Part 21

1866 Words

“PARA SAAN ang mga ito?” kunot ang noong tanong ni Jake nang makita ang pumpon ng mga bulaklak at basket ng prutas na nakapatong sa passenger seat ng sasakyan niya. Inihabol iyon ng mommy niya nang malaman nito na pupunta nga siya sa ospital. “Pasalubong mo kay Lara,” sagot sa kanya ni Chedy. Lalong nagsalubong ang kilay niya. “Mommy, maiintindihan ko ang mga prutas pero hindi ang mga bulaklak. Kailangan ko pa ba siyang bigyan niyan?” “Hijo, sa isang taong may sakit, maganda sa pakiramdam na makakita siya ng magagandang bagay. Mga magagandang bulaklak, lalo na. Maaga kong inutusan si Lito para bilhin ang mga bulaklak na iyan.” Pumalatak siya. Kinuha niya ang bulaklak at ibinigay sa ina. “Sa inyo na lang iyang mga bulaklak. Mommy. Hindi ko dadalhin iyan. Ayoko.” “Pero, hijo---” “Mommy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD