"Hahanapin ko si Ken at Khal El" usal ni Alas at dahan dahang isinandal si Justin sa pader saka tumayo.
"Sasama ako--"
"Dumito ka, ikaw ang bahala sakanila" pag puputol ni Alas sa sasabihin ni Charlie, wala itong nagawa kundi tumango nalang.
Naiwan ang apat sa rooftop dahil para sakanila ay ligtas ang lugar na ito dahil walang nag pupunta dito lalo na sa oras na ito na madaling araw palang, pero iyon ay tantsa lang nila. Wala silang alam sa oras.
"Bakit saatin ito nangyayari?" tanong ni Gee sa sarili niya ng makwento lahat lahat ni Charlie kung anong klaseng lugar ang kinalakihan nila. "Kung ganun, hindi na ligtas sina Jamie at Venti dahil nalaman na nilang nakakalabas tayo"
Bago pa sabihin yun ni Gee ay nasa isip na yun ni Charlie, hindi niya maintindihan kung bakit labis ang pag aalala niya kay Jasmin. Kanina pa bumibigat ang dibdib niya dahil dito. "Gusto ko siyang hanapin" wala sa sarili niyang nasabi at niyakap ang kanyang dalawang tuhod saka bumuntong hininga. "Ang sabi niya pag labas natin, aampunin niya ako" tumulo ang luha nito ngunit hindi niya pinakita dahil niyuko niya ang kanyang ulo.
"Ligtas siya" hinaplos ni Gee ang ulo ni Charlie.
Samantala, si Alas naman ay nasasabak sa gulo ng mahuli siya ng isang nag roronda. Hindi niya sinasadyang mabutasan niya ang tiyan ng guwardya ng maitutok niya ang laser dito. Dahil wala na siyang pakialam kahit makapatay pa siya ay hinayaan niya na itong nakabulagta habang duguan.
Pinag patuloy niya ang pag lalakad at naalerto ng makita niya si Khal El na tila may hinahanap rin habang nag lalakad. Patakbo niya itong nilapitan at hinawakan sa balikat.
"Ha—" sa gulat ni Khal El ay mabilis niyang iniamba ang kamao niya at nahinto ng mapagtantong si Alas ang humawak sakanya. Imbes na sapakin niya ito ay mabilis niya itong niyakap, ngayon niya palang naramdaman na ligtas na siya dahil kasama na niya ang tao na sa tingin niya ay walang sinasanto.
"Nasan si Ken?" tanong ni Alas at tinulak si Khal El
"Hinahanap ko siya, s-si Aiko nasa gawing dito t-tulungan mo siya nakakulong siya" tarantang sabi ni Khal El habang turo turo ang isang direksyon kung saan niya iniwan ang babae.
"Paano nag karoon ng babae dito?" takang tanong ni Alas
"Mahabang kwento, tulungan mo siyang makaalis at hahanapin ko si Ken" mabilis na sagot ni Khal El at nag tanguan sila bago mag iba ng direksyon.
Nag tungo si Alas sa tinurong direksyon ni Khal El. "Ha!" nabigla si Alas sa lalaking sumulpot at nahinto ng makita niya nalang itong bulagta habang butas ang lalamunan. Napatingin siya sa laser na hawak niya at wala sa sariling napailing habang nakangisi. Ito na ang pinakamagandang bagay na nahawakan niya.
Nang makapasok siya sa isang kwarto ay naitama niya agad ang paningin sa isang babae na nasa kulungan. Natatandaan niya ang mukha nito ngunit hindi ang pangalan. Nag tama ang paningin nila at mabilis na lumapit si Alas sa gawi ng dalaga.
"Salamat—"
"Wala pa akong nagagawa, tabi" malamig na sambit ni Alas at sumunod naman ang dalaga sa utos. "Tara" aya nito ng wala niyang kahirap hirap na nasira ang kandado. Inalalayan niya ang babae na makalabas dito.
Samantala, si Khal El naman ay tila hinahabol ang kamatayan dahil wala na siyang katakot takot na mag bukas ng mga pinto. Kahit wala pa siyang alam tungkol sa mga nangyayari ay gusto niyang makita si Ken dahil sa utos ni Aiko.
Nag punta ito sakanilang silid ngunit laking pag tataka niya ng makitang walang mga tao dito. Wala ito sa sariling napaupo dahil nanghina ang kanyang tuhod, mula sa bintana ay nakita niyang malapit ng mag liwanag at ngayon niya lang siya napatanong sa sarili niya kung saan galing si Alas.
Napahawak ito sa kanyang ulo at mariing napapikit. "Argh!" sigaw nito at tumayo. May mali, may mali ngang nangyayari at dawit dito ang kanyang mga kaibigan. Lumabas siya ng silid at binuksan ang iba pang silid, nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog ng mga iba pang lalaki na kasama niya, o kaya wala pa ring malay. Class a lang ang wala sakanilang mga silid.
"Nasan ang ibang kasamahan natin?" tanong ni Khal El ng mag kasalubong niya sila Alas at Aiko na nag lalakad.
"Nasa itaas, ligtas sila dun" sagot ni Alas
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Khal El "Ang akala ko, ako lang ang naparusahan dahil sa maling bintang saakin"
"Anong bintang?" takang tanong ni Alas, ngunit sa halip na sumagot si Khal El ay napatingin siya kay Aiko. "Anong bintang?"
"May maling nagawa si Ken, kailangan natin siyang hanapin" sagot ni Khal El at nag simula ng mag lakad.
"Delikado ang lugar na ito, lahat tayo papatayin para pag kakitaan"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Khal El habang nag lalakad
"Saka ko na ipapaliwanag, si Ken nalang ang nawawala sa Class a, yung baguhan isa siyang ispiya kaya nalaman na nakakalabas tayo"
Napailing si Khal El dahil sa nalaman niya. Nahinto siya sa pag lalakad ng may madaanan silang isang papasok na daan. Hindi ito nag dalawang isip na pumasok sa loob at napatakbo ng may makita siyang malaking kahon.
May maliit itong bintana kaya sinilip niya ito. "Ken!" sigaw niya at pinag hahampas ang pader ng kahon na gawa sa lata.
"Ken" napatakip ng bibig si Aiko at hinawi si Khal El saka sumilip. Nakita niya si Ken na bulagta kaya mas lalo siyang napahikbi.
Gamit ang laser ay walang kahirap hirap na binuksan ni Alas ang pinto. Nang makita ni Aiko na bukas na ang pinto ay agad siyang pumasok sa loob para mahawakan si Ken.
Niyugyog niya ang pisngi nito ngunit wala parin itong malay. "Ken.. Gising" umiiyak na pakiusap ni Aiko. Hinipo ni Khal El ang pulso ni Ken at kumabog ang dibdib nito dahil wala siyang maramdaman.
Lumapit si Alas sa gawi nila at hinipo nito ang gilid ng leeg ni Ken. Napapikit ito at napaupo "Kailangan na nating umalis" lakas loob nitong sabi.
Nanlaki ang mata ni Khal El at nag angat ng tingin ng makita niyang tumayo si Alas. "Ikakarga ko siya sa likod ko—"
"Hindi ka makakakilos ng tama kung may mabigat sa likod mo, hayaan na natin siya—"
"Ano bang sinasabi mo!?" sigaw ni Khal El at kwinelyuhan si Alas.
"Alam kong alam mo na Khal El" malumanay na sagot ni Alas at napatingin kay Ken na maputla na. "Wala na siya"
"Hindi" tinulak ni Khal El si Alas ng malakas kung kaya't natama ito sa pader. Doon na napaupo si Alas dahil nakaramdam siya ng panghihina.
Niyugyog ni Khal El ang katawan ni Ken at nakita niya ang maitim na pasa nito sakanyang braso. "Ken... Hindi.. Gumising ka na" pag mamakaawa ni Aiko.
Tumulo ang luha ni Khal El ng makita niya sa braso ni Ken na namamaga. "Anong ginawa sayo? Anong tinurok sayo Ken?" tanong ni Khal El habang nanginginig ang kanyang labi.
Niyakap ni Aiko ang katawan ni Ken habang humihikbi.
"Unti unti... lahat tayo mamamatay kung hindi pa tayo lalabas" usal ni Alas habang nakaupo siya sa pwesto niya. Bago pa tumulo ang luha ay niya mabilis siyang tumayo at pumunta sa gawi ni Khal El na ngayon ay nakayuko habang umiiyak. "Tumayo ka diyan! Umalis na tayo!" ibinaling niya ang tingin kay Aiko "Babae! Tumayo ka na rin! Kailangan nating umalis, huwag kang maging—" nahinto sa pananalita si Alas ng maitama niya ang kanyang paningin sa mukha ni Ken. Ang maamo nitong mukha. Napasinghal siya at wala sa sariling napabagsak, kasabay nun ang pag bagsak ng luha niya. "Patawad, patawad Ken nahuli kami" usal nito.
Sa isang iglap ay nawalan siya ng isang kaibigan na laging nag papasaya sakanila. Sa tuwing maaalala ni Alas at Khal El kung gaano nahirapan si Ken sa huling minuto na nabubuhay siya ay mas lalo silang nakokonsensya dahil huli na sila ng dating.
"Mahal kita Ken" humihikbing sabi ni Aiko na ngayon ay natutunan na kung anong ibig sabihin ng pag ibig.
Iminulat ni Justin ang kanyang mga mata habang may tipid na ngiti sakanyang labi ng makita niya si Ken sa kanyang panaginip. Hinanap niya ito sa mga kasama niyang tulog ngunit hindi niya ito nakita.
"Bakit tayo nandito?" tanong ni Justin kung kaya't naalarma si Charlie na nagising at napatingin sa paligid. Napapikit ito dahil sa sinag ng araw.
Iminulat rin ni Yico ang kanyang mga mata at eksaktong tumama sakanya ang sinag ng araw. Mabilis niyang tinakpan ang mga mata niya, ganun rin si Gee. Mabilis na tumayo si Charlie "Bakit wala pa sila?" nag aalalang tanong ni Charlie ng mapagtanto niyang wala pa sila Alas.
"Magaling! Haha!"
Sabay silang napatingin taong biglang dumating, mga guwardya, isang lalaking hindi pamilyar sakanila at si Venti na nakapiring habang nakatali ang mga kamay na hawak hawak ng mga guwardya.
Napatayo ang apat na binata, at nag sama sama. "Sino ka?" tanong ni Gee sa lalaking nasa gitna.
"Carl, the owner of Doll House, nag kamot ito sa noo "Naintindihan niyo ba?"
"May ari ng Dollhouse?" wala sa sariling nasabi ni Justin ng maintindihan niya ang sinabi ni Carl. Narinig ito ng mga kasamahan niya kaya naintindihan na rin nila.
"Mabuti at nandito kayo, ng hindi maistorbo ang mga laruan ko sa loob sa gagawin ko sainyo tsk tsk, sayang kayo. Kung sumunod lang sana kayo sa batas—"
"Batas!? Hindi niyo na kami maloloko! Alam na namin ang lahat!" sigaw ni Charlie "May mag liligtas saamin!"
"Sino? Itong isang 'to?" turo ni Carl kay Venti "O yung babae?"
Dahan dahang nagseryoso ang mukha ni Charlie "Hindi..." wala sa sarili nitong nasabi.
Humakbang ang mga guwardya kaya humakbang paatras ang apat. Samantala, si Yico naman ay nasa katawan ng guwardya nakatingin. Naisip nito na wala silang kahit na anong dalang sandata. Siguro ay minamaliit sila ng mga ito at isang tulak lang sakanila ay mahuhulog na sila sa baba. Hanggang sa nanlaki ang mata nito sa nasaksihan niya.
Nabutasan ang tiyan ng isang guwardya "Aarrgghh!!" sigaw nito at nag sitalsik ang kanyang dugo. Nang matumba ito ay nakita nila si Alas na nakangisi ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang nakita pa ni Yico ng may humampas sa ulo ni Alas kung kaya't napabagsak ito sa sahig.
"Kuya!!!" sigaw ni Charlie ng makita niyang bumagsak si Alas.
"Hay.. Kahit kailan ang hihina niyo" usal ni Carl habang nakatingin sa guwardyang duguan at kay Alas na duguan rin ang ulo.
"Alas!" sigaw ni Justin at ng akmang lalapitan niya si Alas ay hinila siya ni Yico saka ito umiling. "Alas!" sigaw niya habang lumuluha.
"Ito na ang huling yugto ng buhay niyo kaya gaya ng mga.. naunang namatay para payamanin ako. Ipapaliwanag ko mismo kung bakit kayo nandito" nakangiting usal ni Carl
"Hindi na kailangan! Alam na namin lahat! Hayop ka!" sigaw ni Gee
"Tapusin ang mga yan" utos ni Carl at tinalikuran sila saka pumasok sa loob.
Tumakbo pasugod ang tatlong guwardya at Hinanda ni Justin ang kanyang kamao kahit pa nanginginig ito sa takot. Si Charlie ang unang sumugod at sinipa sa tiyan ang isang guwardya. Si Justin naman ay malakas na itinulak ng isang guwardya, napasinghal siya dahil sa muntikan na siyang mahulog pababa.
Dahil sa abala ang tatlong guwardya sa pakikipag bugbugan sa tatlong kasamahan, si Yico ay patakbo niyang kinuha ang dos por dos na pinampalo sa ulo ni Alas. Pinuntahan niya si Venti na nakahiga habang nakatali ang buong katawan.
"Anong ginagawa mo!?" tanong ng guwardya kaya mabilis na tumayo si Yico at hinampas ang dos por dos ngunit nahablot ng guwardya ito. Napayuko nalang si Yico ng makita niyang inamba sakanya ang dos por dos.