Baguio City HALOS yakapin ni Rachelle ang puntod ng mama niya dahil sa labis na pag-iyak. Doon siya tila batang nagsumbong. Lahat ng sakit ng kalooban niya, inisa-isa niyang sabihin habang halos magkabuhol-buhol ang paghinga niya sa pagtangis. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Hanggang sa parang naubusan na siya ng lakas at napasandig na lang sa marmol na puntod nito. Tuyo na ang mga mata niya subalit ang puso niya ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Mas malamig na ang simoy ng hangin nang magsimula siya ng painot na pagkilos. Alam niya, mayamaya lang ay isasara na ang gate ng memorial park. Kaya hindi na niya hihintayin pang paalalahanan siya ng guard doon. Sumakay siya sa unang bakanteng taxi na pinara niya at nagpahatid siya sa bahay nila. Gulat na gulat si Ising nang

