MAAGA siyang gumising kinabukasan. Kalat pa ang dilim ay nag-aabang na siya sa pagsundo sa kanya ni Ezra. Halos balot na balot ang buong katawan niya. Higit na mas malamig ang temperatura sa Sagada kesa sa Baguio kaya iniinda niya ang ginaw. “May baon akong nilagang kape, Ma’am. Ipagsasalin ko na po ba kayo?” sabi sa kanya ni Ezra nang nasa Kiltepan na sila. May ilang grupo na naroroon na at nakapaligid sa bonfire. “Sige. Salamat.” Hawak niya ang mug ng kape na naki-umpok siya sa may bonfire. “Hi. Mag-isa ka lang?” bati sa kanya ng katabi niya. Lalaki iyon. Bahagya siyang nailang subalit mukha namang mabait ito at nakangiti pa. “Oo,” tipid na sagot niya. “Mag-isa lang din ako. Second time ko na dito sa Kiltepan. Ikaw ba?” “First time ko dito sa Sagada,” napipilitang sagot niya. Sa

