Bumagsak ang guwardya habang tumatalsik ang dugo sa kanyang leeg. Nang makita ni Yico ang dugong nag babagsakan ay napaangat ito ng tingin, napatayo sa nakita niya at napatingin kay Alas na mariing nakapikit habang hawak hawaka ng likuran ng kanyang ulo.
Kinalagan ni Yico si Venti habang hindi niya maiwasang mapatingin sa mga kasamahan niyang patuloy na pinapahirapan ng dalawang guwardya dahil sa bugbog. Pilit silang lumalaban.
Nang makalagan si Venti ay ininda niya ang sakit ng katawan niya, mabilis niyang kinapa ang kanyang nakatagong baril sa kanyang bota. Mabilis na dinampot ni Yico ang dos por dos at patakbong sumugod.
Hinampas niya sa ulo ang lalaking nakahawak kay Gee at Justin.
"Aahh!!" sabay silang napatingin sa gawi ng isang guwardya na kanina lang ay hawak si Charlie ngunit ngayon ay mag isa nalang siya habang nakangising nakatingin sa baba.
"Charlie!" sigaw ni Gee ng mapagtanto niya nahulog ang tinuturing niyang kapatid.
Sa galit ni Yico ay hindi pa man nakakalingon ang lalaki sakanya ay nahampas niya ito ng maraming beses sa ulo.
"Tapos na ang oras mo Carl" gigil na sabi ni Venti habang nakatutok ang kanyang baril kay Carl ng eksakto itong bumalik. Si Alas naman ay nag panggap na wala ng malay.
"Kuya!" sigaw ni Charlie ng makita si Yico. Hirap na hirap itong nakahawak sa simento habang nangingilid ang luha sa takot.
Mabilis na umupo si Yico sa pag kabigla ng makita pa si Charlie na nakakapit. Mabilis na lumapit sina Gee at Justin upang tulungang makaangat si Charlie.
"Kapit ka lang Charlie!" nag aalalang sabi ni Gee. Ngunit ng makakapit sakanya si Charlie ay halos mapasubsob ito dahil sa bigat ni Charlie. Si Justin naman ay pumagitna para mahawakan ang mabilang kamay ni Charlie. Ang isang kamay ni Charlie ay nakahawak sa kamay ni Yico.
"Kuya.." usal ni Charlie habang nanlalabo na ang mata dahil sa luhang lumalabas dito.
"K-kumapit ka lang" hirap na hirap na sabi ni Justin habang todo ang pag hila ngunit walang nangayayari.
*Beng!*
Napabitaw si Justin sa gulat ng may marinig siyang pag putok ng baril. Bumalik rin siya sa pag kakahawak kay Charlie. "Charlie! Kung mahuhulog ka! Mahuhulog rin kami! Sasama kami sayo!"
"Huwag huwag" umiiling na sabi ni Charlie habang lumuluha.
"Isa! Dalawa! Tatlo! Arrgh!!" sigaw ni Gee sa hirap ng hilain niya si Charlie.
Naramdaman ni Charlie ang pamamasa ng mga kamay niya kung kaya't nagiging madulas na ang kanyang mga palad. Umiling ito "Huwag niyo na akong intindihin" umiiling nitong sabi at pilit na ngumiti.
"Tumigil ka!!" sigaw ni Justin
Samantala, si Alas naman ay pilit tumayo ng makita niya ang sitwasyon ng apat.
"Dapa!" utos ni Venti kay Carl matapos niyang mag paputok ng baril sa itaas. Dahan dahang dumapa si Carl "You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you. "umigtig ang panga ni Venti sa sobrang galit.
Si Charlie naman ay bumitaw na sa pag kakahawak niya habang tipid na nakangiti at lumuluha "Masaya akong nakilala ko kayo"
"Charlie! Kumapit ka!" sigaw ni Gee.
"Bitawan niyo na ako" pakiusap ni Charlie
"H-hindi--- k-kapit--- k-kapit ka"
Napatingin si Charlie kay Yico ng marinig niyang magbanggit ito ng mga salita sa unang pag kakataon. Mabilis na kumapit si Charlie sa kamay nila Gee at Yico. Si Gee at Justin naman ay ikinagulat ang narinig kaya mas nag karoon sila ng lakas para mahila si Charlie.
Nakita ni Charlie si Alas na sumilip sakanya "Kumapit ka Charlie" nanghihinang sabi ni Alas.
Hanggang sa lumakas ang hangin, napangisi si Venti at nangilid ang luha dahil sa wakas ay dumating na ang hinihintay niya.
"Hila!!" sigaw ni Gee
Nakangiting pinapasok ni Miss D ang isang babaeng kliyente sa loob ng silid kung saan may tatlong babae ang nakahiga sa bawat kama.
"Can you introduce them to me?" tanong ng kliyente at napatingin sa mga babae.
"Ah.. They have no Identity, now choose" maotoridad na sagot ni Miss D
Napataas naman ng dalawang kilay ang kliyente at nilapitan ang isang babae saka niya ito hinawakan sa kamay. Dahan dahan niya itong binitawan ng maramdaman niya ang panginginig ng kamay ng dalaga. Napagtanto niya na may malay ito at nag papanggap lang na tulog.
"They are dolls right?" tanong ng kliyente habang nag lalakad patungo sa isang babae. Si Miss D naman ay nag lakad patungo sa mesa kung nasaan ang mga presyo.
Nanlaki ang mata ng kliyente ng makita niyang iminulat ng isang dalaga ang kanyang mata, nangungusap ang kanyang mga mata na humihingi ng tulong. Pasimpleng tumango ang kliyente at hinaplos niya ang bandang mata ng dalaga para makapikit ulit ito.
Nag lakad naman siya sa isa pang babae at hinaplos ang mukha nito saka napailing.
Demonyo lang ang makakagawa nito sa mga batang walang kalaban laban'
"Ito ang pinipili ko" turo ng kliyente sa babaeng nasa gitna na ibinuka ang mga mata kanina. Inalis ng kliyente ang kanyang salamin at isinuksok sa kwelyo.
"Eight point five million to have that face" nakangiting sagot ni Miss D
"Ok" nakangiting sagot ng kliyente at may kinuhang bagay sakanyang loob ng coat.
Nanlaki ang mata ni Miss D ng ipakita sakanya ang pamilyar at iniiwasan niyang bagay kaya napangisi ang kliyente na si Loerene. "No" wala sa sariling nasabi ni Miss D.
"Sa presinto ko nalang babayaran" nakangiting sambit ni Loerene at nag bukas ang pinto. Pumasok ang mga swat team na agad inaresto si Miss D.
Napabangon naman ang tatlong babae na sina Ashley, Luna at Gab. Sinadyang mag mag mukhang mayaman ni Loerene sa lahat ng ginawa niyang background upang makuha ang mga nasa class a kung saan nalaman niyang nandun ang mga nakakausap ni Jasmin.
"Anong gagawin niyo?" takot na sabi ni Luna at tumabi kay Ashley na nasa gitna, si Gab naman ay nag punta rin dito saka sila nag yakapang tatlo.
Nilingon ni Loerene ang mga dalaga at nilapitan ito saka nginitian "Ligtas na kayo, makakalabas na kayo dito. Mag kakaroon ng panibagong buhay" nakangiting usal nito habang hinahaplos ang buhok ni Gab na takot na takot.
Sinenyasan ni Loerene ang mga swat na kunin ang mga dalaga bago ito lumabas ng kwarto at hanapin ang kanyang partner na si Jasmin.
"Si Jasmin nakita niyo?" nag aalalang tanong niya sa mga kadivision niya ngunit umiling sila habang nag hahanap pa rin. Napahawak sa noo si Loerene at pinag patuloy ang pag hahanap.
Sa pag lalakad niya ay napailing siya ng makita ang maraming mga dalaga na hawak na ng swat, takot na takot ang mga ito marahil ay wala pa silang alam kung anong klaseng lugar ang lugar kung nasan sila ngayon. Nag kalat ang mga swat sa paligid na nag hahanap ng mga biktima.
Pinindot niya ang kanyang mouthpiece para makausap ang mga pinadala sa kabilang building. "Kumusta diyan? Nailabas niyo na ba sila?"
"Bago pa kami dumating, naaresto na ang owner. Galing sa fifth district"
Napatango naman si Loerene at inipit ang ibang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga "Sige" sagot niya.
Yung pogi yun ah-
"Ay sh*t Jasmin! Nasan ka na!?" bigla ulit siyang nataranta.
"Ayos ka lang!?"
Nahinto siya sa paglalakad ng makarinig ng boses ng isang lalaki sa isang kwarto kaya agad niya itong pinasok.
"Jasmin!" usal nito at patakbong nilapitan ang partner na inaalalayan ng swat na bumangon. "Buti may malay ka Jusko" nag aalalang sabi ni Loerene at niyakap si Jasmin.
"Anong oras kayo dumating?" tanong ni Jasmin habang iniinda ang sakit ng katawan.
"Five kami nag surveillance" sagot ni Loerene at sumama ang tingin sakanya ni Jasmin.
"Ang kupad" reklamo nito habang pinapalagutok ni Jasmin ang kanyang leeg.
"Hindi kasi kami magaslaw gaya mo" pag alma naman ni Loerene "Actually si Pogi-- si Venti ang nanghingi ng back up, pero bago pa siya humingi, na report ko na 'to sa head quarters--"
"Sa kabilang building!?" naalarmang tanong ni Jasmin.
"Naaresto na yung owner--" hindi pa man tapos ang sinasabi ni Loerene ay umalis na si Jasmin sa harap niya at nag lakad palabas ng kwarto "Sabi ko nga"
Nang makalabas si Jasmin ay bumungad sakanya ang nag kalat na swat at mga dalagang inaalalayan nilang lumabas. Nag dadalawang isip siya kung hahanapin niya ba si Ashley o lumabas nalang siya para puntahan ang gusto niyang makitang tao. Si Charlie.
Pero dahil pakiramdam naman niya ay maliligtas na sila Ashley ay patakbong lumabas nalang siyang lumabas.
Bukas na ang gate at napansin niya ang isang helicopter na mababa ang lipad. Agad siyang pumasok sa kabilang gate at maraming swat, ambulansya, police mobile at maraming taga medya ang nandoon. Nang makita siya ng mga ito ay akma silang susugod ngunit hinarang sila ng mga pulis.
Nahinto sa pag pasok si Jasmin ng makasalubong niyang palabas ang maraming binata na mula sa loob. Marami sakanila ang nasisinag sa sikat ng araw, dahil ito ang unang beses na makakakita sila nito. Pumasok siya sa loob at nag kalat na rin sa loob ang mga swat na dala dala ang mga guwardya.
Ngunit isang pamilyar babae ang nakita niya habang iniiyakan nito ang isang taong nakatakip ng kumot habang dala dala ng mga swat.
"Aiko?" tanong ni Jasmin at napatingin ito sakanya. Ibinaling ni Jasmin ang tingin sa katawan ng tao na balot ng kumot "Sino—" napatakip siya ng bibig.
"Ang pag ibig ko, wala na siya" ibinaling ni Jasmin ang tingin sa dalaga "Wala si Ken" usal nito habang humihikbi.
Hindi nakapag salita si Jasmin ng mapagtanto niyang kasamahan ni Charlie si Ken at naaalala niya ang mukha nito. "Anong nangyari..." wala sa sariling sabi ni Jasmin habang hinahatid niya ng tingin si Aiko na sumasabay sa bangkay ni Ken.
Nahinto ito ng ilang minuto hanggang sa mapagtanto niya ang pakay niya dito. Mabilis itong nag lakad patungo sa hagdan na nakita niya, naalala niyang nasa ikatlong palapag ang kwarto ng mga class a.
Nakita niya ang mga binatang nilalabas ng mga swat ngunit hindi niya makita dito si Charlie at ang mga lalaking kasamahan nito. Napailing ito at naalala na may nakita siyang helicopter kanina sa tapat ng rooftop kaya at patay na rin si Ken kaya naisip niya na napahamak ang mga class a.
Patakbo siyang umakyat ng hagdan, hindi niya ininda ang panghihina niya.
Isang malakas na hangin ang sumalubong sakanya ng makaakyat siya. Nakita niya ang isang lalaking pinoposasan. Nag tama ang paningin nila ni Venti at tipid na ngumit sa isa't isa na tila ba pagod na pagod dahil sabay ring bumagsak ang kanilang balikat.
"Nagawa mo" usal ni Jasmin habang nag lalakad papalapit kay Venti.
"Nagawa mo rin" sagot ni Venti at inilahad ang kamay. Inabot naman ito ni Jasmin.
"Jasmin, taga first district from f-fourth division" medyo nahihiyang sagot ni Jasmin at napakamot sa batok.
"Hehe, anu ka ba sigurado akong pababalikin ka na sa First division--"
"Charlie"
Sinundan ng tingin ni Venti si Jasmin ng bigla itong umalis sa harap niya. "Hay grabe talaga ang babaeng yun" reklamo ni Venti.
Nang mag sialisan ang mga swat ay doon na nakita ni Jasmin si Charlie kaya mabilis niya itong nilapitan.
"May nasaktan ba sainyo!?" tanong ni Jasmin habang mabilis na nag lalakad papalapit sakanila.
"Ate? Ate?" tanong ni Charlie
Nangilid ang luha ni Jasmin at tumango "Ako nga" niyakap ni Jasmin si Charlie at itinago ang mukha sa balikat nito ng tumulo na ang kanyang luha.
"Maayos na lahat, sa wakas..." tumulo ang luha ni Gee "Tapos na.. Sa wakas"
"Kung aalis na tayo dito, saan na tayo pupunta?" tanong ni Justin.
"Oh may sugat ka sa ulo" pag pupuna ng isang swat kay Alas ng makita itong may dumudugo.
Napakalas sa pag kakayakap si Jasmin at tinignan si Alas saka ito nilapitan. "Tara na, dadalhin ka namin sa hospital" aya nito.
Sinimulan na nilang mag lakad paalis ng rooftop.
"Ano yung hospital?" inosenteng tanong ni Charlie. "Khal El!" masayang sabi nito ng makita nila si Khal El na kararating lang at namamaga ang mga mata.
"K-ken" napatingin ang lahat kay Yico ng mag salita ito.