Habang wala pa ang ibang kasamahan ng apat na dalaga ay pumwesto sila sa gawing dulo ng silid dahil hinila sila ni Ashley patungo dito.
"'Wag kayong maingay" paninimula ni Ashley at nag si tanguhan naman ang mga kasama niya "May nakita akong lalaki--" hindi pa man tapos ang sinasabi ni Ashley ay napatakip na ng bibig si Aiko sa gulat. "Alam ko ang daan palabas"
"Paano ka nakalabas?" mariing tanong ni Luna
"Huwag niyong iinumin ang kapsulang ibibigay nila sainyo, mamayang gabi lalabas tayo" utos ni Ashley at tumango naman ang mga kasamahan niya.
Samantala, Si Alas parin ay hindi mapalagay at balisa. Kinalkal niya ang bawat kama ng mga kasamahan niya ngunit hindi niya makita dito ang mapa na bigay ni Jasmin sakanya. Alam niyang mapapahamak siya pag nakita ito ng mga empleyado na nag lilinis ng silid nila.
Nang makaramdam ito ng pagod ay bumalik ito sakanyang kama at naupo. Napahilamos ito dahil sa pag ka irita, nag punas ito ng pawis sakanyang noo at napahinto ng bigla siyang may maramdaman dito.
May maliit na umbok sakanyang noo at ng pisilin niya ito ay nasaktan siya. Kaagad siyang tumayo sa kinauupuan niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Niyuko niya ang kanyang ulo habang mabilis na nag lalakad, nakakaramdam siya ng kaba sa mga oras na ito.
Pumasok siya sa banyo at naabutan niya doon si Charlie.
"Alis" maotoridad niyang utos at hindi na pumalag si Charlie, lumabas nalang siya ng walang imik.
Nang masiguro niyang wala ng tao sa loob ng banyo ay itinaas niya ang kanyang buhok sa noo at tinignan ang masakit na tumubo dito.
Paano ako nag karoon nito!?' halos sumabog na ito sa inis. Big deal para sakanila ang mag karoon ng tigyawat dahil otomatiko itong malalaglag sa Class C.
Nag hilamos siya ng mukha at pilit na tiniris ang namumula niyang tigyawat sa noo ngunit hindi ito nag tagumpay.
"Class C" banggit ng isang empleyado na sinuri ang kanyang mukha.
"T-teka, m-mawawala rin 'to" pakiusap ni Alas ngunit tila ba hindi na siya naririnig nung lalaking sumuri sa mukha niya.
"Susunod" usal nito at umabante naman si Charlie. Kinuha ng dalawang gwardya si Alas at inilayo dahil ayaw pa niyang umalis sa pwesto niya. "Class A"
Nang makarating si Charlie sa silid nila ay naabutan niya si Alas na nag e-impake kaya nilapitan niya ito.
"Alas, susundan kita" walang nakuhang sagot si Charlie mula kay Alas na abala sa pag e-impake ng mga gamit.
"Ano bang nangyari?" takang tanong ni Justin na lumapit sa gawi nila saka umupo sa kama ni Alas. Nag silapitan na rin ang iba nilang kasamahan.
"Hindi ko alam, may tumubong pula sa noo ko" walang ganang sagot ni Alas at nahinto ito ng hawakan ni Gee ang muka niya saka pinaharap sakanya.
Itimaas ni Gee ang buhok nito sa noo "Magpagaling ka" nag aalalang sabi nito "Para makabalik ka dito" dugtong pa niya.
Hindi sumagot si Alas at binuhat ang natali niyang mga gamit niya saka siya walang imik na nag lakad paalis.
Pag kaalis ni Alas ay bumagsak ang mga balikat nila. Kahit mahirap pakisamahan si Alas ay malaki parin itong kawalan sakanila lalo na kung iisipin nilang lumabas.
Inilapag ni Alas ang gamit niya sa ibabaw ng isang kama na nasa gawing unahan.
"Pasensya na pero ako ang naka pwesto---"
"Hindi ko tinatanong" walang ganang sagot ni Alas at walang pasintabing umupo sa kama.
Kaya ang may ari ng kamang iyon ay walang nagawa kundi kunin ang mga gamit at lumipat nalang sa ibang kama. Bilang galing siya ng class a ay may respeto parin sakanya ang mga nasa class c lalo na't may kakaibang prisensya si Alas.
"Gising kayo?" tanong ni Ken sabay bangon sa kanyang kama.
"Labas tayo?" sumunod rin na bumangon si Justin kaya naman nag sibangunan narin ang mga nag papanggap na tulog.
Dalawang grupo ng mga babae't lalaki ang lumabag sa batas dahil sa kuryosidad. Walang nakakaalam sa ginagawa nilang ito, sa pag takas nila ay baon baon nila ang kaba at saya sakanilang puso dahil alam nilang may nakaabang sakanilang kakaibang karanasan patungo sa labas ng kanilang nagmistulang kulungan.
Nang makalabas sila ay para silang mga bata na napag kaitan ng kalayaan. Bawat hangin na dumadampi sakanila ay katumbas ng ngiti sakanilang labi. Ang mga kislap ng bituin na nakikita nila sa langit ay kasing ningning ng kanilang mga mata.
Gustong sumigaw sa tuwa ni Gab dahil natupad na ang pangarap niya, nangilid ang luha ni Luna ng ito'y makakita ng puno, si Aiko naman ay natakot ng makakita ng buwan. Bagama't natutuwa parin si Ashley na makalabas kahit pangalawang beses na niya ito ay mas natutuwa siya ng makita niya ang mga kaibigan niya.
"Alas?" mahinang sambit ni Justin ng maabutan niya si Alas na pumasok sa kabilang gate kaya napansin rin ito ng iba pa niyang kasamahan. Nag si takbuhan sila para sundan ang pinasukan ni Alas.
"Huwag kayong maingay" bulong ni Khal El ng makarinig siya ng kaluskos.
Sa pag lalakad nila ay nahinto sila at napanganga sa gulat ng makakita sila ng mga babae. Ang mga babae naman ay nagulat rin pwera nalang kay Ashley.
Dumiretso si Ashley sa guard house at naabutan niyang nandun sila Alas at Jasmin na nag uusap.
"Ang dami nila sa labas" balita nito at mabilis na napatayo si Jasmin. Agad itong nag lakad palabas ng guard house.
Pag kalabas niya ay nakita niya ang dalawang grupo ng mga babae't lalaki na nakatingin sa isa't isa. Bakas ang pag kamangha sa mga mukha nila.
"Ba't sila lumabas?" mahinang bulong ni Alas sa sarili niya ng makita niya ang mga kasama niya sa Class a.
"Gusto kong... maranasan rin nila ang naranasan ko" usal din ni Ashley habang nakangiting nakatingin sa mga kaibigan niya. Nilingon ito ni Alas at napangiti rin ng makita niyang nakangiti si Ashley.
"Ang ganda mo" wala sa sarili niyang nasabi kaya naman nilingon siya ng dalaga.
"Alam ko" sagot naman ni Ashley at si Jasmin na nakarinig sa usapan nila ay napangiwi. Nandiri ata.
Nag lakad si Jasmin papunta sa gitna ng dalawang grupo at pinag kross ang dalawang braso. "Alam niyong bawal ang lumabas hindi ba?" paninimula nito at ibinaling niya ang tingin sa mga lalaki "Sino ang kumuha ng mapa?" diretso nitong tanong dahil sa sinumbong ni Alas "Meron ba sainyo?"
"Anong mapa?" takang tanong ni Charlie
"Mapa na bigay ko kay Alas, gusto ko lang malaman kung isa sainyo ang nakakuha nun. Dahil kung hindi lahat tayo malalagot"
Nag tinginan ang mga lalaki sa isa't isa na parang nag hahanap ng sagot. Pwera kay Ken na nasa babae ang tingin. Nakangiti ito sakanila at ng maitama niya ang tingin kay Aiko ay agad itong lumapit sakanya.
"Wala bang aamin?" iritang tanong ni Jasmin
Napabuga sa hangin si Jasmin ng walang sumagot sakanya at sila Khal El, Yico, Charlie at Justin ay sumunod na ring nilapitan ang mga babae. Napahilamos si Jasmin at inayos ang sarili ng lapitan siya ni Gee.
"Ako si Gee, ikaw?"
Napakunot noo si Jasmin "Jamie, may kumuha ba sainyo ng mapa?" sabay tanong
"Hindi ko alam sakanila, basta ako, wala akong alam sa mapa na yan"
"Susmaryosep" bulong ni Jasmin sa sarili niya. Gaya ni Alas ay nag aalala na rin siya dahil baka mga empleyado ang nakapulot nun. Tinignan niya ang buong paligid niya at nakitang ang mga babae at lalaki ay nag uusap usap na. Napabagsak ang dalawang balikat niya at nag salubong ang dalawang kilay niya ng makita ni si Venti na nakangiti habang pinapanuod sila.
Kinuha niya ang cellphone niya sakanyang bulsa at kinuhanan ng litrato ang mga dalaga't binata na nag uusap usap.
"Partner" napatingin siya kay Venti ng tawagin siya nito.
"Partner mo muka mo" walang ganang sagot ni Jasmin
"Sungit mo 'no? Ganda ka?"
"Isaksak ko 'to sa baga mo e" inamba niya ang ballpen niya kay Venti.
Hindi niya namamalayan na napapangiti na rin siya habang kinukuhanan sila ng mga litrato hanggang sa maitapat niya ang kamera kay Charlie na todo ang ngiti habang nakatingin sakanya.
Ibinaba niya ang cellphone niya ng makitang papalapit sakanya ang binata. "Huwag niyo kaming isusumbong ah" sambit nito at itinapat ang hintuturo sa labi.
"Oo secret lang 'to huwag niyo rin kaming isusumbong" sagot ni Venti
Habang nakatitig si Jasmin sa muka ni Charlie ay may napansin itong maliit na peklat sa taas ng kanyang pisngi, sa bandang gilid kaya nanliit ang mga mata nito at hinawakan yun.
"Hm?" takang imik ni Charlie at ngumiti saka niya nilapit kay Jasmin ang bandang hinahawakan nito. "Kakaiba ba talaga yan?" nakanguso niyang tanong.
"Ilan taon ka na?" tanong ni Jasmin
Nag kibit balikat si Charlie "Wala kaming edad" sagot nito habang nakangiti.
"Saan mo nakuha yang peklat mo sa mukha?"
"Hindi ko alam, nang makarating ako rito dala ko na yan kaya nga. Matagal na panahon bago ako mapunta sa class a" sagot ni Charlie
Nangilid ang luha ni Jasmin pero pinigilan nitong tumulo at ngumiti. "Pag labas niyo dito... gusto mo bang sumama sakin?" nakangiting tanong niya habang hinahaplos ang buhok ni Charlie.
Mabilis na tumango si Charlie "Sabihin niyo po kay Mister X na aampunin niyo ako" nakangiting sambit ni Charlie
Dahan dahang nawala ang ngiti ni Jasmin at napalunok "Wala munang makakaalam nito.. Ilalabas namin kayo dito ng malinis at hindi kayo mapapahamak"
Napanguso si Charlie sa pag tataka "Delikado ba ang lugar na ito?"
Hindi nakasagot si Jasmin at nag tinginan sila ni Venti. "Uhm.. basta, kailangan namin kayong ilabas dito, secret muna yung dahilan" sagot ni Venti.
Hindi nila pwedeng sabihin sa mga ito na may masama silang hinala sa lugar kung nasaan sila ngayon dahil mag pupumilit silang makalabas agad. Pag nangyari iyon ay mabilis na malalaman ng mga namumuno ang transakyon nila. Mabubulilyaso ang pag iimbistiga nila at mapapahamak nila ang mga binata at dalaga.
Para kay Jasmin, mas mabuti ng si Alas ang unang makaalam dahil nakitaan niya ito ng tapang. Ang kaso ay nawala ang mapa
Gumuhit ulit ng mapa si Jasmin at iniabot ito ng palihim kay Alas.
"Kailangan mong maunahan kung sino ang nakakuha ng mapa na yun" bulong nito at tumango naman si Alas.