Mahigpit ang hawak ni Charlie sa mapa na hawak niya habang dahan dahan itong nag lalakad. Sinusundan niya ang nakaguhit sa mapa. Isang araw niya lang itong pinag aralan kaya hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya. Nahinto ito at mabilis na nag tago ng biglang mag bukas ang pinto kung nasaan ang silid ng mga class c.
Sumilip ito at nabigla ng makita niyang buhat buhat ng isang lalaki si Alas.
'Kuya'
Hindi na niya binasa pa ang mapa at sinundan nalang ang mga guwardya na karga karga ang tatlong binata at isa na doon si Alas. Hindi niya pinansin ang butil ng mga pawis na lumalabas sakanyang noo habang sinusundan sila ng palihim.
Lingid sa kaalaman niya na papunta ang mga sinusundan niya sa nakalagay sa mapa kung nasaan ang tinatawag nilang Restricted Area. Nino man ay hindi pwedeng pumasok dito pwera sa mga namumuno ng Dollhouse.
Basa na ang mapa dahil sa pawis ng palad ni Charlie. Mabilis siya sa pag tatago pero hindi niya nagamit ang kakayahan niyang ito dahil walang lingon ang mga guwardya habang buhat buhat ang tatlong binata. Para silang mga de-susi na diretso lang sa pag lalakad.
Nakita niyang ipinasok ang mga binata sa isang silid at ng mapansin niyang mag bubukas ulit ang pinto ay pumasok siya sa isang kwarto para mag tago.
Napakunot noo ito dahil sa naamoy niya napatakip ito ng bibig dahil akmang duduwal siya. Nilingon niya ang buong paligid at literal na nanlaki ang mga mata dahil sa mga nakita niya.
Bawat maliit na kama ay may nakatakip na kumot, sa tingin niya ay mga tao ito. Apat na tao ang nakita niyang naka takip ng pulang kumot. Nag lakad ito papalapit sa isang nakatakip ng kumot at niyugyog niya ang braso nito.
Anong class ito?'
Niyugyog pa niya ulit ang braso ng tao pero naisip niya na baka nakalunok rin sila ng kapsula kaya wala rin silang mga malay, ngunit saan nang gagaling ang masangsang na amoy?.
Inalis niya ang nakatakip na kumot sa katawan ng tao at wala sa sariling nabitawan ang hawak ng papel.
Napaatras ito ng wala sa sarili ng makita niya ang isang tao na walang mukha.
Paulit ulit itong napailing at mabilis na ibinalik ang kumot sa mukha ng lalaking bangkay na at mabilis itong lumabas sa pinto. Hindi niya namamalayan ang sarili niya na napapabilis na ang pag kilos nito.
Tila ba lahat ng natanong niya sa sarili niya matapos ng pag uusap nila ni Jasmin ay nasagot dahil lamang sa nasaksihan niya ngayon. Wala ng ibang paliwanag pa, sapat na ang nakita niyang bangkay.
"Alas" umiiyak nitong sabi ng makita si Alas na naka tayo habang nakatingin sa isang folder.
Ibinaling ni Alas ang tingin sa nag tawag sakanya at nabigla ng makita si Charlie na umiiyak "Bakit ka nandito?" mariin niyang tanong. Wala na siyang sinayang na oras kumuha siya ng kung anong nakuha niyang papel sa folder, pati na rin ang nakapaskil sa pader ngunit bago niya ito kunin ay may isa siyang pinag tataka sa nilalaman nito.
Nakita niya dito ang mga mukha nila, nangunguna ang mukha ni Gee sa class a at may nakasulat na mga numero, pumangalawa ang mukha ni Justin, pangatlo ang mukha ni Charlie, pang apat ang mukha ni Khal El, pang lima ang mukha ni Yico, pag anim ang mukhang hindi pamikyar sakanya at pang huli ang mukha ni Ken.
Halos mang hina ang tuhod nito ngunit pinilit niyang maging malakas at kinuha ito. Mabilis siyang nag lakad patungo sa kinatatayuan ni Charlie saka niya iniabot ang papel.
"Alis na tayo dito--" akmang hihilain ni Charlie si Alas ngunit hindi ito nag patangay "May nakita akong bangkay, papatayin ka nila" mariin bulong ni Charlie habang umiiyak.
Tumango si Alas at tumulo ang kanyang luha pero binalewala niya iyon at ibinigay ang papel kay Charlie. "Itago mo ito, at ibigay kay Jamie, doon sa babaeng nasa labas. Naiintindihan mo?" bilin nito
"Paano ka?"
"Mananatili muna ako dito, titignan ko kung anong mangyayari—"
"Ayoko" umiling si Charlie habang lumluha "Sumama ka na sakin Kuya.."
Nahinto si Alas at umiling
"Akong bahala, ligtas akong makakalabas dito"
"Baka magaya ka sakanila?" tinuro ni Charlie ang gawing kwarto kung saan siya nakakita ng bangkay.
"Kung mangyari man yun... Sabihin mo lahat kay Jamie lahat ng nakita mo. Umalis ka na"
"Sumama ka na—"
"Umalis ka na" galit na bulong ni Alas kaya walang magawa si Charlie na lumabas nalang.
Bumalik naman si Alas sa higaan kung saan siya pwinesto. Inayos niya ang sarili niya at pumikit sa pag hahanda kung sakaling may bumalik man. Hindi niya mapigilan ang pag tulo ng luha niya kaya pinunasan niya ito habang wala pang pumapasok.
Katapusan ko na ba?'
Napangangang literal si Jasmin matapos ikwento ni Ashley ang mga sinabi ni Aiko sakanya ukol sa nangyari sakanila ni Ken. Mariing napapikit si Jasmin habang hinihilot ang kanyang sintido. Gusto niyang sapakin si Ken dahil sa nangyari ngunit hindi niya naman ito masisisi dahil wala rin siyang alam sa ganung bagay.
Kumbaga dahil sa kuryosidad nila ay nangyari ang hindi dapat mangyari. Nasa isip si Jasmin na maaaring mag kagusto ang mga lalaki at babae sa isa't isa ngunit hindi niya alam na aabot sa ganito. Delikado ito lalo na kung mag dalang tao si Aiko, lahat ng plano ay masisira.
"Kaya pala bukas yung kadena kagabi, putek buti ako yung nakakita nun" inis na sabi ni Venti at lumabas ng guard house at bumalik sa pag babantay.
"Anong mangyayari kay Aiko? Mamamatay ba siya?" nag aalalang tanong ni Ashley kay Jasmin
"Hindi, baka mabuntis siya"
"B-buntis?" takang tanong ni Ashley
"May mabuong bata sa tiyan niya" paliwanag naman ni Jasmin at naiirita na rin siya ngayon. "Simula ngayon huwag mo na silang palalabasin, pati ikaw mag ingat ka." mariin nitong bilin sa dalaga "Huwag ka na ring lumabas, ito na ang huling beses na lalabas ka"
"Hindi ako matatahimik pag nasa loob lang ako, gusto kong malaman kung anong meron sa lugar na 'to" hinawakan niya ang kamay ni Jasmin "Sabihin mo sakin kung anong klaseng lugar ito"
"Wala akong ebidensya--"
"Ano bang gusto mong ebidensya?" tanong ni Ashley
"Ako ng gagawa" pag pupumilit ni Jasmin kaya napabuga sa hangin si Ashley.
Sumilip si Ashley sa labas ng pinto at huminga ng malalim dahil parang bumigat ang pakiramdam niya. "Bakit parang hindi darating si Alas?" tanong nito.
Bumuntong hininga si Jasmin at nakaramdam rin ng kaba dahil baka ginawa na ni Alas ang pinapagawa niya. Nasa plano ni Jasmin na si Alas ang mag silbing mata niya sa kanang gusali. Pag nakakuha na siya ng ibedensya doon ay gagawin na rin niya ang plano niya sa kaliwang gusali kung nasaan ang mga babae.
Labis rin ang pag aalala niya kay Alas dahil kahit naniniwala siyang may kakayahan si Alas ay hindi pa rin mawala sa isip niya na baka mapahamak ito.
"Teka" boses ni Venti ang narinig nila mula sa labas hanggang sa napatayo si Jasmin ng makita niya si Charlie na umiiyak habang may hawak hawak na papel.
"Papatayin nila kami? T-tama?" tanong ni Charlie habang umiiyak
Kumabog ang dibdib ni Jasmin at dumiretso ang tingin sa papel na hawak ni Charlie. Nilapag ni Charlie ang papel sa mesa kaya naman ay naalarma sina Venti at Jasmin na napatingin doon.
"Tahan na.." lumapit naman si Ashley kay Charlie at niyakap ito.
"Si Alas, kinuha siya" umiiyak na sabi ni Charlie kaya napahinto ang lahat at napatingin sakanya.
"S-si Alas?" nabiglang tanong ni Jasmin at napatakip ng bibig.
"P*tang ina, sabi na e. May presyo ang mga mukha nila" galit na sabi ni Venti habang kinukuhanan ng litrato ang papel na nasa mesa.
"M-may nakita ako.. bangkay w-walng mukha n-natatakot ako p-paano kung pati si Alas mamatay" hingal na hingal na sabi ni Charlie habang umiiyak. Hindi namalayan ni Jasmin na tumulo na rin ang luha niya dahil sa umiiyak na si Charlie. Gusto niya itong yakapin pero kailangan niyang mag trabaho.
Ibinaling niya ang tingin sa papel "Kulang pa 'to, pwede pa silang mag deny dito" usal ni Jasmin habang nag pupunas ng luha dahil hindi pa siya makontento sa isang ibedensya.
"Kayong dalawa, bumalik na kayo sa loob. Walang makakaalam nito, maliwanag?" utos ni Venti.
"Charlie, tahan na….. ilalabas ko kayo dito" pag papatahan ni Jasmin kay Charlie pero patuloy pa rin sa pag iyak si Charlie. "Wala ka munang pag sasabihan nito, maliwanag?"
Tumango si Charlie "P-pero si Alas.. paano kung mamatay rin siya"
"Hindi pwede" sagot ni Ashley na ngayon ay lumuluha na rin.
"Kahit mapahamak pa ako, gagawin ko na" mahinang sabi ni Jasmin.