Sa pag iingat ng mga class a ay napag desisyonan nilang huwag munang lumabas dahil napansin nilang nangingitim na ang ibaba ng kanilang mga mata. Payapang natutulog ang lahat maliban sa isa.
Bumangon si Ken at siniguradong walang gising sa mga kasamahan niya.
"Mag kita tayo, hihintayin kita"
Napangiti ito ng maalala ang sinabi ni Aiko. Pakiramdam niya ay labis siya nabihag ng dalaga dahil sa kaanyuan nito. Sa unang pag kikita palang nila ay nakaramdam na ng kakaiba si Ken at para bang sabik na sabik siyang makita ang dalaga. Walang ingay itong lumabas ng silid.
Lingid sa kaalaman niyang may isang nakakita sakanya.
Sa gusali naman ng mga babae ay sinabihan rin sila ni Jasmin na huwag munang lalabas para na rin sa pag iingat. Ngunit si Aiko ay palihim na lumabas ng silid. Napag aralan niya agad ang daan palabas salamat sa tulong ni Ashley. Gaya ni Ken ay sabik na rin siyang makita ang binata.
Sa pagitan ng bakal na rehas ay nag tagpo ang kanilang paningin at matamis silang ngumiti sa isa't isa. Lumapit si Ken sa kadena at walang ingay nitong tinanggal. Pag kabukas ng gate ay mabilis na silang nag yakapan.
"Huwag kang gagawa ng ingay" bulong ni Ken at tumango naman ang dalaga ngunit ng bigla silang may narinig na kaluskos ay nataranta silang pumasok sa kanang gusali at nag tago.
Tinakpan ni Ken ang bibig ni Aiko habang naka siksik sila sa gilid. Narinig nila ang tunog ng kadena.
"May tao ba diyan?" rinig nilang tanong ng isang boses lalaki. Sa isip isip ni Ken ay, yun ang lalaking hinampas ang kamay niya nung hawakan niya ang Dibdib ni Aiko kaya naman nanatili silang tahimik.
Hinila niya si Aiko papasok sa gusali nila.
"Delikado" mariing bulong ni Aiko pero umiling si Yico dahil sabik na siyang makasama ang dalaga.
Nang makapasok sila ay nag hanap si Ken ng banyo at hinila papasok doon si Aiko saka niya ni-lock ang pinto.
"Aiko, hindi mo ako pinatulog" sinserong sambit ni Ken "Ito na ba ang... P-pag ibig?" naguguluhan nitong sabi. Isang beses palang silang nag kita, hindi alam ni Ken kung naiignorante lang ba siya sa babae o hindi dahil sa kakaiba nitong nararamdaman para sa dalaga. Masyado siyang nahuhumaling.
"Ako rin Ken" hinawakan ni Aiko ang dalawang kamay ni Ken. "Maaari ko bang... makita ang kabuuan mo?" tanong nito dahil sa kuryosidad niya. Napapatanong rin ito sa isipan niya kung bakit hindi maumbok ang dibdib ng mga lalaki.
Hindi na sumagot si Ken at hinubad niya ang kanyang damit pati na rin ang kanyang saplot. Walang natira ni isa. Tinignan ni Aiko ang katawan ni Ken mula ulo hanggang paa at ng makita niya ang pribadong parte ni Ken ay napalunok ito at takang napatingin doon.
"Ikaw naman" utos ni Ken kay Aiko at tumango naman ang dalaga.
Gaya ng ginawa ni Ken ay nag hubad ng damit si Aiko, wala rin siyang tinira ni isa. Hindi maintindihan ni Ken kung bakit biglang bumigat ang kanyang pag hinga ng makita ang kabuoan ni Aiko. Hindi ba dapat ay lalamigin siya dahil wala siyang kahit anong takip sa katawan, ngunit bakit siya nakakaramdam ng init?.
Matamis na ngumiti si Aiko ng hawakan ni Ken ang baywang niya at inilapit ito sakanya. "Ang ganda mo" namamanghang sambit ni Ken at namalayan na lang nila na nakadampi na ang kanilang mga labi.
"Ha--" napatakip ng bibig si Aiko dahil hindi niya sinadyang gumawa ng ingay dahil sa pag halik ni Ken sa kanyang leeg. Hawak hawak ni Ken ang paborito niyang parte ng katawan ni Aiko, ang dibdib nito habang hinahalikan ang leeg ng dalaga.
Ang mga kamay naman ni Aiko ay gumagala sa katawan ni Ken tila ba may sarili itong buhay, hindi niya makontrol kung saan nito gustong mapadpad.
Bagong bago ang nararamdaman nilang dalawa, nag iinit ngunit para sakanila ay masarap sa pakiramdam.
Matapos mailagay ni Aiko ang pasador niya ay lumabas na siya ng banyo. Medyo i-ika ika ito sa pag lalakad dahil may nararamdaman siyang sakit sa kanyang pag kababae. Hindi rin niya buwan ng dalaw kaya nag tataka siya kung bakit ito dumudugo. Halla bakit kaya?
"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Luna kay Aiko dahil napansin niyang hindi ito makakain.
Tumango naman si Aiko at tipid na ngumiti. "Masama lang ang pakiramdam ko"
Hinipo ni Gab ang noo nito "Nilalagnat ka, humingi tayo ng gamot"
"Sige, mamaya" sagot naman ni Aiko.
Napansin naman ni Ashley ang pagiging matamlay ni Aiko at may isa pa siyang napansin na ikinataas ng isang kilay niya. Napag isipan niyang punahin nalang iyon pag nakapasok na sila kanilang silid.
Pinuntahan ni Ashley si Aiko na nakaupo sakanyang kama at nakatingin sa kawalan. Umupo ito sa tabi niya.
"Anong nangyari diyan sa leeg mo? Saan mo nakuha yang pulang yan?" turo niya sa leeg ni Aiko na may markang pula.
"Ha?" takang sambit ni Aiko at hinawakan ang tinuro ni Ashley. Napalunok siya ng maalala niya ang pag halik doon ni Ken "W-wala yan" nauutal nitong sagot.
"Mag pagaling ka" usal ni Ashley at akma na sana itong aalis ngunit hinawakan siya ni Aiko sa kamay. "Oh?"
"Ashley..." sambit ni Aiko at nanginig ang bibig nito habang nangingilid ang luha. "K-kanina l-lumabas ako"
Napatigil si Ashley at tuluyang humarap kay Aiko "Ang sabi ni Jamie hindi tayo pwedeng lumabas" mariing bulong ni Ashley.
Tumulo ang luha ni Aiko "Hindi ko alam, gusto ko siyang makita"
"S-sino?"
"Si Ken" sagot nito
Bumagsak ang dalawang balikat ni Ashley "Nag kita kayo?" tanong nito at tumango naman si Aiko. "Pero bakit ka malungkot?" nag aalalang tanong niya at pinunasan ang luha ni Aiko.
"Natatakot ako"
"Bakit?"
"May nangyari, hindi ko alam kung anong tawag sa nangyaring iyon.."
Nag salubong ang kilay ni Ashley at nag taka "Anong nangyari? Ikwento mo sakin"
"W-wala kang pag sasabihan?"
"Pangako"
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Ken pakiramdam niya ay nasa ulap siya. Umaasa siyang hindi iyon ang huling beses na gagawin nila ang bagay na iyon ni Aiko. Masyado itong nahuhumaling sa ganung pakiramdam. Pakiramdam niya ay kanyang kanya na si Aiko at wala ng makakapag hiwalay pa sakanila. Ganito pala ang pakiramdam ng nag mamahal?.
"Gee ang saya saya ko" masayang sabi nito kay Gee habang yakap yakap ang binata. Nag tataka naman si Gee at inalis niya ang kamay ni Ken sakanya.
"Anong nangyayari sayo?" takang tanong ni Gee
Napatingin ang lahat ng biglang mag bukas ang pinto. "Magandang araw, galing ako sa Class B, ako si Dave" pakilala ng bago nilang kasamahan.
"Ikaw lang?" malungkot na tanong ni Justin "Si Alas?"
Nag kibit balikat si Dave habang nag lalakad papunta sa bakanteng kama kung saan dati nakapwesto si Alas.
"Teka Dave!" pag pipigil ni Charlie "Huwag ka diyan, pag bumalik si Alas baka magalit siya. Dito ka nalang oh" turo niya sa isang bakanteng higaan tumango naman si Dave at nag lakad papunta dito.
Kilala ni Charlie si Dave dahil kasamahan niya ito dati nung nasa class b pa siya. Nag punta si Charlie sa gawi nito. "Kamusta naman sila?" nakangiting tanong nito.
"Ayos naman, nakakapanibago nung una kasi wala ka" sagot naman ni Dave.
Tumango si Charlie habang nakangiti at pasimple niyang tinignan si Yico na hindi mapakali at tila ba may hinahanap.