TININGNAN ni Jake ang lahat ng parking area ng ospital. Hindi na rin siya masyadong nagulat nang hindi makita roon ang sasakyan ni Rachelle. Malakas ang kutob niyang nagmamadali na itong umalis. At malamang din, dahil iyon sa nakita sila ni Lara. But they were not kissing! Itataya niya ang buhay niya para lang patunayan dito na hindi totoo iyon. At na-realize din niya, hindi kaya noong nakita niya ito at si Luis na magkayakap, baka dinadaya lang siya ng paningin niya? Na baka nagseselos lang siya talaga ng wala namang dahilan? Mabilis ang mga hakbang na bumalik siya sa kuwarto ni Lara. Ngayon niya naisip na ni wala nga pala siyang cellphone nitong mga nagdaang araw. Buhat nang mawasak ang cell phone niya ay hindi naman niya inisip na palitan iyon. Masama pa rin ang tingin sa kanya ni At

