“SAAN KA naka-park?” matabang na tanong sa kanya ni Jake nang nasa hall way na sila. “Sa right wing.” Nakalabas na sila ng ospital na hindi na nadagdagan pa ang usapan nila bagaman nakasunod lang ito sa direksyon ng mga hakbang niya. Huminto sila ng nasa tapat na siya ng kotse niya. “Saan ka talaga pupunta?” tanong nito sa kanya. “Hindi ko pa alam. Madaming puwedeng puntahan,” malabong sagot niya. “Don’t you want to stay here at the hospital? Sa kapatid mo?” Tumutok ang tingin niya dito. “Tapos nandiyan ka rin?” Biglang pumitik ang dalawang daliri nito sa hangin. “Nararamdaman mo ang nararamdaman ko, hindi ba?” Buntong-hininga ang itinugon niya. Hindi niya alam kung tamang isatinig ang nasa isip niya kaya pinili niyang tumalikod na lang at buksan ang sasakyan niya. Pero inisang hak

