Chapter 16 Love

1527 Words
"Dollhouse" sambit ni Carl na isang dermatologist matapos maipatayo ang kanyang pinag hirapang gusali. Halos maluha ito ng maalala kung ano ang hirap na pinag daanan niya bago niya makamit ang posisyon kung nasaan siya ngayon. Mula pag ka bata niya ay tumayo na siya sa sariling mga paa niya dahil pinalayas siya ng kanyang mga magulang. Pinag aral niya ang kanyang sarili upang maging isang tanyag na Dermatologist na matagal na niyang pinapangarap. Nang iwan siya ng kanyang asawa, dahil nag hanap ito ng mas mayaman at mas makisig. Napahawak siya sakanyang mukha ng maalala niya ang sinabi ng kanyang asawa. "Anong mapapala ko sayo? Magandang lahi nga hindi mo maibigay sakin e!" sa kanyang pag hawak sa mukha ay diretso niyang pinunasan ang tumulo niyang luha sabay ngisi. Para sakanya, siya ang mag sisilbing daan para sa mga taong hindi tanggap ng lipunan dahil sakanilang itsura. Sinimulan niya ang kanyang eksperemento sa isang bangkay na binili niya, sa tulong ng kaibigan ay nailipat ang mukha nito sa kanya hanggang sa may nakaalam ng ganitong transakyon nila at naging interasdo kung kaya't naging sakim na sila sa pera. Ang mga batang walang kamuwang muwang sa mundo ay kanilang ninakaw upang alagaan, palakihin at ihanda sa ganitong bagay. Ang mabuting puso niya noon ay napalitan ng masama dahil sinubok na siya ng panahon. Kung kaya't wala na rin siyang puso pag dating sa mga kawawang bata na pinagkaitan niya ng kalayaan, hindi siya nakakaramdam ng awa sa mga ito dahil hindi niya naman naranasang mag karoon ng anak. "Hindi ko hahayaan... na mauwi sa wala ang mga pinag paguran ko" nakangising sambit ni Carl habang nakatingin kila Charlie at Alas na ngayon ay wala paring malay habang sila ay nasa kulungan. "Aanhin niyo ang magandang mukha kung hindi ko mapag kakakitaan? Hahahahaha" Inalis niya ang tingin sa dalawa at nag lakad paalis. Iminulat naman ni Charlie ang kanyang mga mata at dahan dahang gumalaw, naramdaman niya ang sakit ng batok niya kaya mariin itong napapikit. Iginapang niya ang kamay niya patungo sa braso ni Alas. "Gising" bulong nito habang niyuyugyog ang braso ni Alas "Alas" dagdag pa niya ngunit hindi parin ito nagigising kaya sinalat niya ang pulso nito. Nakahinga siya ng maluwag ng may maramdaman pa siya. Napansin ni Charlie ang naka ipit na bagay sa garter ng pajama ni Alas, isang maliit na parihaba at pabilog. Kinuha niya ito at ng may nakitang button ay mariin niya itong pinindot, napanganga siya ng may ilaw na lumabas dito. "Ano 'yan!—argh!!" sigaw ng guwardyang dumating ng maitutok ni Charlie ang laser sa tiyan nito patungo sakanyang mata kaya naman ay bumagsak ito. Inalis ni Charlie ang daliri niya sa button at wala sa sariling nabitawan niya ito habang nakatingin sa guwardyang butas ang tiyan at wala na ang isang mata. "Ano ang.... Bagay na 'to?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa laser, mabilis niya itong kinuha. Alam niyang makakatulong ito sa pag takas nila. "Charlie" mabilis na napatingin si Charlie kay Alas ng mag karoon ito ng malay. Inalalayan siya ni Charlie hanggang sa makabangon. Naitama ni Alas ang paningin niya sa guwardiyang nakabuglata at duguan. "Anong ginawa mo?" tanong nito kay Charlie. Bilang sagot ni Charlie ay ipinakita niya ang laser "Saan mo ito nakuha?" Hinablot ni Alas ang laser "Dun sa lalaki, sa labas" hirap nitong sagot habang hinihilot ang batok niya dahil nangalay rin ito. "Nakakabutas ang bagay na yan, m-makakalabas—" nahinto si Charlie sa pag sasalita ng iritang itapat ni Alas ang hintuturo niya sa labi niya kaya tinakpan naman ni Charlie ang bibig niya. Isa sa dahilan kung bakit napapayag nalang si Alas na mahuli sila at makulong ay dahil sa ibinigay ni Venti sakanya. Sinabi ni Venti na kung sakaling makulong sila ay magagamit nila ito para makalabas. Tumayo si Alas at nag punta sa bakal na rehas. Sinilip muna niya ang paligid kung may guwardya pa, ng masigurado niyang wala ay sinamantala na niya ang pag kakataon. Itinapat niya ang laser sa bakal na rehas, halos pumikit siya habang ginagawa ito dahil nakakasilaw. Si Charlie naman ay nag silbing watcher. Dalawang araw nang balisa si Venti dahil hindi pa nakakalabas si Jasmin. Laking pag sisisi nito ng hindi niya ito nabigyan ng ear device at mouth piece para may komunikasyon sila. Masama ang kanyang kutob kaya naman ay hindi ito mapakali. Lalo ng marinig niya ang pag tawag ng tulong ni Alas ngunit wala itong nagawa dahil hinihintay niyang makababa si Jasmin. Nag punta ito sa gate kung saan naroon ang daan patungo sa kabilang gusali ngunit laking pag tataka nito ng makitang iba ang kandado. Mariin itong napapikit at nag simula ng kabahan. "Isa kang ispiya!" Mabilis na napalingon si Venti at nabitawan ang kandado na hawak niya. Akmang siyang hahampasin ng dos por dos ng guwardya ngunit matagumpay niya itong naiwasan sabay tuhod sa tiyan nito kaya naman napaatras ang guwardya. Nabitawan ng guwardya ang dos por dos at nakuha ito ni Venti, walang pag dadalawang isip nitong hinampas sa likod ng guwardya at tumakbo paalis. Nag tungo ito sa gate na nasa likod kung saan pwedeng lumabas ang mga empleyado ngunit napabagsak ang dalawang balikat nito sa irita ng makitang iba na rin ang kandado na ito. Imbis na pairalin pa niya ang pag kairita niya ay nag tungo ito sa guard house upang kunin ang kanyang cellphone. Alam niya na ngayong nasa kapahamakan si Jasmin dahil malakas ang kutob niyang alam na ng mga namumuno na may mga ispiyang nakapasok. "Positive, kailangan ko na ng back up ngayon" "Copy" Matapos ang maikling usapan ay agad agad siyan lumabas at itinapon ang cellphone niya sa labas at hindi kalayuan. Hindi niya ipinatay ang tawag upang matrace ang kanilang location. Inaasahan niya ng mangyayari ito at tamang tama lang ang timing dahil mayroon na silang sapat na ibedensyang isang malaking pag kakamali ang Dollhouse. Muli siyang bumalik sa guard house at kumuha ng baril, ngunit hindi pa man niya nakukuha ito ay naranig niya na ang pag bukas ng pinto kaya naman ay napayukom ang kamao nito. "Tama ngang may mga dagang nakapasok" Lakas loob na humarap si Venti sa lalaking nag salita. Manlalaban sana ito ngunit nakita niya ang mga lalaking armado kaya wala itong nagawa kundi manahimik at mag isip. "Dapat nakatalikod ka palang pinatay na kita e, ang kaso... Hmm" hinawakan niya ang baba niya habang nakangisi. "May mas maganda akong plano" sinenyasan niya ang mga armadong lalaki at nag si kilos ito papalapit kay Venti. "Hayop ka, anong gagawin mo sakin!" sigaw ni Venti. Halos manginig ang buong laman ni Aiko habang nag hihintay sila ng resulta, matapos silang suriin lahat ng malaman ng mga namumuno na may pitong lalaking nakapasak sakanilang gusali. Hawak hawak ni Ashley ang kamay nito at pinapakalma. Alam rin kasi ni Ashley na nasa kapahamakan ngayon ang kaibigan niya pag lumabas na ang resulta. Isa sa batas ng mga namumuno ang mapanatili silang malinis at birhen. Dahil kung hindi nila mapapanatili ang kanilang kalinisan ay may isang parusang nakaabang sakanila. Parusang hindi nila alam ngunit alam nilang mabigat ito, kasing bigat ng kamatayan. Iyon ang sinabi sakanila ni Miss D. "Katapusan ko na Ashley" nanginginig na sambit ni Ashley. Umiling si Ashley "Tutulungan tayo ni Jamie, huwag mong sabihin yan—" Sabay silang napatingin sa pinto ng bigla itong mag bukas. Mahigpit na niyakap ni Aiko si Ashley. "Aiko, sumama ka samin" sambit ng isang empleyado. "Bakit?" nag aalalang tanong ni Gab "Aiko, anong ibig sabihin nito?" takang tanong ni Luna ngunit hindi na siya nagawang masagot ng dakpin siya ng nga babaeng guwardya. Habang hawak hawak si Aiko ay umaagos ang luha nito. Naalala niya ang gabing mag kasama sila ni Ken, ang tanging bugso ng damdamin lang nila ang kanilang sinunod. Walang alam si Aiko na sa ganung bagay pala mawawala ang pag kabirhen niya. Walang nag turo sakanila ang tungkol sa bagay na iyon. "Sino ang gumalaw sayo?" tanong ni Miss D habang nasa tapat niya si Aiko. Nakapagitan sakanila ang isang mesa kung saan nakalatag dito ang litrato ng mga lalaki sa Class A. "Ituro mo!" Nanginginig ang mga kamay ni Aiko dahil hindi niya kagustuhang sabihin kung sino ang nakagalaw sakanya. Ayaw niyang mapahamak si Ken dahil sa tingin niya'y minamahal niya ito. "Ako nalang ang parusahan niyo—" "Sabihin mo kung sino!?" sigaw ni Miss D Nanginginig niyang inangata ng kanyang isang kamay at naitama niya ang paningin sa litrato ng isa sa kasamahan ni Ken. Tinuro niya ang litrato ni Khal El. Nanlaki ang mga mata ni Jasmin ng hindi niya maigalaw ang buong katawan niya. Nakahiga siya sa isang kama at nakatali ang buong katawan niya habang nakatape ang kanyang bibig. Iginala niya ang paningin niya at napagtantong nasa lugar siya kung saan siya nakakita ng ibedensya. "Hhmm" mariing imik niya habang ginagamit ang buong lakas para makawala ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makawala. 'Peter' iyon ang una niyang naisip habang nasa imahinasyon niya ang mukha ni Charlie. Tumulo ang kanyang luha. Sa tingin niya ay ito na ang kanyang katapusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD