Chapter 15 Revelation

1668 Words
"Dito ka" mariing bulong ni Alas kay Charlie ng makarating sila sa tapat ng Restricted area. "Natatakot ako" sagot naman ni Charlie at mahigpit ang hawak sa braso ni Alas. Sa inis ni Alas ay gusto niyang manapak dahil kanina pa sila nag tatalo. Gusto ni Alas na manatili sa labas si Charlie para maging look out ang kaso ay parehas silang nag mamatigas. "Halika na nga" pag suko ni Alas. Marahan silang nag lalakad papasok, mabuti't mabilis silang kumilos sa tuwing may mararamdaman silang tao. Tanging mga nakasarang pinto lang ang pwede nilang pasukan para mag tago pag nag kataong may paparating na tao. Tinuro ni Charlie ang pinto kung saan niya nabitawan ang mapa. Tinuro ni Alas ang sarili niya, senyas na siya ang papasok sa loob. Tumango naman si Charlie dahil baka hindi na naman niya kayanin ang makikita niya. Dahan dahang binuksan ni Alas ang pinto saka ito pumasok. Si Charlie na naiwan sa labas ng pinto ay palinga linga sa paligid habang nakagat ito sa pang ibabang labi. Ramdam na rin niyang namamasa ang mga palad niya at pumapatak ang pawis niya sakanyang noo. Si Alas naman na nasa loob na ay dumiretso ang tingin sa limang bangkay na nakatakip ng pulang kumot. Hindi lang matapang si Alas kundi matibay rin ang sikmura nito kaya parang wala lang sakanya ang mga nakikita niyang bangkay. Lumapit siya sa isang bangkay at inalis ang kumot sa bandang itaas nito. Napayukom ang dalawang kamao niya at nangilid ang mga luha niya. Sa puntong ito ay nakaramdam siya ng matinding galit. "Diretsahin mo nalang ako, ano bang meron sa lugar na 'to? Pinalaki kami ng maayos, mahal nila kami hindi nila kami pinapahamak bakit kailangang ilabas niyo kami dito ng malinis? Bakit hindi niyo nalang kami ampunin?" "Malalaman mo rin ang sagot, sa oras na mapuntahan mo yan" turo ni Jasmin sa mapa "Ihanda mo ang sarili mo, kahit na anong bagay na meron dun, kunin mo" Binuksan ni Alas ang kumot para makita niya ang kalahating katawan ng bangkay. Hinaplos niya ang braso ng bangkay. "Panatiling malinis ang kutis" Naibaling niya ang kanyang tingin sa bandang mukha ng bangkay na ngayon ay nawala na. Wala na itong balat tanging ang mata nalang nito ang natira. "Maging isang perpektong imahe" "Ang mga susunod sa batas, siya ang makakalabas at makikilala ang kanilang bagong magulang" Napabuga sa hangin si Alad at isinara ulit ang kumot. Ibinaling niya ang tingin sa apat pa na bangkay at napailing nalang ito. Pinag patuloy niya ang pag hahanap sa mapa habang pinipigilan niyang lumuha dahil manlalabo ang paningin nito pag nag kataon. Binilisan niyang mag hanap ngunit wala siyang nakikitang mapa. Nakaramdam ito ng kaba dahil baka empleyado na ang nakapulot nito. Imbes na mag hanap pa siya sa wala ay dali dali na itong lumabas. Naabutan niya si Charlie sa labas habang naka upo ito at yakap yakap ang sarili. Nag angat ito ng tingin kay Alas saka tumayo. Walang sali-salitang hinila ni Alas si Charlie paalabas sa lugar kung nasaan sila ngayon. "Bumalik ka sa silid, lalabas ako" mahinang sambit ni Alas. Tumango si Charlie at tumakbo paalis. Dahil sa galit na nararamdaman ni Alas ay lumilipad ang isipan nito habang nag lalakad kung kaya't napapabilis ang pag kilos niya. Nang makarating siya sa labas ay nakita niya sa pagitan ng bakal na rehas si Venti na tila ba balisa. Nag tama ang paningin nila habang inaalis niya ang kandado. Sinundan niya si Venti na pumasok ng guard house. Naabutan niya sa loob si Venti na nakaupo habang sapo sapo ang noo. "Anong klaseng lugar ito?" mahinang tanong ni Alas kaya nag angat ng tingin si Venti. "Sanggol palang kayo, nung ninakaw nila kayo sa mga magulang niyo--" "Ilabas niyo kami dito!" napasigaw sa galit si Alas Ibinaling ni Venti ang tingin sa mga papel na nakahilera sa mesa, ito ang mga nakuhang ibedensya. Kung saan sa tabi ng mga mukha nila ay may nakalagay na presyo. Itinuro ni Venti ang mukha ni Gee pababa sa mga mukha pa ng ibang nasa class a. "Hindi nalalagas ang class a, dahil masyadong mahal ang mga mukha niyo" tumingin si Venti kay Alas. "Bakit ngayon ko lang napagtanto, kung bakit kami kinulong ng mahabang panahon" wala sa sarili nitong nasabi habang nakatingin sa mga papel na nasa mesa. "Para magkaroon ng perpektong imahe.. Para mapanatiling malinis ang balat" tumulo ang luha nito. "Sa labas, maraming gumagawa ng ganito, ang kaso.. Balat ng hayop ang ginagamit. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila 'to sa tao" "Ginagawa nila kaming hayop!" nilapag ni Alas ang dalawang kamay niya sa mesa. "Ano pa bang hinihintay niyo!? Ang ubusin nila kami!?" "Kaunti nalang Alad, kaunting tiis pa. Matatapos na 'to, sa oras na makalabas si Jamie. Matatapos na 'to" "Nasan siya?" natigilang tanong ni Alas "Nasa loob, kumukuha ng susuporta sa ibedensyang nakuha niyo" "Bigyan mo ako ng sandata" Halos hindi maigalaw ni Charlie ang nga paa niya at para siyang estatwa ng buksan niya ang pinto papasok sa silid nila. Naabutan niya rito si Mister X na nakakross ang braso habang nakangisi. "Nag balik ka" usal nito "M-mister X" nauutal na sambit ni Charlie "Sinasabi ko na nga ba't kayo ni Alas ang promotor sa pag labag ng batas" humakbang ng dahan dahan si Mister X habang papalapit ito kay Charlie. Naibaling ni Charlie ang tingin kay Dave na pumunta sa likod ni Mister X habang nakangisi rin. "Mister X, pwede mo na akong maging kanang kamay" "Magaling Dave" sagot naman ni Mister Nabigla si Charlie dahil sa nalaman niyang isa lang palang ispiya si Dave sa class a para bantayan ang mga kilos nila. Tumingin si Charlie sa mga kasamahan niyang nakahiga sa kama, hindi nito alam kung wala ba silang mga malay o nag tutulog tulogan lang dahil sa takot. "Huwag ka ng umasa na magigising pa sila" usal mi Mister X kaya ibinaling sakanya ang tingin ni Charlie "Lahat sila" nilabas ni Mister X ang isang injection "Tinurukan ko na" "A-anong..." nauutal na sambit ni Charlie at nag punta siya sa gawi ni Gee saka ito niyugyog "Kuya!" sigaw nito habang niyuyugyog si Gee na wala ng malay. "Anong ginawa mo sakanila!?" mangiyak iyak na sigaw ni Charlie "Lumabag kayo sa batas! Hindi niyo ako maloloko alam kong kasabwat mo sila sa pag labas niyo!" "Wala silang kasalanan! Kayo ang may kasalanan samin!" lakas loob na sambit ni Charlie habang turo turo si Mister X "Alam ko na, kung anong klaseng lugar ito! Papatayin niyo kami! Ibebenta niyo ang mga mukha namin---" "Anong pinag sasabi mo!" "Nakita ko!" ibinaling niya ang tingin kay Dave "Papatayin nila tayo dito! Uubusin nila tayo!" pangungumbinsi nito "Hindi ako naniniwala sayo--" "Saka ka lang maniniwala kung ikaw na mismo ang nakakita ng nakita ko--" "Manahimik ka!" akmang isasaksak ni Mister X ang injection ngunit mabilis niya itong naiwasan. Nabitawan ni Mister X ang injection at mabilis na nakuha ito ni Charlie saka niya marahas na isinaksak kay Mister X. "Arrgh!" sigaw ni Mister X sa sakit at bumagsak ito sa sahig. Masamang ibinaling ni Charlie ang tingin kay Dave na ngayon ay napapaatras. Pinalagutok ni Charlie ang kanyang leeg at para bang nag ibang tao. Malayo ang maitim na awra niya ngayon kumpara sa palangiti niyang ugali at maaliwalas na mukha. Tila ba sinubok na siya ng pag kakataon dahil sa mga nalaman niya at ito na ang oras para ilabas niya ang tinatago niyang ugali. Na lingid sa kaalaman niya ay namana niya sakanyang kapatid. "Charlie.. Huwag" takot na sambit ni Dave Tinutok ni Charlie ang injection sa tapat ni Dave "Sawang sawa na akong mag palinlang sa mga kagaya niyo" seryosong sambit ni Charlie at nahinto ito ng marinig na bumukas ang pinto. Itinutok niya rito ang injection ngunit ng makita niyang si Alas ito ay ibinalik niya ang pag tutok kay Dave. "Mister X? Anong nangyayari dito?" tanong ni Alas at nag punta sa tabi ni Charlie. "Pinadala siya dito para maging ispiya natin" sagot ni Charlie habang nakatingin kay Dave "Ibig sabihin... Alam na nila na nakakalabas tayo" tugon ni Alas habang nakatingin kay Mister X. "Wala silang malay?" "Ano pang alam ni Mister X?" tanong ni Charlie kay Dave "Umamin ka na, kung hindi ako mismo ang papatay sayo" banta ni Alas at nag lakad sa gawi ni Gee saka niya ito niyugyog. "Ang alam lang niya nakakalabas kayo ka-kasi may nahuling ispiya sa kabilang—" *Weng weng weng weng!* Naalarma silang ng biglang umingay ang buong paligid, sumindi ang pulang ilaw. "Jamie" wala sa sariling nasambit ni Charlie. "Mag tulungan tayong lumabas dito! Huwag kang hangal!" sigaw ni Alas kay Dave "Mamamatay tao ang mga narito!" dugtong niya at nakarinig sila ng mga yapak ng sapatos. "Pero paano?" nag aalalang sambit ni Dave Nang bumukas ang pinto ay otomatikong sinapak ni Charlie ang isang guwardya kaya sumunod na rin si Alas sa pakikipag laban, gamit ang nahingi niyang kutsilyo kay Venti. Si Dave naman ay abala sa pag bubuhat kay Justin. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa sobrang taranta dahil alam niyang wala siyang kakayahan sa pakikipag laban. "Venti kailangan namin ng tulong!" sigaw ni Alas sa mouth piece na idinikit sakanya ni Venti. Mas mapapadali sana ang pakikipag laban nila kung gising ang mga kasamahan nila, parami ng parami ang mga guwardyang dumarating. Nabulabog na ang buong gusali ngunit wala paring mga malay ang mga kasamahan nila. Nang maramdaman nina Alas at Charlie ang pagod ay napag pasyahan nilang lumabas ng silid para tumakbo. "Paano sila!?" tanong ni Charlie habang tumatakbo "Wala pa tayong magagawa sakanila sa ngayon, babalikan natin sila" sagot naman ni Alas. "Kailangan nating lumabas sa ngayon" Hanggang sa nahinto sila sa pag takbo ng makita nilang marami silang makakasalubong. Ganun rin sa kabila, napagitnaan na sila ng maraming guwardya. Napalunok si Charlie, si Alas naman ay napayukom ang dalawang kamao. Dinakip sila ng hindi na lumalaban, alam nilang hindi nila kaya ang ganoong karami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD