Part 27

1610 Words

“IKAW ba si Jake?” Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, at saka inulit uli mula paa hanggang ulo. “Ako nga ho, Aling Ising. Sabi ni Tito Albert, nandito si Rachelle. Kaya maaga pa lang ay umakyat na ko dito sa Baguio.” First time niyang nagpunta sa lugar na iyon nina Rachelle. At nagpapasalamat siya na si Albert mismo ang tumawag sa kanya para ipaalam na nasa Baguio nga ang anak nito. Napanatag naman siya maski paano, pero hindi rin siya mapakali buong gabi kaya madaling-araw pa lang ay gumayak na siya para sundan ito dala ang direksyon na ibinigay sa kanya para matagpuan ang address nito. Inaasahan na rin niyang si Aling Ising ang sasalubong sa kanya. Lumabas ito buhat sa kabilang bahay matapos ang ilang beses na malakas na pagkatok niya sa gate ng bahay ni Rachelle. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD