BITBIT ni Rachelle ang pag-asa na iyon ay umuwi lang siya saglit sa pad para mag-freshen up. Natukso siyang mag-make up pa pero ayaw naman niyang mahalata ni Jake na nagpaganda pa siya. Pinagkasya niya ang sarili sa manipis na polbo at maputlang lipstick kagaya ng nakasanayan niya. At pagkatapos din ng isang napakahabang linggo na parang taon ang katumbas ay tinangka niyang muling i-dial ang cell phone nito. Unattended. Saglit lang siyang nagtaka at nagpasya nang dumiretso sa ospital. Alam naman niyang araw-araw itong nandoon. Kundi si Ate Celing ay mismong si Luis ang nagsasabi sa kanya. Si Luis na puwede nang sabitan ng medalya sa pagmamahal sa Ate Lara niya. Sana lang talaga ma-realize ng ate niya na kay Luis nito dapat ibaling ang atensyon nito para maging masaya na silang lahat. K

