Habang abala sa pakikipag usap ang iba ay tahimik namang nag katitigan sila Justin at Ashley. Sabay silang napatabingi ang ulo at kumunot ang noo. Hindi na nakapag pigil si Justin bat lumapit na ito kay Ashley.
"Kumusta/Kumusta" sabay nilang sabi sa isa't isa at sabay rin na natawa. Hindi nila malaman kung anong mayroon ang isa't isa kung bakit sila nagagalak ng mag kita sila.
"Justin/Ashley" sabay ulit nilang sabi at nagulat na, dahil sa pangalawang pag kakataon ay nag sabay ulit sila sa pag sasalita.
Samantala, si Venti ay nagpapalit palit ang tingin kila Justin at Ashley. "Pards" kinalabit niya si Jasmin.
"Kahit anong bagay na meron dun, kunin mo--- ano ba" iritang baling ni Jasmin kay Venti dahil nakikipag usap pa siya kay Alas pero si Venti ay todo kalabit.
"Tignan mo yang dalawang yan" turo ni Venti kila Justin at Ashley habang sila ay magkaharap at nag uusap.
"Oh?"
"Hawig sila ano?"
Sinamaan ng tingin ni Jasmin sa Venti dahil para sakanya ay walang sense ang sinabi nito. Ibinaling niya ulit ang tingin kay Alas. Ngunit si Alas ay mukhang badmood na nakatingin sa gawi nina Justin at Ashley kaya napakamot sa sintido si Jasmin. "Umalis ka nga" irita niyang utos kay Venti
"Fine" sagot naman ni Venti at naging look out nalang sa paligid dahil baka may makakita. Walang malay ang guwardya sa entrance dahil pinainom ulit ito ng pampawalang malay.
"Bakit hindi mo ako sinasagot?" takang tanong ni Luna kay Yico. Niyuko naman ni Yico ang kanyang ulo at umalis sa harap ni Luna. Nag punta nalang ito sa likod ni Charlie na abala sa pakikipag usap kay Gab.
"Ako rin, gusto ko na talagang makalabas" nakansungong sambit ni Gab
"Yung babae" tinuro ni Charlie si Jasmin "Sabi niya ilalabas niya raw tayo rito, at pag kalabas ko aampunin niya ako" pag mamayabang niya
"Sama ako sayo"
"Pwede ba yun?" takang tanong ni Charlie at napansin si Yico na nag tatago sa likod niya. "Bakit ka nandiyan kuya?" takang tanong nito at umiling si Yico.
"Yico, galit ka ba sakin?" tanong ni Luna habang nag lalakad papalapit kay Yico. Si Yico naman ay lumayo sakanya. "Bakit hindi mo ako sinasagot?"
"Ahh.. Hindi siya nakakapag salita" si Charlie na ang sumagot para kay Yico kaya naman napukaw nito ang atensyon ng lahat.
"Siya ang pinakamatalino saamin, siya ang nag bigay daan para makalabas kami" nakangiting sabi ni Gee.
Matapos ang ilang segundo ay nakipag usap ulit sila sa isa't isa, ngunit si Ken ay iba ang napa deskitahan.
"Mabigat ba?" takang tanong niya habang
hawak hawak niya ang dibdib ni Aiko.
"Hindi" inosente naman sagot ni Aiko.
"Ano kayang pakiramdam ng mayroon- aray" mabilis niyang nabitawan ang Dibdib ni Aiko ng biglang may humampas sa kamay niya.
"Pribadong parte yan ng babae, hindi dapat hinahawakan" sita ni Venti dahil hindi siya natuwa sa ginawa ng binata.
"G-ganun ba..." nakaramdam ng pamumula sa pisngi si Ken at nahiya sa ginawa. "Pasensya na, hindi ko alam" sagot niya.
Sila Justin at Ashley naman ay hindi namamalayan na kanina pa sila nag uusap. Hinawakan ni Justin ang dalawang kamay ng dalaga. "Alam mo, pakiramdam ko... ngayon lang ako sumaya ng ganito" nakangiting sabi ni Ashley.
"Ako rin... magaan ang.. loob ko sayo, mag kita ulit tayo ha" sagot naman ni Justin.
"Maging mag kaibigan tayo, habambuhay. Pangako?"
"Pangako" sagot ni Justin
Seryoso naman ang mukha ni Yico at takang taka sa pinag gagawa ni Luna sakanya. Kanina pa ito nakayakap sakanya. "Ang sarap nito sa pakiramdam" masayang sabi ni Luna.
"Anim lang kami sa Class A" pagbabalita naman ni Khal El kay Gab.
"Oo, pito sana kaso napunya si Alas sa Class C" dugtong naman ni Gee
"Siya ba yun?" turo ni Gab kay Alas na nakikipag usap kay Jasmin "Nakakatakot siya"
"Oo nakakatakot siya" pag sasang ayon naman ni Charlie sakanya
Sa kalagitnaan ng pag uusap usap nilay ay sumingit si Alas at pasimpleng pinag hiwalay ang mag kahawak kamay na sina Justin at Ashley kaya naman napatingin sakanya ang lahat.
"Kailangan na nating bumalik" maotoridad nitong sabi at tumingin kay Ashley saka sinamaan ng tingin sabay alis.
Nagkapaalaman na sila sa isa't isa.
"Yung sinabi ko ha" bulong ni Ken kay Aiko at tumango naman ang dalaga.
"Sa susunod ulit" nakangiting sabi naman ni Luna kay Yico at tumango nalang ang binata sakanya.
"P-pwede ba kitang... mayakap?" tanong ni Justin kay Ashley at tumango naman ito saka sila nag yakapan. "Ingat ka palagi ha"
"Ikaw rin, kailangan pa nating mag kita ulit" sagot ni Ashley.
"Hindi niyo ba ako narinig?" tanong ni Alas habang salubong ang kilay nito. Hindi na nakaimik pa ang mga lalaki at sinundan nalang ang nauuna sa pag lalakad na si Alas.
Napasinghal naman si Jasmin habang nakangising hinahatid ng tingin ang mga lalaki. Ang mga babae naman ay nag handa na rin para makapasok sa loob. Isinara ni Venti ang gate at inayos ang kadena.
"Iba lahi nun ah" pag tutukoy niya kay Alas.
"Babalik na kami" paalam ni Ashley
"Sasama na ako" sagot naman ni Jasmin at tinanguan si Venti bago sumama sa mga babae na tumakbo papasok.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng mga nasa Class a dahil sa nangyaring makipag usap nila sa mga babae. Lahat sila ay maaliwalas ang mukha.
Habang kumakain ay pasimpleng tumingin si Gee sa kabilang mesa dahil nandun ang mga class c kabilang si Alas na nahiwalay sakanila. Nang mag tama ang paningin nila ay ngumiti si Gee ngunit hindi gumanti ng ngiti si Alas bagkus nag iwas ito ng tingin. Sanay na rin si Gee sa ugali ni Alas dahil matagal na silang mag kasama sa class a. Para parang may pader na nakaharang sakanila kung kaya't hindi pa rin niya makasundo si Alas dahil sa ugali nito.
"Sana makabalik na siya" napatingin naman si Gee kay Justin at nakitang nakatingin ito kay Alas.
"Nakakapanibago rin pag wala siya"
"Ano ba kasing nangyari sa noo niya?" takang tanong ni Khal El
"May tumubong pula" bulong naman ni Ken
"Saan niya naman nakuha yun?" takang tanong ni Khal El at nag kibit balikat naman si Ken.
"Basta ako, masaya ako" nakangiting sabi ni Ken at nag palumbaba.
"Mag ingat ka, huling kita ko kay Alas bago siya napunta sa Class c ganyan din siya makangiti" banta ni Gee kay Ken at tahimik naman silang natawa.
Napangisi naman si Yico habang ngumunguya dahil bahagya siyang natawa sa sinabi ni Gee hanggang sa sumagi sa isip niya ang tungkol sa mapa na tinago niya. Mas nag karoon ito ng kuryosidad kung tungkol saan ang mapa na iyon dahil sa mga sinabi ni Jasmin.
"Ay" usal ni Charlie ng biglang tumapon sa damit niya ang sarsa ng kinakain niya.
"Ano ba yan" reklamo ni Justin na nasa tabi
niya
"Dahan dahan Charlie" ani Khal El
Matapos nilang kumain at gawin ang mga inutos ng mga empleyado ukol sakanilang pagiging malinis ay pumasok na sa klase ang lima. Si Charlie naman ay nag madaling bumalik sa loob ng silid upang mag palit.
Naka hubad na ito pero wala parin siyang mahanap na damit niya dahil marumi na lahat kaya naman nag punta siya sa mga gamit ni Yico at humiram ng isang damit.
Hinila niya ang isang damit at isinuot yun, napatigil siya ng biglang may lumipad na papel pababa kaya agad niya itong pinulot.
Ano ito?'
Kunot noo siyang nakatingin sa naka guhit dito.
"Mapa na bigay ko kay Alas, gusto ko lang malaman kung isa sainyo ang nakakuha nun. Dahil kung hindi lahat tayo malalagot"
Bahagyang napanganga si Charlie at mabilis itong inipit sakanyang kutson. Alam niyang tapos ng mag linis ang mga empleyado sa ganitong oras kaya wala ng makakakita sa itinago niya. Habang nag lalakad papunta sa klase ay nag punas ng pawis si Charlie na tumulo sa kanyang noo.
Nag tataka siya kung bakit nakay Yico ang hinahanap nilang mapa, bakit hindi umamin si Yico na nasa kanya ang mapa na iyon, anong mayroon sa mapa na iyon kung bakit malalagot silang lahat kapag mga empleyado ang makakakita nun.