“UMIYAK ka ba?” bakas ang pag-aalala sa tono ni Jake. Sinuyod nito ng tingin ang mukha niya. At hindi naman talaga maitatanggi ang namumula niyang mga mata. “May problema, Jake. I don’t think this is the best time to tell them about us,” mahinang sabi niya. “But, why?” “Si Ate Lara, may sakit pala siya. Big C.” Napahikbi siya. Gumuhit ang simpatya sa anyo nito. “I’m sorry to hear that. Kumusta siya?” “Nasa itaas. Sabi niya, sinaksakan siya ng pampakalma kaya okay siya ngayon. Nag-aalala ako pag lumipas na ang epekto ng gamot.” “Pampakalma? Gamot ba sa cancer iyon?” “Pangatlong doktor na ang nagsasabi ng tungkol sa cancer. Siguro kung wala siyang pampakalma ngayon, baka nagwawala na siya dahil sa findings ng doktor. I am so shocked with the news, Jake. Ang totoo, pinipilit ko lang m

