Chapter 9 Risk

1654 Words
"Wala ng malay" balita ni Venti habang papalapit kay Jasmin na nasa tapat ng gate. "Ako na" hinablot niya ang laser na hawak ni Jasmin at tumabi naman ang dalaga. Abala na si Venti sa pag bukas ng gate ng bigla silang nahinto ng makarinig sila ng kaluskos. Mabilis na pinatay ni Venti ang laser hanggang sa makita nila ang isang lalaki na dumating mula sa kabilang gusali. "Anong ginagawa niyo?" tanong nito Base sa suot ng lalaki ay napag alaman ni Jasmin na isa sa mga "istudyante" ang lalaki. "Ikaw yung isang lalaking nakalabas diba?" tanong ni Venti "Anong ginagawa niyo?" pag babalik ng tanong ni Alas sa dalawang taong nakita niya. Ibinaling niya ang tingin kay Jasmin at napag alaman niyang babae ito. "Ikaw lang ba ang nakalabas?" tanong ni Venti na tila ba nag babatuhan sila ng tanong. "Ako lang, sino ba talaga kayo? Anong meron sa gusaling iyan?" tinuro niya si Jasmin "Paano nag karoon ng babae dito?" "Ituloy mo" utos ni Jasmin at sumunod naman si Venti saka niya ibinaling ang tingin kay Alas "Mag tiwala ka samin, misyon naming ilabas kayo dito" "Bakit?" takang tanong ni Alas. Sandaling natahimik si Rio "Wala pa akong pwedeng sabihin sayo, wala pa kaming napapatunayan" "Kung ganun... Bakit niyo kami ilalabas dito?" "Tapos na" bulong ni Venti Dahan dahan niyang inalis ang kandado para hindi makagawa ng ingay hanggang sa buksan nila ang gate. Nakatingin lang sakanila si Alas na nag tataka sa mga nangyayari. Mabilis na hinawakan ni Jasmin ang kamay ni Alas at hinila ito. "'Wag kang gagawa ng ingay" Hinila niya ito hanggang sa makapasok sila sa guard house. Si Venti naman ay binantayan ang gate para masiguradong walang makakakita nito. Alam niyang kailangan ding makabalik sa tamang oras ni Alas, dahil kung hindi ay malalaman ng mga guawardya na kulang sila. Mag kakagulo pag nagkataon. Pinapanuod lang ni Alas si Jasmin habang may iginuguhit ito sa isang papel. "Ano yan?" tanong ni Alas "Mapa" tipid na sagot ni Jasmin. Kada umaga pag kagising niya ay pinag kukumpara niya ang dalawang gusali. Sa haba, laki, kung ilang palapag at wala itong pag kakaiba kaya nag karoon siya ng ideya sa isipan niya. "Sabihin mo nga sakin, nasa pang ilang palapag kayo?" tanong ni Jasmin habang nakatingin sa iginuguhit niya. "Pangatlo" Tumango si Jasmin at tama ang hinala niya "Class a?" tanong ulit niya sabay tingin kay Alas. "Paano mo nalaman?" takang tanong nito. Hindi na sumagot si Jasmin at nag patuloy gumawa ng mapa. Mula sa pangatlong palapag hanggang sa pangalawang palapag kung saan hinala niyang doon din nakapwesto ang minamanmanan niyang Restricted area. Habang abala si Jasmin ay nakatitig naman si Alas sa mukha ng babae. Hindi man niya pinapakitang namamangha ito pero sa loob loob niya.... Ganito pala ang babae? Mahaba ang buhok, tapos maumbok ang dibdib. Bakit kaya?' "pwede ba akong mag tanong?" "Hm?" "Bakit maumbok yan---" nahinto si Alas ng akma niyang hahawakan ang dibdib ni Jasmin. Napayakap si Jasmin sa sarili niya sa gulat "Papisil--" "Gago" inis na sagot ni Jasmin "Pribadong parte ito ng mga babae, hindi dapat hinahawakan o tinititigan" panenermon ni Jasmin at tumango naman si Alas. "Ganun ba yun" sagot ni Alas "Oh" iniabot ni Jasmin ang maliit na mapa kay Alas "Gusto kong puntahan mo yan, habang iniimbistigahan ko itong isang building. Mag ingat ka" "Ano ba 'to?" kunot noong tanong ni Alas habang tinitignan ang mapa. "Mapa, papunta sa lugar na iniimbistihan ko. Kumuha ka ng kahit na anong bagay na kahina-hinala. Maliwanag?" Inilapag ni Alas ang mapa sa mesa "Bakit naman kita susundin?" pag tataray ni Alas saka tumayo. "Duwag ka?" taas kilay na tanong ni Jasmin at kinuha ang mapa saka tumayo. "Duwag ka lang e, hindi mo kaya" pang iinsulto pa ni Jasmin hanggang sa nahinto ito ng hablutin ni Alas ang papel. Akmang lalabas na sana si Alas ng biglang mag bukas ang pinto kaya napaatras ito. Nanlaki naman ang mata ni Jasmin dahil sa taong nakita niya. "Ashley" usal nito pero imbes na siya ang tignan nito ay dumiretso ang tingin niya kay Alas. Pareho silang nag tinginan mula ulo hanggang paa. Bahagyang napanganga si Alas dahil sa isa pang babae na nakita niya. "Ilan kayong babae dito?" wala sa sariling natanong ni Alas. "La.....laki" wala sa sariling nasabi ni Ashley habang nakatingin kay Alas. "Paano ka nakalabas?" nag aalalang tanong ni Jasmin kaya ibinaling ang tingin sakanya ni Ashley. "Nag lakas loob. Kahit naman sino pwedeng makalabas, kung hindi lang sila nag bubulag bulagan" seryosong sagot ni Ashley at ibinalik ulit ang tingin kay Alas na ngayon ay hindi makagalaw sa pwesto niya habang nakatitig parin sakanya. "Ak-ako si... Alas" wala sariling nasabi ni Alas kaya napataas ng isang kilay si Jasmin. "Alas, kung sa gusali niyo ay puro kayo lalaki, dito naman sa kabilang gusali lahat sila babae. Maraming babae" idiniin ni Jasmin ang huling linya niya. Pag 'to lumaki sa labas, pakboy 'to' Inalis ni Ashley ang tingin kay Alas at hindi man lang ito sinagot. Ibinaling niya ang tingin kay Jasmin. "Bakit hindi mo nalang kami ilabas dito?" "Hindi pwede. Malinis ko kayong ilalabas dito. Sa ayaw at sa gusto niyo kailangan niyong bumalik. Pag nalaman nilang kulang ang bilang niyo" umiling si Jasmin "Lahat tayo dito mapapahamak" "Ayoko ng bumalik sa loob" pag mamakaawa ni Ashley at hinawakan niya ang kamay ni Jasmin. Tumingin si Jasmin kay Alas "Kung gagawin mo ang inuutos ko. Makakalabas kayo dito. Ibedensya nalang ang kulang" pag mamakaawa ni Jasmin. "Anong iuutos mo sakanya? Ako nalang, ako nalang ang gagawa--" "Gagawin ko" nahinto si Ashley sa pag sasalita ng biglang mag salita si Alas "P-para sayo" Luh, kadiri' sabi ni Jasmin sa utak niya Bago mag liwanag ay pinabalik na ni Jasmin ang dalawa. Si Venti naman ay ibinalik ang kandado sa gate at itinago ang hiwa nito. Bumalik na rin si Jasmin sa loob upang gampanan ang pag papanggap niya. "Kuya Yico!" sinalubong ni Charlie ng yakap si Yico ng makapasok ito sa loob ng kanilang silid. Napatingin ang lahat sa gawi nila. Kinamusta ng lahat si Yico maliban kay Alas na nakaupo lang sa kanyang kama habang may malalim na iniisip. Nakaipit ang mapang ibinigay sakanya sa pajama niya. Hindi niya masigurado sa isipan niyang kung susundin ba niya si Jasmin dahil baka ikapahamak niya ito. Dahil likas sa ugali niya ang pagiging makasarili ay ayaw niyang mapahamak ang sarili niya pero gusto niyang mag mukhang matapang. Ngunit sa pag iisip niya ay biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Ashley kaya naman ang seryosong si Alas ay dahan dahang napangiti. Sa di niya malaman na dahilan ay bumilis ang t***k ng puso niya kaya napahawak siya sa kanyang dibdib habang tipid na nakangiti. Nag tataka siya kung bakit bumilis ang t***k ng puso niya at may kung ano ang nararamdaman niya sakanyang tiyan. Nakapagtataka ngunit masarap sa pakiramdam. Hanggang sa ibinagsak nalang niya ang sarili niya sa kama. Ginawa niyang unan ang dalawang braso niya sabay tulala sa kisame habang nakangiti at inaalalaa ng mukha ni..... "Ashley" mahinang sambit niya habang tipid na nakangiti. Habang nag d-daydream si Alas ay wala siyang ideya na napansin na siya ng mga kasama niya. "Anong nangyayari sa isang yan?" bulong ni Khal El kay Ken "Nababaliw na ata" sagot naman ni Ken "Sa tingin ko... nakalabas yan kagabi" bulong rin ni Justin "Baka nakakita ulit ng bituin, napakaganda nun" sabat ni Charlie "Hoy Alas" pang gigising ni Gee sa nag d-day dream. Nagising naman sa reyalidad si Alas ng tawagin siya kaya napabangon siya agad. "Oh?" "May iba sayo ngayon" napangiwi si Justin "Hindi ka naman palangiti" "Ah... hindi ko rin alam" takang sagot ni Alas saka nag ayos. Inayos niya ang sarili niya saka nag lakad palabas ng silid. Sinundan siya ng tingin ng lima at nag sibalikan sa kanilang mga kama. Maliban kay Yico. Napatingin si Yico sa papel na nasa sahig, napansin nitong nahulog ni Alas ng ayusin niya ang kanyang pajama. Habang abala ang lahat sakani-kanilang ginagawa o pag uusap ay nag lakad patungo si Yico sa kama ni Alas. Mabilis niyang pinulot ang papel na iyon at nag punta sakanyang kama. Bakit nga kaya napapangiti si Alas? Dahil ba sa papel na ito? Iyon ang nasa isip ni Yico. Matapos ng mga nangyari pag katapos parusahan siya ay nag iba ang tingin ni Yico kay Alas. Masama na ito sa paningin niya dahil sa pagiging makasarili niya. Matapos nilang uminom ng isang tableta ay nag tungo si Yico sa banyo at otomatikong idinura ang tableta na nag lalaman daw ng Vitamin C. Kinuha niya ang papel na nakuha niya sa tabi ng kama ni Alas at inintindi ang naka guhit dito. Hindi sila pinapayagang mag uwi sa kanilang silid ng kahit na anong kagamitan sa silid aralan nila ngunit bakit mayroon nito si Alas?. Lumalabag na naman ba ito sa batas nila?. Ngunit hindi ito ang nasa isip ni Yico, anong nakakangiti sa pag labag ng batas?. Sigurado siyang itong papel na ito ang nag papangiti ngayon kay Alas na hindi naman talaga palangiti at laging galit sa paligid. Naisip niyang baka may itinatago si Alas sa likod ng papel na ito na mukang isang mapa sa paningin niya. Samantala, si Alas ay abala sa pag hahanap ng mapa dahil napagtanto niyang hindi na niya ito nararamdaman na nakasipit sakanyang pajama. "Anong hinahanap mo?" tanong ni Gee "Wala" tipid na sagot ni Alas habang hinahalughog ang kama. "May nag punta ba dito kanina?" tanong nito saka tinignan ang mga kasamahan. Nag kibit balikat si Justin "Ikaw?" turo niya kay Charlie. "Hindi rin" sagot nito sakanya "Ikaw Yico?" tanong nito kay Yico na nasa sulok. Ibinaling sakanya ang tingin ni Yico saka umiling. Nag simula ng kabahan si Alas dahil ang nasa isip nito ay baka ang mga guwardya ang nakapulot ng mapa na bigay sakanya ni Jasmin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD