Chapter 14 Resume

1540 Words
Hindi nagawang kumain ni Charlie kahit isang butil ng kanin ay hindi niya makain. Kapansin pansin rin ang pag katamlay niya ngunit wala ni isa sakanila ang nag tanong. Ibinalik ni Charlie ang tingin niya sa dating pwesto ni Alas na ngayon ay bakante na. Hindi niya napigilang mapahikbi kaya naalarma na ang mga kasamahan niya. "Ang ba yang ingay na yan!?" sita ng isang guwardya "Sshh" pag papatahan ni Justin at inakbayan si Charlie habang pinupunasan nito ang kanyang kamay "Tahan na...' Takang taka sila kung bakit umiiyak si Charlie, naisip nila na baka dahil wala na si Alas sa dati niyang pwesto. Na baka nalukungkot ito dahil may umampon na kay Alas. Nalulungkot rin naman sila pero nakakapag taka ang pag iyak ni Charlie ng sobra. Tahimik ang lahat sa class a maliban kay Charlie na umiiyak parin habang yakap yakap ni Justin. "Kung may umampon na kay Alas, dapat maging masaya tayo hindi ba?" sambit ni Ken pero sa loob loob niya ay sobra rin siyang nalulungkot. "Saka... Pag may umampon na rin satin, mag kikita kita pa rin naman tayo sa labas e" pampalubag loob naman ni Khal El sakanila pero naiiyak narin siya. "Huwag ka na kasing umiyak Charlie" iritang sambit niya at naiiyak na rin kaya naman lumapit sakanya si Ken at nag damayan. "Masyado bang mabait yang si Alas at nag iiyakan kayo?" takang tanong naman ni Dave dahil bagong pasok pa lang naman siya sa Class A. Si Yico naman ay nagingilid na rin ang luha dahil kahit masama ang ugali ni Alas sakanya ay kahit papaano ay may pinag samahan rin sila. "Charlie, tahan na" pag papatahan ni Justin kay Charlie. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko" umiiyak na sabi ni Charlie. Kung sa tingin ng mga kasamahan niya ay inampon lang si Alas, para sakanya ay pinatay nila ito gaya ng mga bangkay na nakita niya. "Ano bang sinasabi mo Charlie?" nag tatakang tanong ni Gee habang hinahaplos nito ang buhok ni Charlie. "Inampon si Alas, may bago na siyang mga magulang—" "Hindi" mariing sabi ni Charlie habang umiiling, gusto na niyang isiwalat lahat ng mga nakita niya sa bawat maaalala niya ang mukha ni Alas bago niya ito iwan. Niyukom niya ang dalawang kamao niya dahil gusto rin niyang sundin ang sinabi ni Jasmin na wala siyang dapat pag sabihang iba ukol sa nakita niya. "Anong hindi?" tanong ni Justin "Kahit isa sainyo, hindi ako papayag na mapili... A-ayoko" umiiling na sabi ni Charlie "Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Khal El habang nag lalakad papalapit kay Charlie kaya sumunod na rin Ken sakanya. "Lahat tayo dito nakatakdang ampunin" "Ayoko.." "Teka lang, diba siya yung Alas?" Nahinto ang lahat at sabay na napatingin sa pinto. "Magandang araw, galing ako sa class c na pinabalik dito sa class a.. Ako si—" hindi na natapos ni Alas ang intoduction niya ng mabilis siyang niyakap ni Charlie ng mahigpit habang umiiyak ito. "Kuya.." umiiyak na sambit ni Charlie "Akala namin naampon ka na?" takang tanong ni Ken at mabilis na ang punas ng luha. "Bakit kayo nag iiyakan?" takang tanong ni Alas habang hinahaplos ang likod ni Charlie na nakayakap pa rin sakanya. "E kasi yang si Charlie, nakakahawa yung iyak" sagot ni Khal El Napasinghal si Alas at bahagyang natawa "Sabi sayo e, makakalabas ako dun" bulong niya kay Charlie. "Hay grabe hindi ko alam dikit na pala kayo niyang si Charlie" reklamo ni Justin Napangiti naman si Yico habang tinitignan sina Charlie at Alas na mag kayakapan. Akala rin niya naampon na si Alas. "E bakit wala ka kanina sa hapag kainan?" takang tanong ni Gee "Kinausap ko si Mister X para sa pag lilitis, magaling na ang noo ko. Hindi ko na kailangang manatili sa Class c" sagot ni Alas at naibaling niya ang tingin kay Charlie na kumalas sa pag kakayakap sakanya. Nag punas ito ng luha habang umiiyak parin. "Kung hindi ka pa titigil, ikaw ang malalaglag dito" bulong nito at nag lakad papunta sa dati niyang pwesto saka inilapag ang kanyang gamit. Kahit takang taka ang ilan kung bakit sobra ang pag iyak ni Charlie, si Alas naman ay hindi na nag tataka dahil alam niya kung anong dahilan ng pag iyak nito. Ngunit mananatili siyang kalmado hangga't hindi pa nakakausap si Jasmin. Nagawa na niya ang pinapagawa sakanya, may ibedensya na rin ang kaso hindi niya alam kung nabigay na ba ito ni Charlie. Nag lakad papunta sa pinto si Alas "Banyo" bulong nito kay Charlie bago lumabas. Ilang minuto pag katapos lumabas ni Alas ay unti unti na ring lumabas si Charlie at nag punta sa banyo. "Paano ka nakalabas?" bungad ni Charlie at naabutan niya si Alas na nakasilip sa isang cubicle dahil sinigurado nitong wala silang ibang kasama sa loob. "Yung nakita ko, anong ibig sabihin nun?" "Hindi ako yung napili, yung pinabibigay ko kay Jamie nabigay mo ba?" "Oo, ang sabi nila wala daw pwedeng makialam nun" Tumango si Alas at bumuntong hininga "Kailangan ko siyang makausap" "Kailangan kong makabalik doon" nag buga ng hangin si Charlie at nataranta bigla. "Saan?" kunot noong tanong ni Alas "Doon sa silid, kung saan may nakita akong... mga bangkay" napakagat sa pang ibabang labi si Charlie at napahilamos. "Bakit pa?" "Y-yung mapang hawak ko, naiwan ko dun" nag aalalang sambit ni Charlie. Dahan dahang nag seryoso ang mukha ni Alas at mabilis niyang hinawakan ang leeg ni Charlie saka niya marahas na idinikit sa pader sa pag ka bigla ni Charlie ay hindi ito nakapalag. "Ikaw" mariing sambit ni Alas "T-teka nag kakamali ka" hirap na hirap na sagot ni Charlie ng mapagtanto niya ang tungkol sa nawawalang mapa. "Bakit mo ninakaw sakin ang mapa?" diniin niya ang kamay niya sa leeg ni Charlie "Ang ayoko sa lahat ay mga taong hindi tapat" "H-hindi ak-ako" hinawakan ni Charlie ang kamay ni Alas. Niluwagan ni Alas ang pananakal niya kay Charlie "Tinanong kayo ni Jamie pero ni isa sainyo walang sumagot" "H-hindi ako a-ang kumuha--" "E bakit nasayo?" "H-hindi na i-importante kong--" "Importante sakin" marring sagot ni Alas "Saan mo nakuha ang mapang 'yon?" "K-kay--" "Alas!" nagbukas ang pinto at si Khal El ang iniluwa nito. Hinawakan niya ang kamay ni Alas na nakasakal kay Charlie. "Tama na!" "Sino?" hindi nag patinag si Alas "Y-Yico" binitawan ni Alas ang leeg ni Charlie kaya napaubo ito. "Yico..." usal ni Alas at mabilis na lumabas ng banyo. "Alas! Teka!" mabilis na lumabas si Charlie para sundan si Alas, sumunod nalang din si Khal El kahit hindi pa niya alam ang mga nangyayari. Naabutan niya si Alas na mabilis na nag lalakad kaya tumakbo ito para maabutan niya. Nang maabutan niya ito ay ginamit niya ang buong lakas niya para pigilan siya sa pamamagitan ng pag hila sakanya. "Huwag kang gagawa ng gulo, dahil pag nangyari yun maraming makakaalam tungkol sa mapa" mariing sambit ni Charlie Dahil sa sinabing iyon ni Charlie ay napag isip isip si Alas na may punto ito. Dahil doon ay ililihim nalang nila ang galit niya kay Yico. Napatay na ang lahat ng ilaw ang mga babae ay nakapasok narin sakani-kanilang silid, ang mga empleyado ay nag punta sa unang palapag dahil oras na ng pahinga. Si Jasmin ay sumunod sakanila, wala siyang balak na lumbas ngayon dahil iba ang plano niyang puntahan. Sisiguraduhin kong ito na ang huling pag pasok ko dito' Nakapasok na ang huling empleyado sa loob ng silid nila at siya nalang ang natitirang nag lalakad sa hallway. "Papatayin kami, tama?" Sisiguraduhin kong hindi..' Habang nag lalakad paakyat sa pangalawang palapag ay iginagala niya ang kanyang paningin sa paligid. Sa pag kakataong ito ay wala ng kaba sa dibdib niya dahil masyado niya itong pinag handaan. Para sakanya ito na ang oras para gawin niya ang totoo niyang misyon. Nang makarating siya sa Restricted area ay dali dali itong nag lakad papasok. Habang nasa hallway ito ay nakakaramdam ng mabigat na pakiramdam. Sa mga isiniwalat ni Charlie ay may inaasahan na siyang makikita. Isang pinto ang una niyang binuksan, nang makasilip ito ay may nakita siyang maliliit at patihabang kama ngunit walang taong laman ito. Marami siyang nakitang kung ano anong kagamitan sa loob kaya para sakanya ay tama siya ng pinasukang kwarto. Tuluyan itong pumasok sa loob at nag tungo sa maraming kagamitan. Gaya ng ipinakita ni Charlie ay nakita niya rin ito. Kinuha niya ang nakapaskil at ang tatlong folder na nakalapag sa mesa. Nang makuntento na siya sa nakuha niya ay dali dali itong lumabas ng kwarto. Nang makalabas siya ay nag tungo ito sa isang pinto saka niya binuksan. Ito na ang magandang pag kakataon para sakanya kaya ginawa na niya ang trabaho niyang mag imbistiga. Gusto niyang maduwal sa nakita niya bamaga't mga nakatakip ng kumot ang dalawang bangkay na nakita niya ay hindi ito kinaya ng tiyan niya. Nagtakip siya ng ilong at nag lalakad papalapit sa isang bangkay. Inalis niya ang takip sa bandang itaas at nabigla sa nakita niya. Nabanggit na ito ni Charlie at ang buong akala niya ay makakayanan na niya ito ngunit nag kamali siya. "Ispiya!" Hindi na nagawang lumingon ni Jasmin dahil hinampas na ang kanyang ulo kung kaya't nawalan ito ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD