Tumulo ang luha ni Khal El habang nakatingin kay Yico. "Nag sasalita ka na?.. Sayang.. Hindi na maririnig ni Ken"
Humigpit ang hawak ni Jasmin sa braso ni Alas dahil sa masamang balita na maririnig nila. Mariin itong napapikit dahil sa sakit na nararamdaman niya, bakit kailangan pang may mamatay ngayong makakalaya na sila sa isang impyernong lugar na ito.
"Ha?" takang tanong ni Justin saka lumapit kay Khal El "Bakit ka umiiyak? Bakit hindi mo kasama si Ken?" tanong ni Justin habang nakatingin sa paligid "Siguro nasa labas na siya ano? Tinitignan ang pag labas ng mga babae, o kaya yung sinag ng araw?" nakangiting tanong ni Justin at napatingin sa sikat ng araw "Aray" usal niya ng masilaw ang mata nito.
"Kung ganun! Tara na! Ngayon malaya na tayo!" masayang sabi ni Charlie habang nangingilid ang mga luha saka tumingin kay Jasmin "Tutuparin pa ni Ate ang pangako niya saakin" Napangiti si Jasmin at nag punas ng luha.
"Anong pangako?" tanong ni Gee
"Hindi!" napatingin ang lahat kay Justin ng bigla itong sumigaw habang nakatingin kay Khal El. "Hindi! Hindi pwede!" sigaw pa nito habang patuloy ang pag luha. Wala sa sariling napaupo si Khal El at napahawak sakanyang ulo.
"Bakit?" takang tanong ni Gee
"Si Ken" napatingin ang lahat kay Alas "Wala na siya, may kung anong tinurok sakanya—" hindi pa man natatapos ni Alas ang sinasabi niya ay napahagulgol na si Charlie habang umiiling. Si Gee naman ay natulala, at si Yico napailing.
"Nasan siya? Nasan siya...?" tanong ni Justin
"Nasa baba" sagot ni Jasmin
"Alam mo?" wala sa sariling tanong ni Gee kay Jasmin
"Nakasalubong ko"
Nang mabilis na tumakbo si Justin paalis ay sinundan siya ni Yico at iba pa niyang kasama. Si Alas at Jasmin ang nag sabay mag lakad palabas.
"Si Ashley? Ligtas ba siya?" tanong ni Alas
"Panigurado" sagot naman ni Jasmin kaya tumango si Alas.
Nang makalabas sila ay sumalubong sakanila ang nag iiyakang mga binata sa harap ng isang bangkay. Abala ang mga pulis sa pag harang sa mga taga midya para hindi makakuha ng larawan mula dito.
Tinapik ni Jasmin ang balikat ni Alas at napalingon ito sakanyang tabi ng makita niya dito si Venti at Loerene.
"Nakakalungkot, pero tinadhana ng mangyari ito. Ang buhay ng tao may katapusan rin, lahat tayo tinadhana para sa araw na yun. Si Ken... nauna lang siya" usal Venti habang nakatingin sa bangkay na ipinapasok sa ambulansya. "Ako ng bahala sa burial niya" dugtong nito.
"Ako ng bahala sa mga binatang yan—" nahinto si Loerene ng mag tama ang paningin nila ni Jasmin "Charot lang" pambabawi nito sabay tingin kay Venti.
Dumating ang mga rescuer at hinawakan si Alas ngunit umiwas ito. "Alas, gagamutin nila ang sugat mo" usal ni Jasmin kaya kumalma si Alas at sumama sa mga rescuer.
Habang nakatingin sila Jasmin, Loerene at Venti sa mga swat, police mobiles, ambulansya, mga biktima at taga midya ay sabay silang napabuntong hininga.
"Tapos na" usal ni Jasmin at napatingin ang tao sakanyang kaliwa't kanan dahil pinagitnaan siya nito.
"Paano na sila ngayon?" tanong naman ni Loerene habang nakatingin sa mga biktima.
"Gobyerno na ang bahala sakanila, grabe para akong nakakita ng mga gumagalaw na manika" namamanghang sabi ni Venti
"Mission accomplished" nakangiting sabi ni Loerene.
"Tama, mission accomplished na" sagot ni Jasmin at napangiti maitama niya ang paningin kay Charlie "Pero sa pamilya.. Hindi pa"
Walang araw na hindi laman ng diyaryo, radyo at telebisyon ang kasong may dekada ng hindi nalulutas ngunit sa wakas ay nalutas rin dahil sa mahuhusay na alagad na batas. Ang detective na si Jasmin, Loerene at Venti ay nakatanggap ng parangal. Tinuring silang bayani sa pag lutas sa karumal dumal na krimen.
Marami ang nag diwang dahil sa pag lutas ng isang kaso. Nakulong ang mga dapat makulong, marami ang mga kasabwat na napaamin, hanggang sa pinakailalam na istraktura ng organisasyong namumuno sa Doll House ay naaresto. Ang mga dokumento na nag lalaman ng pag kakakilanlan ng mga biktima ay nahalungkat. Kaya naman ay maraming mga magulang na nawalan ng anak ang nag karoon ng pag asa na muli nilang makikita ang kanilang nawalang anak.
Maraming mga pamilya ang binisita ang pasilidad kung saan doon ipinunta ang biktima na may bilang siyam na pu't walo. Ang mga magulang na nag karoon ng lukso ng dugo sa mga biktima ay nag pa DNA test. Ang iba naman ay sumailalim sa tamang proseso ng pag ampon.
Dahil sa pag kakakilanlan ng mga biktima ay maraming mga magulang na nahanap ang kanilang tunay na anak.
Nahanap na ang pangatlong anak ng gobernador at ito ay si Aiko.
Ang anak ng dating artista at ito ay si Luna.
Ang bunsong anak ng Ceo ng kompanya at ito ay si Gab.
Ang kambal na anak ng Alcalde sa isang syudad at ito ay sina Justin at Ashley.
Ang anak ng mag asawang owner ng mall at ito ay si Khal El.
Ang anak ng dating artista na ngayon ay entrepreneur na at ito ay si Gee.
Si Yico ay ang matagal ng nawawala na isang hasyendero.
At kaya naman pala matapang na tao si Alas ay anak siya ng isang sundalo.
Dahil dito ay napag alamang tama ang hinala ng mga alagad ng batas na pinili ang mga ninakaw na bata at ang mga batang ito ay may karangyaan sa buhay. Ngunit dahil sa kasakiman sa pera at hindi makataong gawa ay pinag kait ito sakanila.
"Heto na" bulong ni Jasmin sa sarili niya ng maiabot sakanya ang DNA result ni Charlie at ng Papa niya. Huminga siya ng malalim ng bago niya ito buklatin.
Habang nag lalakad siya patungo sa kung saan nagaganap ang counselling ng mga biktima ay mahigpit siyang nakahawak sa dna test.
"Ate Jasmin!"
Napangiti ito ng makita niya si Charlie na kasama ang mga kasamahan niya sa class a. Tumakbo sila patungo sakanya kaya mas lumawak ang ngiti ni Jasmin. Una siyang niyakap ni Charlie.
"Gusto niyong sumama sa bahay? Tara?" aya ni Jasmin at umakbay kay Charlie.
"Tara tara!" masayang aya naman ni Charlie habang tumatalon sa sobrang excitement. Si Charlie ay inampon ng pamilya ni Jasmin dahil sa lukso ng dugo na naramdaman ng mga magulang nito at dahil rin sa kagustuhan ni Jasmin.
"Teka? Nasan yung mga babae?" takang tanong ni Jasmin at tumingin sa paligid. "Ang sabi ko, huwag mawawala sa paningin niyo yung mga babae!" inis na sabi ni Jasmin.
"Ayan na sila oh!" sagot naman ni Khal El habang nakaturo sa apat na babaeng sabay nag lalakad.
"Hoy Justin bakit mo iniiwan yang kambal mo?" tanong ni Alas
"Anong gusto mo? Itali ko siya sakin para lagi mo syang makasama?" pambabara naman ni Justin kaya napanganga si Alas.
"Oh baka mag away kayo" suway ni Gee
"Dadaan ka muna sakin bago ka makapuntos diyan kay kambal" sabi pa ni Justin kay Alas. Napatango naman si Jasmin sabay pinag kross ang dalawang braso.
"Bakit pa kasi kayo naging mag kambal? Hay kainis" reklamo naman ni Alas
"Uyy.. Si Gab panay ang tingin kay Charlie..." Panunukso ni Luna kay Gab ng makalapit sila sa gawi ng mga lalaki. Kaya naman si Jasmin ay nanliit ang mata.
"Bakit masama?" nakasungo namang sagot ni Gab dahil hindi pa siya marunong mag palusot.
"Aiko, akin na yang bag mo" lumapit si Khal El kay Aiko at kinuha ang bag ng dalaga.
"Salamat" sagot naman ni Aiko. Hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata nito simula ng mamaalam si Ken sa mundo ngunit ang kanyang bagong pamilya at kaibigan ang nag papalakas sakanya.
Lumapit si Jasmin kay Aiko at hinawakan ang braso nito saka inayos ang buhok. "Napakagandang bata" pag pupuri ni Jasmin at napangiti sakanya si Aiko.
"Ikaw rin Jasmin, lagi kang maganda" sambit ni Gee kaya naman ay nag simula na silang mag ingay.
"Uuyy... May namumuong pag ibig!" panunukso ni Justin
"Dadaan ka muna sakin Kuya!" pag singit ni Charlie at pumunta ito sa harap ni Gee sabay nag pamewang.
"Haha! Patay ka" sagot naman ni Khal El
Si Luna naman ay inis na napatingin kay Yico saka niya ito nilapitan "Ikaw!" sigaw nito kaya napatingin sakanya ang binata "Hindi ka ba mag sasalita!?"
"Ano bang sasabihin ko?" malamig na sagot ni Yico na tila ba nasanay ng hindi nag sasalita.
"Sabihin mo maganda rin ako!" reklamo ni Luna ha ang napapapadyak.
"Kailangan ko pa bang sabihin yun?"
"Oo naman" nakasungomg sagot ni Luna
"Oo na, maganda ka" sagot ni Yico saka ngumiti ng makita niyang ngumiti rin si Luna.
Samantala, si Alas at Ashley ay kanina pa nag ngingitian. Ngunit napaatras si Alas ng biglang sumingit si Justin sa harap niya. "Bakit ka ba nang gugulat?" tanong ni Alas kay Justin
"Pag natunaw yang kambal ko, kasalanan mo ha" sagot ni Justin at pinuntahan ang kambal niya. Mukhang mahihirapang manligaw si Alas.
"Gusto niyong sumama sa bahay?" pag iiba ng usapan ni Charlie
"Gusto ko! Gusto ko! Tara!" patakbong lumapit si Gab kay Charlie saka nito pinulupot ang braso sa braso ng binata.
"H-hoy" turo ni Jasmin sa dalawa ng mauna silang mag lakad. "Hay ang aggressive ng batang 'to ha" tukoy niya kay Gab.
Habang nag kakasayahan at nag kwrkwentuhan ang lahat ay napatingin si Jasmin sa mga magulang nito na natutuwang pinapanuod ang mga dalaga't binata na masayang nag kwekwentuhan tungkol sa eskwelahan na pinapasukan nila. Kaya naman kinuha na ni Jasmin ang pag kakataon na ito para sabihin ang kanyang balita.
Pumunta ito sa harap nila "Makinig kayo sakin!" utos nito habang pumapalakpak kaya naman natihimik ang lahat na tumingin sakanya. "Mayroon akong... Sasabihin"
"Ano yun anak?" tanong ng Mama niya.
Kinuha niya ang dna result sakanyang bag na nakasabit saka niya ito inabot sakanyang magulang. Tumingin siya kay Charlie "Nag pa dna ako para mapatunayan kung si Charlie ba at si Peter ay iisa" paninimula ni Jasmin at narinig niya ang mga magulang niyang umiyak bigla.
"Peter.." humihikbing sabi ng Mama niya habang nakatingin kay Charlie. Alam na ni Charlie ang tungkol sa nawawalang kapatid ni Jasmin at handa naman itong palitan siya sa pwesto ngunit..
"Positive" mangiyak iyak na sabi ni Jasmin kaya napanganga ang mga nanunuod sakanya "Kapatid ko nga si Charlie, siya si Peter" usal nito habang nakatingin sa kanyang kapatid.
Si Charlie o si Peter naman ay napatayo at tinignan ang mga magulang na umiiyak. Bahagya itong napasibi at tumulo ang kanyang luha. "Mama... Papa" usal nito
"Peter ko.." sagot ng mama nito at niyakap ng mag asawa si Peter na parang ngayon lang ang una nilang pag kikita.
Napangiti si Jasmin habang nag pupunas ng luha saka nag pamewang at bumuntong hininga. Sa wakas ay natapos na rin ang isa pa niyang misyon. Ang mabuo ang kanyang pamilya.