Habang nakaupo si Justin ay nakahawak ito sakanyang noo dahil sa hilo na nararamdaman niya. Ibinaling niya ang tingin sa isang kama na walang laman. Laking pag tataka nitong iginala ang paningin sa paligid dahil hindi niya alam kung bakit siya nandoon. Ngayon lang niya nakita ito kaya wala siyang ideya kung nasaan siya ngayon.
Samantala, si Ken ay gising narin at natagpuan niya ang sarili nasa loob ng malaking kahon. Mabilis na nanikip ang pag hinga nito dahil ito ang pinaka kinakatakutan niya ang makulong sa masikip na lugar. Mabilis itong tumayo at pinag hahampas ang pinto. "Ilabas niyo ako dito!" malakas nitong sigaw habang nag hihingalo. Unti unting bumagal ang t***k ng puso niya at napahawak sakanyang braso ng makaramdam siya ng kakaiba sakanyang katawan.
*Kriiiiiinnnnggggg!!!!!*
Mabilis na napabangon si Khal El at mabilis niyang tinakpan ang kanyang tenga dahil sa ingay ng nakakarinding bell. "Argh!" sigaw nito at halos mapasabunot na sa buhok. Iginala niya ang paningin niya.
"Tulong!"sigaw ng babae na hindi pamilyar sakanya. Sobrang hina ng pag kakarinig niya dahil sa ingay ng bell at nakatakip rin ang tenga niya. Tumayo ito habang nakatakip parin ang tenga, labis siyang natutuliro dahil sa ingay. Isa iyon sa kanyang kahinaan.
Tumakbo ito paalis sa kinaroroonan niya at hinanap ang ingay ng babae.
"I-ikaw" natigilang tanong ni Khal El ng makita si Aiko na nasa loob ng parihabang kahon. Napaangat ng tingin si Khal El ng makita niya ang simento na bumabagsak sa kinaroroonan ni Aiko. Mabilis niya itong nilapitan.
"Pakawalan mo ako dito!" sigaw nito habang umiiyak.
Mabilis na napatingin si Khal El sa mga kandado ngunit hindi niya ito alam kung paano bubuksan. Buong lakas niyang hinampas ang salamin ngunit walang nangyari. Napahawak ito sakanyang ulo dahil sa ingay na naririnig niya. "Argh!!" sigaw nito habang natutulero, mabilis niyang pinag susuntok ang kahon kung nasaan si Aiko.
Nahinto ito ng mawala ang ingay, nahinto rin ang pag bagsak ng simento. Hingal na hingal na lumingon sa paligid. Nakita niya rito ang tinatawag nilang Mr. X hawak ang isang susi.
"Ayon sa babaeng ito, ginalaw mo siya... tama ba?" nakangising tanong sakanya.
Napakunot ang noo ni Khal El dahil sa pag tataka, wala siyang alam sa pinag sasabi ni Mister X kung kaya't napatingin siya kay Aiko. "Ako?" tanong nito habang turo turo ang sarili niya kaya naman ay natahimik si Aiko habang nakatingin parin sakanya.
"Aiko!" napatingin si Aiko kay Mister X "Sino ang mga kasama mong nakakalabas? Umamin ka na, kung ayaw mong mamatay kayong dalawa!"
Si Khal El ay hindi mawala ang tingin kay Aiko dahil sumagi sa isip niya ang gabing nakita niya si Ken na lumabas ng silid, dahil dito malakas ang kutob niyang si Ken ang gumalaw kay Aiko. Ngunit bakit siya ang itinuro ni Aiko na may gawa nun sakanya?.
Gustong isiwalat ni Khal El ang nalalaman niya, ngunit pag ginawa niya ito ay mapapahamak naman ang matalik niyang kaibigan.
"W-wala, ako lang" sagot ni Aiko habang nanginginig ang mga labi nito.
"Khal El, sino pa ang mga babaeng nakita mo?" baling ni Mr. X kay Khal El.
"Wala, s-si Aiko lang" pag sisinungaling ni Khal El habang nakatingin pa rin kay Aiko. Ang mga mata nito'y maraming katanungan ngunit pakiramdam niya isang tanong lang niya kay Aikoay marami na silang mapapahamak.
"Sinong niloko niyo?" tanong ni Mr. X at malakas na natawa "Hahahaha! hindi ako makapaniwalang may mabubuong pag iibigan dito" dahan dahang nag lakad si Mr. X.
Dahan dahang napatingin si Aiko kay Khal El.
"Kayo ay lumabag sa batas, ang umibig—"
"Anong mali sa pag ibig?" wala sa sariling naitanong ni Khal El at tumingin kay Mister X na nahinto sa pananalita. "Wala bang nag mamahal sayo?"
Natigilan si Mister X dahil sa itinanong ni Khal El.
Ngayon ay naiintindihan na ni Khal El kung bakit siya ang tinuro ni Aiko. Dahil ayaw ni Aiko na mapahamak ang taong mahal niya. Mali lamang ang pamamaraan nito na kailangan niyang mang damay ng inosenteng tao. Mahal rin ni Khal El si Ken dahil tinuring niya na itong kapatid kaya ayaw rin niya itong mapahamak.
Humakbang ng isa si Khal El at niyukom ang kanyang mga kamao. Si Mister X naman ay napangisi, wala itong kasama kaya nakaramdam siya ng kaba. Itinago niya ang kabang ito sa pamamagitan ng pag ngisi. Pinatunog ni Khal El ang kanyang leeg habang nag lalakad patungo kay Mister X.
"Aahh!!" sigaw ni Aiko ng bumuhos ulit ang simento.
Ngumisi si Mister X ng pindutin niya ang buton na komokontrol sa ingay, kung kaya't umingay ulit ang paligid. Napatakip ng tenga si Khal El.
"Hahaha! Alam ko ang kahinaan mo Khal El—" nahinto ito ng mapag tantong may mali siyang nagawa. Napaatras siya ng makita niyang tumakbo si Khal El papalapit sakanya habang sumisigaw.
Dahan dahan lang ang pag kilos nina Charlie at Alas habang papunta sa kanilang silid, gusto nilang malaman kung ligtas ba ang kanilang kasamahan ngayon pakiramdam nila ay alam na ni Mister X na nakakalabas silang lahat.
Ngunit ng makapasok sila sa silid ay wala silang nakitang mga tao, tanging mga bakanteng kama lang ang nandito. Hinalughog nila ang buong sulok ng silid ngunit wala nga rito ang kanilang mga kasamahan kaya naman ay agad silang lumabas upang simulang mag hanap.
Madilim ang buong paligid at may mangilan ilang mga guwardya ang nag roronda kung kaya't napapatago sila. Matagal silang nasa loob ng gusali ngunit tila ba naninibago sila dahil maraming lugar ang pinag babawalan silang puntahan.
Dahil dito napaisip si Alas na dapat silang mag hanap sa lugar kung saan sila madalas pag bawalan.
Ang ikalawang palapag.
Sa ikalawang palapag makikita ang mga baho ng Doll House. Kung saan nandito nakalagay ang mga bangkay ng mga kabataang walang awang pinaslang para sa pera. Mga batang pinag kaitan ng kalayaan upang maging perpektong imahe upang pag kakitaan.
Ito ang nasa puso nina Charlie at Alas na unang nakatuklas sa kung anong mayroon ang lugar kung nasaan sila ngayon. Puno sila ng galit at pag sisisi.
Galit dahil sa sitwasyon nila ngayon, pag sisisi dahil pakiramdam nila ay huli na nilang natuklasan ang baho ng Doll House. Nag sisisi sila dahil nakuntento sila sakanilang pamumuhay na umabot sa puntong gusto nalang nilang manatili dito hanggang sa sila ay mamatay, gusto nilang pag silbihan ang tinuturing nilang nag alaga sakanila ng mahabang panahon. Isa pala itong malaking pag kakamali.
"Justin" sambit ni Charlie ng buksan niya ang isang pinto, nakita niya rito si Justin na nakahiga sa isang kama habang nakahigang tulala sa kisame.
Bumangon si Justin at nakaramdam ng hilo "Anong... nangyayari?" tanong nito habang sapo sapo ang noo.
"Anong ginawa nila sayo? Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Alas sa kaibigan niya at tumango naman si Justin. Walang ano-ano'y niyakap niya si Justin habang humihingal. "Akala ko, mawawala ka na"
"Nahihilo ako" sagot ni Justin kaya naman kumalas sa pag kakayakap si Alas.
"Bubuhatin kita sa likod, umalis na tayo dito" sambit ni Charlie at tumalikod sa tapat ni Justin.
"Teka, anong nangyayari?" nanghihinang tanong ni Justin.
"Saka na kami mag papaliwanag" iritang sagot ni Alas at kinuha niya ang kamay ni Justin saka sinampay sa likod ni Charlie. "Ano bang nangyayari sayo?"
"Yung.. Mansanas" yun nalang ang naisagot ni Justin. Nakaramdam siya ng hilo matapos kainin ang mansanas na nasa isang kama ng magising ito.
Lumabas sila ng kwarto ng buhat buhat ni Charlie sa likod si Justin. Si Alas naman ay palinga linga sa paligid.
"Si Kuya Yico at Gee" bulong ni Charlie kay Alas at tinanguan naman siya nito.
Samantala isang malakas na hangin ang dumadampi kila Yico at Gee habang nasa mag kaibang kulungan sila. Nakatali ang kanilang mga kamay kung kaya't wala silang magawa kundi mag hintay kung ano ang gagawin sakanila.
"Huwag!.."
Habang nakapiring si Yico ay hinanap niya kung saan gawi ang ingay mula kay Gee, sa tingin niya tila nananaginip ito dahil humihikbi siya. Gusto niya itong tawagin ngunit hindi niya magawang makapag salita. Kaya napasandal nalang siya at laking gulat niya ng biglang may humila sakanyang kamay.
"E—" imik nito sa sobrang takot
"Sshh, ako 'to yung ninakawan mo ng mapa" kumalma si Yico ng mabosesan niya si Alas.
"Kuya, makakalabas na tayo dito" rinig naman niyang sabi ni Charlie sa di kalayuan.
"Charlie?" ani Gee ng mabosesan niya ito.
Nang makalagan ni Alas si Yico ay inalis niya ang piring sakanyang mata at nabigla ng mapagtanto niyang nasa rooftop lang pala sila. Ang buong akala niya ay nasa ibang lugar siya dahil sa piring niya sakanyang mata.
"Huwag kang gagalaw diyan" utos ni Alas at nilaser ang bakal na rehas. Si Yico naman ay literal na hindi gumalaw habang yakap yakap ang sarili dahil sa lamig. Maya maya pa ay nilapitan ni Charlie si Yico matapos niyang makalagan si Gee na ngayon ay pinapakawalan naman ni Alas.
Hinawakan ni Charlie ang kamay ni Yico ng ilabas niya ito sa kulungan. Nang maiupo niya ito ay hinawakan niya ang mag kabilang kamay ni Charlie saka inihipan para mabawasan ang kanyang pag kalamig. "Lalabas na tayo Kuya" pag papakalma ni Charlie sa nanginginig na si Yico. Tumango ito habang nanginginig ang mga labi.
Nang mailabas ni Alas si Gee sa kulungan ay nilapitan niya si Justin na nakatulog sa gilid dahil sa kanyang pag kahilo. Umupo ito sakanyang tabi at isinandal niya ang ulo ni Justin sakanyang balikat, dito na niya naramdaman ang pagod niya. Lumapit ang tatlo sa gawi nila saka siya pumikit. Sinimulan na niyang mag isip kung saan niya hahanapin sina Khal El at Ken. Ang dalawang matalik na mag kaibigan.
"Anong nangyari kay Justin?" tanong ni Gee
"Nakakain siya ng mansanas na may kung anong gamot" sagot ni Charlie habang nag aalalang nakatingin kay Justin na nakapikit habang nakasandal sa balikat ni Alas.
"Ano bang nangyayari?" takang tanong ni Gee dahil wala pa rin siyang alam sa mga nangyayari.
Iminulat ni Alass ang kanyang mata at nag tama ang paningin nila ni Charlie. Tinignan naman ni Charlie si Gee at sinimulang ipaliwanag ang lahat.
Nang mawalan ng malay si Mister X dahil sa ginawa ni Khal El na pananakal dito ay kinuha niya ang susi mula sa bulsa nito. Hindi pa rin natatapos ang tunog ng bell kaya naman ay kinokontrol niya ang pagiging balisa niya.
"Pakawalan mo ako!" sigaw ni Aiko
Nag tungo si Khal El sa gawi nito at inumpisahang hanapin ang tamang susi sa kandado. Hindi lang isa ang kandado nito kundi tatlo. Ngunit bago pa sila maabutan ay binilisan niya ng hanapin ang mga tamang susi. Malapit nang umabot sa tuhod ang basang simento kaya naman labis ang pag galaw ni Aiko para hindi ito manigas.
Nabuksan ang isang kandado hanggang sa sumunod ang isa, nagamit na niya ang lahat ng susi ngunit ang susi sa isang kandado ay wala sa mga hawak niyang mga susi.
"Anong nangyayari?" nag aalalang tanong ni Aiko ng makita niya si Khal El na huminto sa pag kilos.
"Babalikan kita" sagot nito at hindi na niya hinintay ang isasagot ni Penelope.
Binalikan niya ang walang malay na si Mister X at kinapkap ang buong kasuotan nito para mahanap ang kailangang pindutin upang mahinto ang pag hulog ng basang simento sa kulungan ni Aiko. Pinindot niya lahat ng mahahanap niya hanggang sa huminto ang tunog ng bell ganun rin ang pag hulog ng basang simento.
"Babalik ako" paalam ni Khal El
"Si Ken!" sigaw ni Aiko kung kaya't nahinto sa pag lalakad si Khal El. "Hanapin mo siya, siguraduhin mong ligtas siya" sa sinabing ito ni Aiko ay napatunayan ni Khal El na tama ang iniisip niyang si Ken nga ang may gawa nun sakanya. Hindi ito sumagot, bagkus ay lumabas ito upang hanapin ang kanyang kaibigan na si Ken.