BAHAGYANG nakaawang ang pinto ng hospital suite na inookupa ni Lara nang mapatapat doon si Jake. Magwa-warning knock sana siya subalit natigilan siya nang makarinig ng isang ungol. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Nagulat siya nang bumukas nang maluwang ang pinto. Isang nurse ang nagmamadali na lumabas doon. Nagtama ang mata nila ni Albert. Nakatayo iyon sa partition ng mini sala at mismong hospital bed ng pasyente. Humakbang ito palapit sa kanya. “Good morning, Tito Albert.” Malungkot ito subalit gumuhit ang ngiti sa mga labi. “Halika, maupo ka muna. Salamat, Jake. Nandito ka. ” Napalunok siya. Nakuha niya agad ang ibig sabihin nito. Tahimik na ipinatong niya sa mesita ang dala niyang mga prutas. Nang humakbang si Albert palapit sa kama ay sumunod din siya. Parang gusto niyang m

