakita niyang babae. "Isang... Babae" namanghang sabi ni Gee at napangiti. Kahit hindi nila malapitan ang nakita nilang Babae ay natutuwa parin sila. Ito ang unang pag kakataon na makakakita sila ng isang Babae maliban kay Yico. "Kailangan na nating umalis" tugon ni Khal El "Baka may makakita saatin" dagdag pa nito. "Mag ingat kayo" sagot ni Venti at tumango naman si Gee. Tahimik ang mga kabataang kumakain lalo na ang mga nasa Class A. Kinakabahan sila ngayon dahil baka nakilala sila ng isang guwardya na binatukan ni Alas kagabi. "Mag sitayo ang lahat!" isang malakas na boses ng lalaki ang narinig nila at otomatiko silang nag sitayuan dahil pamilyar sakanila ang boses na ito. "Magandang umaga---" *Pag!* nahinto ang pag bati ng lahat ng makarinig sila ng pag bagsak. Ang upuan na inihagis ay nakarating sa tapat ng mga class a na nasa dulo. Mula sa pag kakayuko ni Justin ay nanlaki ang mata niya sabay tingin sa mga kasamahan niya. Napansin niyang nanginginig ang kamay ni Yico habang malakas ang pag hinga. "Sinong nagising sa oras ng pag tulog!?" Halos malaglag ang puso ni Ken sa kaba dahil sa narinig niyang nakakatakot na boses. "Isang guwardya ang naabutan na walang malay dito mismo" palakas ng palakas ang boses na naririnig ni Gee at napagtanto niyang palapit sa gawi nila ang tinatawag nilang si Mister X. "Sino ang may gawa nun?" Nakakabinging katahimikan ang naghari sa buong sulok ng canteen. Walang ni Isang umimik. Ang mga nasa class a naman na siyang salarin ay hindi makagalaw sakanilang posisyon. Hindi mapigilan ni Yico ang pag nginig ng kanyang kamay, lumabas ang mga butil ng pawis sa noo ni Khal El, si Ken ay halos maatake na sa puso sa sobrang kaba, si Charlie ay nakakagat sa pang ibabang labi niya, si Justin naman ay pasikretong sinisilip ang mga kasamahan niya, si Gee pinapakiramdaman si Mister X na nasa gawing harap niya. Habang kabang kaba ang lahat si Alas na siyang namatok sa guwardya ay nananatiling kalmado. Alam niyang hindi siya ilalaglag ng mga kasama niya dahil sa oras na mangyari yun ay lahat sila mapaparusahan din. "Walang aamin?" tanong ni Mister X "Dakpin ang lalaking ito" napaangat ang tingin ni Gee ng makita niyang itinuro ni Mister X si Charlie na nakatalikod sakanya. Nanlaki ang mata ni Charlie ng hawakan siya ng dalawang guwardya "B-bakit ako?" natatakot nitong tanong at lumabas ang luha sakanyang mata. "W-wala akong alam" Nagtama ang paningin nila Gee at Mister X kaya agad na niyuko ni Gee ang kanyang ulo. "Pati ang isang 'to! Ito pa, at ang lalaking ito" kumuha siya ng tig iisang lalaki sa bawat class. "Wala akong alam!" pag mamakaawa ni Charlie habang nilalabas siya ng canteen. "Mapaparusahan ang mga lalaking iyon hangga't walang umaamin sainyo!" banta ni Mister X at nag lakad palabas ng Canteen. Isang patak ng luha ang tumulo sa mga mata ni Yico habang nakayuko. Si Alas naman ay napayukom ng kamao. "Bakit si Charlie pa" usal ni Gee ng makapasok sila sakanilang kwarto. Tahimik na nakaupo ang lahat. "Bakit kasi hindi mo nalang inamin Alas?" tanong ni Justin habang masama ang tingin kay Alas. "Mas kaya mo naman siguro yung parusang ibibigay nila--" "Wala akong kasalanan... Sino bang nag aya saatin na lumabas?" tinuro niya ang nananahimik na si Yico "Siya ang dapat sisihin dito" Napatingin ang lahat kay Yico at tumayo ito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Gee at hinarangan niya si Yico na akmang lalabas. Inalis ni Yico ang kamay ni Gee at nag dire-diretso sa pag labas. Mabilis na lumapit si Justin kay Alas at mariin niya itong kwenelyuhan "Bakit kailangan mong isisi sakanya!? Ginusto mo rin naman ah!--" Napatingin ang lahat sa tumunog na bell. "Wag na kayong maingay!" sigaw ni Khal El habang tinatakpan ang kanyang tenga. Bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang guwardya. Kaya nag sibalikan ang mga lalaki sa kani-kanilang kama. "Sino ang gumawa ng ingay?" tanong nito. "Alam ko kung sinong nagising sa oras ng pag tulog, sinabi niya saakin" usal ni Alas at nanlaki ang mata ni Gee ng ituro siya nito. "Alas!" sigaw ni Gee at naramdaman niyang hinawakan siya ng guwardya. Nang mailabas si Gee ay umintig ang panga ni Alas at tumingin sa mga kasama niya saka ito ngumisi. "Mas mabuti ng sila ang maparusahan, sa susunod na lalabas tayo ng palihim kakailanganin niyo ako. Magtiwala kayo sakin" Matalim ang tingin ng tatlong kasamahan niya sakanya dahil wala silang alam kung anong ginagawa ni Alas. Dalawa ang napahamak dahil sa kagagawan niya. Hindi naman nila masisi si Alas dahil nagawa niya lang naman ang ginawa niya para hindi sila mahuli. Nang maisapsok si Gee sa opisina ni Mister X ay naabutan niya sina Yico at Charlie na nakatayo habang nakayuko ang ulo. Ibinaling ni Charlie ang tingin sa pumasok. "Yuko!" utos sakanya ni Mister X at sa gulat niya ay napayuko nalang din siya. Humanay sakanila si Gee at niyuko din ang ulo. "Kung may isang aamin sainyo, pakakawalan ko ang dalawa. Umamin na ang salarin kung ayaw niyong tatlo kayong makakatanggap ng parusa" banta saka nila ngunit walang ni isang umimik sakanila. Hanggang sa... Itinaas ni Yico ang kanang kamay kaya nanlaki ang mata nina Charlie at Gee habang nakatingin sakanya. Alam nila kung sino ang salarin ngunit nabibigla sila ng akuhin ni Yico ang kasalanan nilang lahat. Pero sa loob ni Yico ay planado niya ito. Pag napalabas na siya ang salarin ay hindi ito makakapag salita kahit pa paaminin pa siya ng kung ano ano. Pipi siya kaya hindi niya masasabi kung anong nangyari sa gabing iyon. Mas mabuti ng siya ang maparusahan kaysa sa nga itinuturing niyang kaibigan na sina Gee at Charlie. Walang paalam na hinawakan ng mga guwardya sina Charlie at Gee. "Yico" nag aalalang tugon ni Gee habang nakatingin kay Yico na nakayuko lang. "Kuya Yico.." mangiyak iyak na pahabol naman ni Charlie bago sila tuluyang makalabas. Natahimik ang buong paligid ng si Yico at Mister X nalang ang natitira sa loob ng opisina. Alam ni Mister X ang kundisyon ni Yico kaya labis itong naiirita dahil hindi niya malalaman ang motibo ni Yico kung bakit niya iyon nagawa. "Nagising ka sa oras ng pag tulog?" tanong ni Mister X at tumango si Yico "Paano?" Mabilis itong gumamit ng sign language para lituhin si Mister X at walang maintindihan. "Uminom ka ng kapsula bago matulog?" seryosong tanong sakanya at napalunok siya saka tumango. "Niloloko mo ba ako?" tanong ulit sakanya at umiling si Yico. Dahil hindi niya maintindihan si Yico ay nag tawag siya ng guwardya para paalisin sa harap niya si Yico. Napapikit si Yico ng piniringan siya sa mata, lumabas na ang kanyang luha sa sobrang kaba dahil hindi niya alam kung ano ng mangyayari sakanya. Ipinasok siya sa isang kulungan at nag tagal doon ng anim na oras saka ulit siya inalis sa kulungan. Nakapiring parin siya habang hawak hawak ang dalawang kamay niya sa likod. Nakaramdam siya ng hilo ng maisakay siya sa elevator paakyat. Hanggang sa nakaramdam nalang siya ng malakas na hangin. "Pasensya na" mabilis na tugon ni Ashley ng sadya niyang banggain ang tulak tulak na cart ni Jasmin. Doon na nila ginawa ang isang plano. Pasimpleng pumuslit ng limang kapsula si Jasmin. Ito ang naisip niyang plano para makapuslit ng mga kapsula. Hindi niya pwedeng gawin ang pag puslit nalang ng basta basta dahil sa dami ng nag lilibot na empleyado ay baka mahuli siya. Matapos tulungan ni Ashley maligpit ang mga nag kalat na bote ng gamot ay pasimple silang nag katinginan at itinaas ni Jasmin ang kanyang isang kilay. Wala pa mang alas siete ng gabi ay tumakas na palabas si Jasmin ng gusali at mabilis na nag tungo sa guard house. Nilabas niya ang kapsula na naipuslit niya sakanyang bulsa at nilagay ang pulbura nito sa tubig na ipinuslit rin niya sa loob. "Ipainom mo ito sa guard na nasa entrance" inabot ni Jasmin ang isang baso ng tubig kay Venti. Hindi na nag tanong pa si Venti at kaagad niya itong kinuha. "Akin na ang laser" sabay dagdag ni Jasmin. Inayos ni Venti ang kanyang ngiti habang nag lalakad patungo sa entrance. Naabutan niya doon ang guard na nakaupo habang tulog. Dahil sa hindi niya ito mapainom ay nag tungo siya sa guard house nito at hinanap ang boteng inuman ng guard. Wala siyang pinalagpas na isang segundong hindi pag galaw. Puno ang laman ng bote kaya ininom niya ang kalahit nito saka binuhos doon ang tubig na ibinigay ni Jasmin. "Anong ginagawa mo dito?" Napalunok siya ng marinig niyang may nag salitang lalaki sa likod niya. Naabutang nakabukas ang tumbler. "Anong ginagawa mo diyan sa inumin ko?" tanong ulit ng guard. "Pasensya na boss" kinuha ni Venti ang kanyang baso na wala ng laman na tubig sabay harap sa guard "Naubusan kasi ako ng tubig, makikiinom lang sana" palusot ni Venti "Tulog ka kasi boss e.. Hehe dibale nalang mukhang ayaw niyo" paalam ni Venti at lumabas ito ng guard house. Napabuga siya ng hangin at nakahinga ng maluwag. Bakit ba ako nag papautos sa babaeng 'yon!?' reklamok niya sa isip niya ng mapagtanto niyang mabilis niyang nasusunod ang mga utos sakanya ni Jasmin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD